"You have no idea how glad I am when you accepted the deal. I can be with you all the time. At it makes me feel loved being serve by you." Saad niya na di ko maunawaan kung bakit nararamdaman kong may ligaya sa aking damdamin nang marinig ko iyon. Gayung dapat nga diba ay magalit ako sa kanya.

Ngunit ang mas nagpalito sa akin ng husto ay nang makita ko mismo ang pagtulo ng isang butil na luha sa kanyang mata. Habang nakikita ko siyang lumuluha ay nararamdaman ko ang kirot na dulot nun sa aking damdamin.

"Judy...", tawag niya sa pangalan ko ngunit ang boses niya ay may bahid ng lungkot at sakit.

"Bakit naman ganito?", tanong niya kaya nalito ako at di na makapagsalita pa.

"Ang sakit eh. All this time I assume that there's something special between us. But I'm wrong, you're just using me to do your plan. You're just peeking me! , invistigating me! and toying me! ",  panunumbat niya at ito'y kapara ng mga karayom na walang tigil sa pagtusok sa puso ko dahilan para masampal ko siya.

Anong karapatan niyang manumbat gayung siya yung nakapaminsala!? Ako yung nasaktan dahil sa pagkamatay ni ate. Ako yung nasasaktan dito! Hindi siya! Ako ang biktima! Hindi siya!

"Dinala mo lang ba talaga ako dito para sumbatan?", galit kong tanong dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Para akong pinipiga!

"No..sorry..I didn't meant to. Nadala lang ako sa emosyon ko.", pagpapaumanhin niya at pilit akong hinahawakan, subalit muli ko lamang siyang sinampal.

"Kulang pa yan sa ginawa mo sa ate ko! Oo! minanmanan kita! Oo ginamit kita para makapag-imbistigaIyon ay dahil gusto kong bigyan ng hustisya ang paggahasa sa at pagpatay sa kanya!  Kayo ang may gawa nun! Kayo ng kasamahan mo sa gang!  Kahit kailan walang espesyal na na namamagitan sa ating dalawa. Dahil kahit kailan di ko mamahalin ang demonyong tulad mo! Napakasahol mo! Kinamumuhian kita!" pagsisigaw ko at ang aking mukha ay kasulukuyang binabaha na ng mga luha. Nararamdaman ko ang pamamaga ng aking puso dahil sa sobrang kirot at hapdi .

Ganun rin siya, ang mukha niya ay makikitaan ng nararamdaman niya sa kanyang kalooban. At iyon ay sakit.

Dama kong nasasaktan siya.

"Iyan talaga ang pinaniniwalaan mo?", tanong niya.

"Oo dahil may ebidensya akong hawak!", giit ko.

"Mas matibay pa ba iyan kaysa ang magtiwala sa akin? Sa ilang araw na nakasama mo ko may nakuha ka bang lead na makakapagtuturo sa pagkamatay ng ate mo?", sunod-sunod niyang tanong na siyang nagpatahimik sa akin.

"You want the truth? Then come with me.", aniya saka tinalikuran ako.

Ewan ko ba kung bakit sumunod din ako sa kanya. Dahil ba sa ako ay may tiwala talaga sa kanya o dahil desperada na akong malaman kung ano ang tinutukoy niyang katotohanan?

Ilang metro na nilakad namin sa plaza, hanngang sa nakarating kami sa dulo na may kagubatan.

Nagmamanman ako sa paligid dahil mahirap na. Paano kung iniisahan lang ako nito? Paano kung may kasamahan pala siyang nag-aabang rito? Tapos paano kung gawin nila sa akin ang ginawa nila kay ate?

Nang nasa kalagitnaan na kami ng gubat ay di na maganda ang pakiramdam ko rito.

"Hoy! May balak ka ba sakin? Ano! Gagawin mo rin sakin ang ginawa mo kay ate! Alam mo masahol ka talaga no! Hindi na dapat kita pinagkatiwalaan eh! Dapat pinakulong na kita! Hayop ka! Kinamumuhi-

PEEKWhere stories live. Discover now