Chapter 7

25 5 20
                                    

Kanina pa ako takbo ng takbo. Gusto ko ng huminto pero hindi pwede dahil lalo akong mapapahamak kung hihinto ako sa pagtatakbo. Kailangan ko siyang ilagaw, pero paano? Hindi ko kabisado ang lugar na ito at baka maligaw lang ako dito, mapunta pa ako kung saan. Ang mas malala pa doon, baka hindi ako makauwi ngayong gabi.

"HEY!" Hindi ko alam kung bakit napahinto ako sa pagtakbo ng makarinig ng isang malakas na sigaw. Siguro kasi pamilyar ang boses sa akin kaya ako napahinto.

Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita si Reid. Kung anong suot niya kanina ganoon din ang suot niya ngayon. Kitang-kita ko sa mata niya ang galit na kaniyang nararamdaman. Ako naman itong nakatingin lang sa kaniya habang hinahabol ang hininga.

Ngayon ko lang napansin na nakahilata na sa lupa ang lalaking humahabol sa akin. Ang bilis naman yata ng mga pangyayari. Anong ginawa ni Reid sa kaniya?

"Hey, are you okay?" Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. At bigla ko na lang nakita ang sarili ko na yakap yakap siya habang naiiyak pa.

Hindi ko alam bakit bigla na lang akong naiyak sa harapan niya. Pero siguro dahil na rin sa nangyari. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Paano na lang kung hindi dumating si Reid ngayon diba? Hindi ko lubos maisip o ma-imagine ang mangyayari sa akin lung wala ngayon si Reid.

"T-thank you..." sabi ko at nauutal pa dahil kinakabahan pa rin ako at hindi ko rin alam kung tama ba ang sinabi ko. Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko.

Agad kaming sumakay sa bus na dumaan sa harapan namin. Hindi ko nakita kung saan ito papunta pero sinundan ko na lang si Reid. Hindi niya yata dala ang kotse niya kaya kami nakasakay ngayon sa bus.

"Do you want to eat first before we go home?" tanong niya sa akin at kinuha ang bag ko para ipatong yun sa hita niya. Ako ang sumakay banda sa may bintana dahil ako ang pinauna niyang pasakayin bago siya.

"Hindi naman ako nagugutom," sagot ko. Umayos ako ng upo at sumilip sa bintana. Mas gusto ko talagang umuupo banda sa may bintana. Hindi naman kasi talaga ako mahilig bumiyahe kaya sa kalagitnaan ng biyahe ay palagi akong nahihilo. Sabi saakin noon ni Mama na mas maganda uupo ako palagi dito banda sa may bintana.

"Kamusta pala yung kasal ng Kuya mo?" tanong ko. Ang tahimik kasi namin sa loob ng bus tapos nakatingin lang sa akin si Reid kaya agad akong nakaramdam ng pagkailang. Hindi ako sanay na tinitignan o pinagmamasdan ng iba, lalo na kung si Reid.

"Okay lang naman. Masaya. Kasal na rin sila sa wakas, gusto mo tayo naman sumunod? Kasi tignan mo nauna si Kuya Raze tapos sumunod si  Ryder. Oh edi ako na susunod. Ay mali, tayo na pala." Ngumiti ito na tila ba inaasar ako gamit ng ngiti niya.

"Alam mo? Matutulog na lang ako ah." Bumalik ang tingin ko sa bintana at tinakpan ang mukha ko gamit ng buhok ko, para hindi niya makita mukha ko kapag natutulog na ako.

Bumuntong hininga ako at inalala ang mga nangyari kanina. Makakapasa kaya ako? Maayos naman ang ginawa ko doon, yun ang sabi sa akin ni Nico. Sana makapasa ako. Pero kung hindi, may ibang araw pa naman para sa akin. Sabi nga nila, bata pa ako kaya marami pa akong opportunity at ang kailangan ko lang gawin, ay huwag sayangin ang opportunity na iyon.

At least kung hindi man ako makuha ngayon. Alam ko sa sarili ko na pinakita ko ang best ko at binuhos ko lahat ng makakaya ko para sa pangarap ko.

"Cari.....nandito na tayo....." Unti unti kong minulat ang mata ko at napansing nakahinto na ang bus na sinasakyan namin. Tinignan ko si Reid at agad akong tumayo kaya nauntog ako.

Nakasandal pala ako sa balikat niya. Pero kanina bago ako makatulog sinigurado ko na hindi ako didikit dito kay Reid eh. Anong nangyari ngayon?

"Tsk. Huwag ka nga basta-bastang tumatayo. Kakagising mo palang eh. Ang ayos naman ng pag-gising ko sayo ah." Bumaba na kaming dalawa ng bus at may nakaabang na sasakyan sa harapan namin.

Captivated By The Waves of Love (Montereal Series #3)Where stories live. Discover now