Venice's POV
Heeellooo ^_^ Nice to meet you all. I'm Venice by the way. Makulit pero cute.
Madalas akong nakikita ng mga taong nakangiti, yung tipong parang walang problemang pinagdadaanan but they don't actually know me, even my best friends. Masikreto kasi akong tao and I'm an expert in putting my mask exactly on my face. Ooops! Huwag kayong masyadong literal mag-isip diyan. Haha
"Venice! Kain na" Mamaya ko na ulit itutuloy ang pagpapakilala. Tinatawag na kasi ako nung step mom ko.
"Ikaw bata ka! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag kang uuwi ng late?!" Pag-sesermon niya sa akin. Well. Palaging ganito ang set-up everytime na kakain kami. During dinner lang naman kasi kami nakakapag-usap.
"Sorry po. Nagkayayaan lang naman po kasi yung barkada kanina kaya nalate po ako ng uwi" Pagtatanggol ko naman sa sarili ko. As I was saying awhile ago, every dinner lang kami nakakapag-usap kasi hindi ako nag-bebreakfast dito sa bahay. Lagi akong maagang pumupunta sa school para doon ako sa canteen magbreakfast since may breakfast meal naman talaga doon.
"Aba't sumasagot sagot ka na ngayon? Yan ba ang natututunan mo sa school niyo ha?!" Hay naku. Paulit-ulit nalang po yung mga sermon niya sa akin. Panigurado, lalayo na naman to sa main topic. *pout*
"O baka naman natututunan mo yan sa mga kabarkada mo? Better iwasan mo na sila. Bad influence lang sila." Wow! Just wow! She doesn't even know who my friends are, pero bakit ganito siya makapagsalita?
"Hindi naman po sila Bad Influence eh. At kahit na bad influence man sila, sa kanila parin ako sasama kasi at least kapag sila ang kasama ko nararamdaman ko na may rason pa pala kung bakit ako nabubuhay" Mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya. Medyo pasigaw na nga rin ang pagkakasabi ko.
"Humanda ka! Makakarating sa daddy mo 'tong ginawa mo sa akin ngayon!" Sigaw niya. I bit my lower lip para pigilan ang pag-iyak ko. I don't want her to see me crying in front of her because I'll surely look like a loser.
"Edi sabihin mo. Hindi naman kita pinipigilan eh" Because of anger, nasabi ko nalang yan bigla. I can't take back those words already. Wala na, nasabi ko na eh.
*Slap*
"How dare you to talk to me like that? Baka nakakalimutan mo na ako parin ang masusunod sa bahay na 'to." I can sense that she's very angry already. So what? Wala akong pakealam sa kanya because in the first place, hindi ko siya kaano-ano.
"Isa ka lang namang mang-aagaw na sumira sa magandang relationship ng mga magulang ko dati. Well, then, congrats for a job well done. Wait for your prize 'coz karma will serve you your own menu" Sabi ko sa kanya tapos bumalik na ulit ako sa kwarto ko at nilock iyon. Wala naman siyang spare key kaya panatag na ang loob ko ngayon dahil kahit papaano, matatahimik muna ako ng buong-buo bago ako matutulog.
VOUS LISEZ
It ended where it started
AléatoireThe most memorable moment happens at the most unexpected place at the most unexpected time with the most unexpected person and with the unknown reason.
