Wanna know the story behind this story? 10 years old ako noong naghiwalay sila momsie at papsie. Kadarating kasi ni momsie noon galing Canada kaso naabutan niya si papsie na may kasamang ibang babae doon sa kwarto nila. At yung babaeng kasama ni papsie, siya si Kate, my step mom, yung kaaway ko kani-kanina lang. Wala pa naman akong masyadong alam that time. I'm too innocent about the complicated things that are happening to them kaya wala akong nagawa. Wala man lang akong naitulong para maayos ang lahat.

Gusto akong isama ni momsie dati kaso ayaw ni papsie. Basta ang alam ko, may naririnig ako dati tungkol sa abogado. At nung alam ko na kung anong mga nangyayari sa paligid ko, doon ko lang napagtanto lahat. Inexplain din sa akin ni Nanay Rose na may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado kaya naman minsan kailangan nalang nating bitawan iyon at hayaang tadhana na ang gumawa ng paraan. Sinabi niya din sa akin na kaya ako naiwan kay Papsie ay dahil yun daw ang naging resulta sa korte. Mas kaya daw kasi akong buhayin ni Papsie kesa kay Momsie.

*Ringtone*

Patricia calling ...

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko sinagot yung tawag. Dapat hindi niya malaman kung anong nangyari kani-kanina lang dahil ayokong magmukhang kawawa.

"Oh Isha napatawag ka?"

"Hi Venice" Teka? Hindi naman boses ni Isha to ah.

"Sino ka?"

"Awtsu naman. Nalimutan mo agad ako?" Oh wait. Bakit nga ba hindi ko agad naisip na si Kervin 'to?

"Kervin?"

"Naku! Ikaw ha. Madaling makalimot" Madaling makalimot.. Hay naku. How I hope na sana nga madali lang talaga akong makalimot.

"Huy hindi ah. Akala ko kasi si Isha yung tumawag kaya nawala sa isip ko na magkalapit lang pala kayo ng bahay"

"Sigurado ka?" I heard him chuckled. Ba't ba napakamasayahin din ng isang 'to? Di kaya may problema din siya?

"Oo naman. Oh napatawag ka Kerv?" Pag-iiba ko ng usapan. Ang kulit kasi niya, ayaw pang maniwala.

"Wala naman. Ikaw kasi yung unang nakaagaw sa atensyon ko kanina" Eh? Seriously? Anong trip ng isang 'to?

"Hahaha Nakakatol ka ba ha?" Tanong ko sa kanya. For the second time, I heard him chuckled.

"Hindi ah. Ayaw mong maniwala? Edi 'wag. Haha" Hindi ko tuloy alam kung seryoso pa ba siya o hindi. Hay naku!

"May sasabihin ka bang importante except sa mga kalokohang sinasabi mo ngayon?" Thanks to this guy. At least medyo nabawasan yung sama ng loob ko. Dati kasi, pagkain lang ang karamay ko.

"Do you have any plans for weekend?" Mag-aaya ba 'to ng date? *sapak sa sarili* Huwag assuming te!

"Wala naman. Why?" Halla! Malay mo date pala talaga! Kilig to the bones. *sabunot* Nakakamatay ang pagiging sobrang assuming.

"Talaga? Magpapasama kasi sana ako." Kitamo? Hindi ka niya aaying makipag-date no.

"Sure dude! Saan ba?"

"Kahit saan basta gusto ko kasing lumabas sa weekend." Why can't I stop myslef from smiling? Nababaliw na yata ako.

"Teka. Bakit pala di ka kay Isha magpasama?" Ano ka ba naman Venice! Pagkakataon na yan oh kaya huwag ka ng maarte. Sige ka, baka mamaya mawala pa yung opportunity na yan.

"May gagawin daw kasi siya sa weekend. Makikipag-date nga yata kasi tinatanong ako kanina kung ano daw ang magandang pagdadamit niya na magugustuhan ng lalake. Hahaha Baliw din ang isang yun." Wow naman! Lumalovelife si Isha. Chaaarooot! ^_^

"Pareho lang kayo. Hahaha"

"Dahil dinamay mo ako, okay, damay ka din. Baliw tayong tatlo" Then I heard him laugh. Napagaan tuloy yung bigat na nararamdaman ko kanina.

"Well then see you on Saturday" Dugtong niya tapos parang naghikab siya. Hahaha Ang cute lang pakinggan. ^_^

"Okay. Goodnight" Then I ended the call. I don't know how to describe this day. Feeling ko masaya na naging madrama tapos bigla ulit naging masaya.

I heaved a deep sigh at nagpakawala ng isang tunay at masayang ngiti. At least positive vibes ulit bago ako matutulog.

Thanks for your comfort Kervin.

It ended where it startedWhere stories live. Discover now