Napahinto ako sa pagsisigaw sa kanya nang bigla niya kong nakawan ng halik.
"Your taste doesn't change. It still tempt me to owned your lips.", nakangising aniya dahilan para kumulo ang dugo ko at sinampal siya ng pagkalakas-lakas.
"Mali talaga ang pagkakakilala ko sayo! Napakababoy mo! Hayop ka!Ha-
Muli akong natigilan sa pagsisigaw sa kanya nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"One word came out from your mouth, then I'll owned your lips. One from above and one from below.", banta niya na siyang nagpagalit sa akin ng husto.
"Hayop ka talaga!" mura ko kaya't mas nilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin. Natahimik ako sa ginawa niya at agad na tinakpan ang aking labi.
Natawa siya sa naging reaksyon ko at buti na lang ay tuluyan na niyang inilayo ang kanyang mukha.
"Tumahimik ka at baka marinig ka ng nila. Nandito na tayo.", biglaang pagseseryoso niya.
Nila? Sinong tinutukoy niya?ang mga kasamahan niya sa Gang? Sinasabi na nga ba eh!
Bigla niyang kinuha ang aking kamay at mahigpit na hinawakan. Akmang sisinghalan ko na sana siya pero bigla kong naalala ang banta niya sa akin.
Gayun na lamang ang pagkagulat ko nang makitang may abandunadong gusali rito.
"Mangako ka sa akin na huwag na huwag kang gagawa ng anamang ikakapahamak mo.", may awtoridad na tugon niya sa akin, yumango na lamang din ako bilang pagsakot.
Dahan-dahan kaming naglakad na nakadapa para di makagawa ng ingay. Tumulong na lamang din ako sa pagmamanman dahil baka may makakita sa amin. Hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa gusali.
Panay ang tago namin sa mga pader sa tuwing may paparating na mga armadong tao. Gayun na lamang din ang kabang naramdaman ko at nainis sa sarili kung bakit ba kasi ako sumama kay Vince.
"Tara na ! Nandito na si Demon King!", Sabi nung lalake sa kasama nito at nagmamadali naman silang naglakad.
Demon king? Diba ito yung tinutukoy ng tatlong babae na humarang sa akin?
Kasama ko ngayon si Vince! Siya ang Demon King? Tama! Siya nga ang tinutukoy na Demon King!
"Halika! Sundan natin sila.", Sabi ni Vince sabay hatak sa kamay ko.
Tama ba talagang sumama ako sa kanya? Paano kung patibong lang to?
Patuloy pa rin naming sinusundan ang dalawang lalake hanggang sa nakarating sila sa kanilang paroroonan.
Gayun na lamang ang pagkatakot ko nang makitang marami silang kasamahan at armado pa.
"Demon King! Nandito na sila", anang babae, nagulat ako nang makita ang mukha niya. Siya yung babae na humarang sa akin. Nilingon ko ang tinatawag niyang demon king, nakamaskara ito kaya di ko agad na nakilala.
Ngunit isa lang ang nasigurado ko ngayon, hindi si Vince ang Demon King. Nakaramdam pa ko ng konsensya dahil nagkamali ako.
"Ugh! Bitawan niyo ko! "
Gayun na lamang ang pag-awang ng labi ko nang makita ang pagkarami-raming babae na nakatali ang kamay at nakatakip ang mata.
"Huwag kayong mag-alala, Ganito talaga dito. Kailangan niyo munang humarap sa initiation bago kayo maging bahagi sa amin.", biglaang nagsalita ang tinatawag nilang demon king, kung kaya't gayun na lamang ang pagtaas ng aking balahibo nang mapamilyaran ang boses niya.
Kinontra ko ang aking isip dahil ayaw kong magkamali.
" Madali lang naman ito. Kailangan niyo lang mamili haahahahah", halakhak ng demon king na siyang nagpakaba sa akin ng husto. Sana lang Mali ang iniisip ko.
"Sinungaling! Isang taon na akong nandito, pero paulit-ulit pa rin akong humaharap sa initiation! Ayoko na! Gusto ko lang namang magkaroon ng trabaho. Dahil Yun ang pinangako mo!", pagrereklamo ng Isa sa mga bihag. Nang lingunin ko siya ay ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makitang si Zyra Glaze iyon. Ang classmate ko!
Bakit siya napasama sa bihag.
"It is because hindi mo pa pinipili ang isang option. Just like what I did to Rosalie.", sagot ng demon king na mas ikinabigla ko pa dahil narinig kong banggitin niya ang ngalan ni ate. Paano napasok si ate rito? Kung gayun sila ang grupo na may kinalaman sa pagkamatay ni ate, hindi si Vince?
Anong ibig niyang sabihin?
"Kung ano mang malaman mo, nandito lang ako ", biglaang Saad ni Vince sabay pisil sa aking kamay nang mahigpit.
"Rosalie always pick " SAKIT", that's why hindi siya nagiging opisyal na bahagi ng Arm Squad na 'to. ", salaysay ng Demon King.
"So this time, dapat piliin ko ang SARAP?", nadidismayang tanong ni Zyra.
" Hahahahahha mamili ka, SAKIT O SARAP?", halakhak ng Demon King.
"Ayoko! Dahil pagkatapos piliin ni Rosalie ang SARAP ay di na siya nakabalik pa. Hanggang sa nilabas sa balita na natagpuan siyang Patay!", galit na sagot ni Zyra at nagpupumiglas na makawala sa tali.
"Sana di nalang ako pumasok sa Ganito!", nagsising sigaw ni Zyra.
Kapagkuwan ay biglaang inalis ng Demon king ang kanyang maskara. Nang makita ko ang buong mukha niya ay dun na nagsimulang pumatak ang aking luha. Nag-aalab na ang aking dugo sa sobrang galit na nararamdaman ko.
"Kaya lang naman namatay si Rosalie dahil nagpumiglas siya. Pinili niya ang sarap kaya dapat lang na magtikiman kami. Pero ano? Nanlaban siya, kaya't Kailangan ko siyang patayin! Haahahahahh!", pag-aamin niya at humalakhak pa ng malakas kaya't napakuyom ako ng kamao sabay labas sa aming tinataguan.
"Walanghiya ka John Dave! Mas masahol ka pa sa demonyo! Pinatay mo ang ate ko! Walanghiya ka!", pagsisigaw ko at ang aking luha ay wala ng tigil sa pagpatak .
Sa Katotohanang nalaman ko ay pinaghinaan ako , hanggang sa tuluyan akong bumagsak sa sahig at humagulhol ng humagulhol.
Ang kanyang mga kasamahan naman ay kasulukuyang tinutukan ako ng baril pero di ko naman din iyon pinansin. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang bisig ni Vince na nakayakap sa akin.
Ang taong sinisi ko at pinaghinalaan ng masama ay di ko akalaing siyang magbibigay sa akin ng lakas. Gaya ng sabi niya, Hindi niya ako iniwan kahit marami ng baril ang nakatutok sa akin. Pinili niyang lumapit para iparamdam sa akin na poprotektahan niya ako hanggang sa dulo.
To be continued
YOU ARE READING
PEEK
Short StoryDedicated to Ms. Judy Ann Bael Dela Torre for her 18th Birthday. *READ AT YOUR OWN RISK*
Chapter Four
Start from the beginning
