Chapter 01

9 2 7
                                    


(I-play nyo yung music para mas feel yung chapter na dizz.)



Xylina POV

Nakatayo ako ngayon sa harap ng kabaong ng aking mahal na ama na unti-unti ng binababa.

Habang pinapanood itong binababa ay sumisikip ang aking dibdib panay rin ang pag agos nga aking mga luha.

Mahal na mahal ko ang papa ko, siya lang tanging pamilya ang mayroon ako tapos kukunin rin siya sa akin.
Mahal na mahal ko siya dahil siya ang tumayong ama't ina sa akin dahil nang isilang ako ay hinang-hina na ang mama ko dahil may sakit siya sa puso at tulad ng sabi ng doktor ay Isa lang ang maaaring makaligtas sa amin at pinili ni mama na buhayin ako kaya nang isilang ako pinangako ni papa sa kanyang sarili na hinding-hindi niya ako iiwan. Wala narin kaming kamag anak na kinikilala dahil si papa ay nagiisang anak ng lolo't lola ko na matagal naring patay.
Si papa ay hamak na driver lamang ng mayamang pamilya nila mama kaya nang malaman nilang nag mamahalan sina mama at papa ay pinalayas nila ang papa ko Pati narin si mama dahil hindi nila tanggap ang relasyon ng mga magulang ko at mahal nina mama at papa ang isa't Isa hindi sila mapaghiwalay kaya Pati si mama na sariling anak nila ay tinaboy rin nila, Napakasama nila nag iinit ang dugo ko sa kanila.

Matagal na panahon na hinintay ni mama sa langit para makasama muli si papa, nagtiis si mama ng dalawampu't dalawang taong hindi kasama si papa sa langit dahil alam niyang kaylangan ko si papa kaylangan ko ng magulang na mag aalaga sa akin at ngayong dalawangpu't dalawa na ako siguro napag isip isipan ni mama na kaya kona, kaya konang buhayin ang sarili ko na hindi na dapat ako dumepende sa papa ko kaya ngayon sinundo niya na ng lubusan si papa, pero ang sakit parin dahil si papa lang ang meron ako mula ng isilang ako kaming dalawa ang magkasangga sa lahat ng bagay nandyan si papa palagi para sakin, siya ang umaakyat sa entablado para sumabit ng medal ko kada pagtatapos, siya ang palaging nagtatrabaho para makahanap ng pambili ng pagkain namin, maraming trabaho ang pinasok ni papa para matustusan lang ang pangangailangan ko ngunit kadalasan kulang parin ito kaya kadalasan Sardinas o tuyo ang aming ulam pero okay lang sakin yun dahil masarap naman ang Sardinas at tuyo at Isa pa nagmula yun sa pinagpawisang kita ng papa ko kaya wala akong reklamo at Isa po ayaw rin akong Pagtrabahuhin ng papa ko dahil sabi niya siya na ang bahalang mag trabaho at ang kaylangan ko lang gawin ay ang mag aral ng mabuti at makapagtapos, pangarap kasi ng papa ko na makapagtapos ng pag-aaral ngunit hindi iyon natupad dahil mahirap lang sila kaya siya tumatrabaho para mapag Aral ako gusto niyang makitang makapagtapos ako ng Pag aaral at gusto niya ring sa araw ng pagtatapos ko ay siya ang mag sasabit ng medal ko, ngunit paano niya makikitang makapagtapos ako kung pumanaw na siya? Paano niya masasabit ang medal ko sakin kung wala na siya? Isang buwan nalang makakapagtapos na ako ng coliheyo sana hinintay nalang ni mama na makapagtapos ako bago sunduin si papa.

Ngunit kahit ganun kailangan ko paring makapagtapos dahil hiniling nya iyon bago pa siya malagutan ng hininga.

Bumalik na naman ang alaalang yun, ang araw na naghihingalo na si papa.

Kakauwi ko lang galing sa school nakita ko si papa na nag kakape sa labas ng munting bahay namin, naglakad ako papunta sa kanya at nag mano saka pumasok sa loob para mag bihis ng pambahay.

Nang lumabas ako sa kwarto ko ay nakita kong nakahiga si papa sa mahabang bangko sa maliit na sala namin hawak-hawak ang dibdib niya na para bang nahihirapang huminga

Dali dali akong pumunta sa kanya at tinanong siya

"Pa ayos kalang? Anong nararamdaman mo?" Nag papanic kong tanong.

Hindi sumagot si papa, patuloy parin siya sa pag himas ng kanyang dibdib

"Papa sagutin mo ako" paiyak kong sabi kay papa

Can You Hear Me Ezikiel?Where stories live. Discover now