C H A P T E R F O U R
Judy-Ann's POV:
Isang linggo ang lumipas nung magtapat ako kay John Dave na minamanmanan ko lamang si Vince.
At sa loob din ng araw na iyon ay lagi na kaming nagkakasama ni Vince bilang kanyang utusan.
The term "Taga" really suits to me.
Ngunit sa kasamaang palad, sa mga araw na kasama ko siya ay wala pa rin akong nakuhang lead na makakapagtuturo na may kinalaman siya sa pagkamatay ni ate. Imbes na manmanan ko siya ay nahuhulog tuloy ako sa kanya.
Mahirap itanggi na may nararamdaman na ko sa kanya. Ang sakit lang isipin na ang taong dahilan ng pighating naranasan ko noon, ay siyang nagpapatibok ng puso ko ngayon.
Ayaw kong balewalain na lamang ang hustisyang ipinagkait sa ate ko para lang sa pag-ibig. Gustuhin ko man na pilitin na lamang ibaon sa limot ang nangyare sa nakaraan at piliing mahalin siya, pero nararamdaman ko pa rin ang kirot sa dibdib ko na idinulot niya sampung taon ang nakakalipas.
Kapagkuwan ay naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng isang butil ng luha sa aking mata. Agad ko na lang din itong pinunasan gamit ang aking daliri. Sapagkat aanhin ko pa ang kayraming luha na papatak mula sa aking mga mata , kung di rin naman maghihilom ang sugat sa aking dibdib.
Wala man ako sa mood ngayon ay pinilit ko pa rin ang sarili na bumangon. Dumiritso ako sa bathroom para makapagligo na at makapag-ayos na rin para sa lakad namin ngayon ni Vince.
At malamang sa malamang ay gagawin na naman niya akong "Taga"
Taga-bitbit ng gamit niya!
Taga-order ng kakainin niya!
At kahit ano pang TAGA!
Hindi na rin naman bago sa akin ang pinaggagawa niya. At saka , no choice na rin ako.
Nang makalabas na ako sa building ay siya agad ang bumungad sa aking harapan. Napaawang na lamang din ang labi ko nang makitang bisekleta ang dala-dala niya at hindi kotse.
Naibaba ko ang aking paningin sa suot kong mini skirt na siyang dahilan ng pagkairita ko.
Nang lingunin ko naman siya ay kasulukuyan siyang nagpipigil tawa habang nakatingin sa sakin pababa sa suot kong damit.
"Ughhh!", iritadong daing sabay padabog na naglakad palapit sa kanya.
Hinarap ko siya , nanlalaban ang aking mga mata na tinitigan siya, at pinagkrus ko pa ang aking braso.
Samantalang siya ay umiiwas ng tingin sa akin. Tapos kagat-kagat pa niya ang kanyang labi. Napaghahalatang pinipigilan niya talagang mapatawa!
"
Oh ? Ano pang hinihintay mo diyan?", pigil-tawang tanong niya.
Wala akong nagawa , kundi ang umirap na lamang sa hangin at napilitang umangkas sa likuran ng bisekleta niya.
Binabadtrip talaga ako nito!
Sa gitna ng biyahe ay nahihirapan akong takpan ang aking hita dahil sa kaiksihan ng sinuot ko. Kinakabahan pa ko na mahulog sapagkat ang kamay ko ay di nakakapit kay Vince. Kasulukuyan itong tinatakpan ang hita ko. Kung bakit ba naman kasi bisekleta ang dinala niya! May sasakyan naman siya ah!
YOU ARE READING
PEEK
Short StoryDedicated to Ms. Judy Ann Bael Dela Torre for her 18th Birthday. *READ AT YOUR OWN RISK*
