Simula nang mamatay si ate ay ngayon lang ulit ako nakabalik rito. Marami na rin palang ipinagbago.

"Judy?"

Napalingon ako kay Vince nang bigla niyang banggitin ang aking pangalan.

"Oh?", baling ko sa kanya sabay ngiti.

"Can I ask some questions?", paghingi niya ng permiso.

Lumingon ako sa kanya, saka binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Oo naman.", sabay kong sagot.

"Have you ever feel being used?", malalim niyang tanong kaya napalingon ako sa kanya. Kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot na nararamdaman niya ngayon. Bakit? May pinagdadaanan ba siya?

"Hmmm..oo.", ang sinagot ko lamang.

"How would you feel if the person you love didn't trust you?", muli niyang tanong sa akin dahilan para matigilan ako at mapahinto  sa paglalakad.

Ano nga ba kayang mararamdaman ko?

"Siyempre masasaktan ako.", makahulugan kong sagot.

"Kaya mo pa rin bang mahalin ang isang tao pagkatapos ka niyang masaktan?", dagdag na tanong niya na siyang nagpatigil sa aking paglalakad.

Ang tinanong niya sa akin ay sobrang sumapol sa aking dibdib. Hindi ko alam kung anong isasagot ko , gayung yan rin ang tanong na bumabagabag sa aking isipan.

Kaya nga ba kitang mahalin , Vince? Gayung  sobra akong nasaktan sa pagkamatay ni ate na siyang ikinamatay din ni mama. Alam kong may kinalaman ka dun.

" Kasi ako. Oo", tipid niyang sagot pero punong-puno ng emosyon ang kanyang boses. Damang-dama ang sinseridad sa pagkakasabi niya.

Nang lingunin ko siya ay nagbaba lamang siya ng tingin. Makikita sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman niya ngayon. Pero bakit? Bakit siya malungkot?

"Judy..", bigla niya akong tinawag sa aking pangalan. Sa ngayon ay kapwa na kaming nagkakatitigan.

"Oh?", sagot ko.

"Is this call love?", tanong niya.

"Huh?", Nagtatakang pabalik kong tanong sa kanya.

"Sa kabila ng nalaman ko at kahit  sobrang sakit, hindi pa rin ito tumitigil!" emosyonal niyang saad sabay turo sa kanyang dibdib.

Hindi ko maintindihan, pero ang mga salitang binitawan niya ay may epekto sa akin. Para bang tinutusok nun ang puso ko.

" tumitibok pa rin", dagdag niya at makahulugan ang titig ng mata niya sa akin sabay tapik sa kanyang dibdib.

"Judy, ikaw ba?", tanong niya sa akin , samantalang ako ay walang ni isang salita ang lumabas sa aking bibig.

" Maybe suffering is the product of love.", Saad niya pa. "Because you won't get hurt if it's not love that you feel." mga titig sa kanya ay kakaiba ang pinapahiwatig. Hindi ko na iyon magawa pang titigan kaya umiwas na lamang ako ng tingin.

"But what makes it absurd , though you hurt me I still love you.", dagdag niya na siyang nagpahinto bigla sa aking kaluluwa. Kapagkuwan ay dahan-dahan akong napalingon sa kanya dahil sa sobrang pagtataka. Malinaw naman ang pagkakasabi niya pero di ko siya maunawaan. Ano bang ibig sabihin niya.

Sa mga oras na ito ay pareho na naming di maalis ang makahulugang titig sa isat-isa.

"Namatayan ako ng girlfriend, Judy.
And I can't force myself not to numb the pain I've got from her unjust death for 10 years.", sinserong pagsasalaysay niya.
"Not until I met you." dagdag niya na siyang nagpamuo sa mga luha sa aking mata. Sapagkat damang-dama ko ang emosyon sa salitang binibitiwan niya.

PEEKWhere stories live. Discover now