𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 𝟽

Start from the beginning
                                    

"Saan ka nanaman ba nagsusu-suot at nasaksak ka ha? Kababaeng tao lumalabas ng dis oras ng gabi. Pasalamat ka hindi masyadong malalim yung pagkakasaksak sayo." Panenermon naman ni Ate HZ.

"Gabing gabi na yun CJ. What if may ibang nangyari saiyo? Paano kung hindi mo natawagan si Kyle? Paano kung wala kang dalang phone? Edi bangkay ka na naming dadatnan?' Seryosong saad ni Kuya BZ. Hindi kagaya nung iba, seryoso si Kuya pero mahinahon kung magsalita. Sabihin na nating medj. Spoiled ako sakaniya hehe. Medyo lang naman noh. Alam ko ang limitasyon ko.

"Tsk. At tsaka diba sinabi ko sayo kaya ko binalik sayo yung mga susi mo para may pang transpo ka? Napaka tigas talaga ng ulo mo." Dagdag pa ni kuya DZ.

"O to the M to the G in fairness ang gwapo nung nagdala sayo dito ah. Sino yun couz? Bf mo?" Nabilaukan ako sa sinabi ni Ate FZ even though wala akong kinakain or iniinom. Nanlalaki ang mata ko na nakatingin sakaniya. Pati narin ang iba ay nakatingin sakaniya na para bang isang krimen ang sinabi niya.

"What? I was just kidding!" Natatawang saad ni Ate FZ. Lahat kami ay ngumiwi lang.

Atleast gumaan na ang atmosphere.

Flashback ends~~~

"And isa pa, pinayagan naman na ako lumabas ng doctor. As long as syempre mag-iingat ako." Nakangiti paring saad ko. Ngunit nawala ang ngiti na iyon nang makita ko si KZ. Buhok palang niya alam ko na. Agad na nagapoy ang buong sistema ko. Nanginginig ang kamay ko sa sobrang pagkakakuyom nito.

"Hey what are you... looking...at" Pahina ng pahina na saad ni Kyle. Gustong gusto kong lapitan si KZ at sapakin. Dahil hanggang ngayon ay naririnig ko parin sa isipan ko ang mga salitang binatawan niya kagabi.

Flashback~~~

Pagkalabas ng doktor ay nakahinga sila ng maluwag ng sabihin nitong pwede na akong lumabas since hindi naman masyadong malalim ang pagkakasaksak saakin. Everyone is celebrating, well not like a party, until KZ said something that shocked me and want to punch him in the face very hard.

"Puro landi kasi. Mag-aral ka muna bago lumandi. Kaya ka napapahamak dahil puro landi inaatupag mo."

Spell putangina mo KZ. Anong konek nung landi sa saksak?! Ha?! Depotang toh.

Flashback ends~~~

Huminga ako ng malalim bago humarap kay Kyle ng nakangiti.

"Tara na. baka ma late tayo." Nakangiting saad ko sakaniya. halatang naguguluhan siya pero ngumiti nalang siya tsaka sumunod saakin. nasa likod ko siya dahil inaalalayan niya ako ng palihim.

Nang makapasok na kami sa room ay dun lang siya lumayo saakin at lumapit sa tropa niya. since wala pa naman teacher kaya andun siya. Diba nga magkatabi kami. I mean magkatapat bandang gilid... ah basta ang hirap mag explain potspa.

Diba pa-V ang formation ng upuan namin. Ako yung pinaka tuldok ng V kumbaga pinaka gitna. Tas sa right ko is si Kyle. Dun naman sa left is bakante. Ewan siguro late lang or absent.

Dumukdok lang ako sa lamesa ko na maling desisyon pala dahil kumirot ng konti yung tahi kaya napaupo ako ng diretso bigla. Napaigtad naman yung taong pansamantalang nakaupo sa pwesto ni Kyle. Nag peace sign lang ako pero ini-snob lang ako neto. Loh famous ka koyah?

Nangalumbaba na lamang ako since hindi ako makadukdok dahil sa fishting sugat na toh.

Taena mahanap ko lang kayo sasapukin ko talaga kayo ng very very hard.

The Only Girl Of Section 5Where stories live. Discover now