Nakakainis pa dahil ang mga lalakeng dinadaanan namin ay nakikisilip pa talaga.
Kapagkuwan ay natigilan ako nang bigla na lamang niyang ihinto ang bisekleta sa may gilid.
May problema ba?
Nang tumayo na siya ay tumayo na rin ako dahilan para magkaharap kaming dalawa at malayang tinitigan ang isat-isa.
Nahagip ng aking mga mata ang paghubad niya ng kanyang leather jacket. Ngunit ang mas di ko inaasahan ay ang biglaang paglapit niya sa akin, pagkatapos ay isinuot niya ang jacket sa aking bewang para magsilbing tapis.
Napatulala ako dahil sa ginawa niya at panay pa ang paglunok ko nang maramdaman ko ang kanyang hininga na humahaplos sa aking balat.
"Bakit kasi ang iksi-iksi ng isinuot mo?", tanong niya habang tinatali ang jacket , napansin ko pa ang pagtitiim ng kanyang bagang.
"It angers me seeing someone desiring what's mine.", dagdag niya dahilan para maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Dahil sa huling salitang binitawan niya ay di ko na tuloy maalis ang aking paningin sa kanya. Bigla ba naman akong matigilan at para bang lutang na di gumagana ang aking isip para makapag-isip kung ano ang aking itutugon.
But then he just suddenly smirk that made my heart stopped its palpitation. The stare of him enable my eyes not to blink for once. Until he go nearer to me that drives me to close my eyes , and now, I'm patiently waiting for the sweet touch of his lips. I can feel the sexy sensation of his breath that's making my body wanting for his warm.
Natigilan na lamang din ako nang marinig ang pagtawa niya. Ganun na lamang din ang pagkairita ko dahil sa ginawa niya. Walang hiya!
"You're blushing huh?", Nang-aasar niyang tanong. Dagdag pa yung ngisi niyang ugh! Nakakairita!
"Tabi!", Singhal ko sa kanya sabay tulak sa kanyang balikat. Napansin ko naman ang pag-iling niya sabay ngiti kaya pati ako ay napangiti na rin ng palihim.
Nauna na siyang sumakay sa bisekleta, saka ako sumunod na umangkas.
"Kumapit ka.", aniya na may awtoridad sa boses. Nag-aalinlangan naman ako na kumapit sa kanya dahil sa hiya at pagkailang.
Hanggang sa napaangat and dalawa kong balikat nang kunin niya ang dalawa kong kamay at pinayakap niya sa kanyang katawan.
"A-ayaw-ayaw ka pa, eh halata namang gusto mong makatyansing sa akin eh.", nang-aasar na naman niyang sabi.
Umirap na lamang din ako sa ere at tinitimpi na lang ang aking pagkainis! Sarap niyang inudnod sa mainit sa semento! Kainis siya!
Nag-eenjoy naman ako habang nasa gitna ng biyahe. Ang sarap pang langhapin ang hangin na kasulukuyang damang-dama ng aking balat.
"Ahhh!", bigla na lamang akong napasigaw at napayakap sa kanya ng mahigpit nang biglaang huminto ang bisekleta.
"Hahahahahaa", halakhak niya. "Wag mo nga akong manyakin!", may pareklamo-reklamo pa siyang nalalaman eh mang-aasar lang din naman.
"Hay naku! Di ako nainform may bagyo pala ngayon.", pasimpleng pagpaparinig ko , pero siya nagawa pa ring ngumisi at umiling. Kairita!
Gayun na lamang din ang pagkataka ko nang huminto kami sa may plaza. Inalalayan niya ko sa pagbaba, hanggang sa di na talaga niya binitawan ang kamay ko. Nahuli ko na lamang din ang aking sarili na ngumingiti.
"Anong gagawin natin rito?", agad kong itinanong.
"Gusto ko lang ng ganito.", sagot niya. "Yung hawak-hawak ko ang kamay mo, naglalakad tayo habang nag-uusap. ", dagdag niya at dama mo sa boses ang kasiyahang nararamdaman niya.
YOU ARE READING
PEEK
Short StoryDedicated to Ms. Judy Ann Bael Dela Torre for her 18th Birthday. *READ AT YOUR OWN RISK*
Chapter Four
Start from the beginning
