Prouloge;

13 2 8
                                    

Ezikiel POV

I'm currently on a meeting right now. Ako ang pansamantalang namamahala dito sa Navarro Gadgets Company dahil nasa London ngayon ang mga magulang ko para um-mattend sa Isang business meeting sa London kasama ang ibang mga partners ng kumpanyang ito.

Patuloy sa pag pe-present ang Isang empleyado sa harap ngunit wala akong balak makinig dahil ang boring ng dini-discuss nito.

Napatingin ako sa aking wrist watch, it's already 10:46 a.m. malapit nang mag lunch, meron din namang snacks ang pi-nrovide nila pero gutom ako gusto kong kumain ng kanin, paghindi pa tumigil ang nag pe-present bago mag lunch time ay hahambalusin kona ito, nakakairita na sya.

Maya-maya pa ang natapos narin ang meeting na boring hay salamat, kaya mabilis akong lumabas at dumiretso sa aking opisina.

Pag dating ko sa opisina ay umupo na ako sa aking swivel chair para umpisan ang pipirmahan para matapos na ito at maka Pag lunch na ako mamaya.

Habang nag pipirma ako ay biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko kaya napatingin ako rito at mas nadagdagan lang ang pagkairita ko kanina dahil nandito ngayon sa opisina ko ang babaeng napaka daldal.

"Hello kamusta ka?"
Tanong nito

"Wala akong oras para makinig sa mga daldal mo Shannon" ani ko sa naiiritang boses

"Hindi naman ako mag dadaldal eh" depensa pa niya sa sarili

Binalewala ko nalang siya at pinagpatuloy ang pag pirma

"Huy ano bayang ginagawa mo?" Tanong nya pero binalewala ko parin

"Hindi ba pwedeng hayaan mo muna yan huyyy! kausapin mo ako" reklamo niya pero deadma parin

"Ihhh!! Nakakainis ka" patuloy paring pag rereklamo niya

"Mas importante paba yan sa akin?" Iritang tanong niya pero wala talaga akong balak na sagutin siya

Naglakad siya papunta sa likod ko saka pinulupot ang kanyang dalawang kamay sa leeg ko, niyakap Niya ako sa leeg saka dahan dahang hinigpitan ang pagpulupot ng kanyang kamay kaya unti-unti akong nasasakal

Naubo ako ng dalawang beses saka tinanggal ang mga kamay niya sa leeg ko at hinarap siya

"Shannon gusto mong masakal rin?" Iritang-iritang tanong ko

"Hindi" masiglang sagot nito saka ngumisi

Kaya napairap nalang ako

"Ihh!! Kasi hindi moko kinakausap" reklamo niya sakin

"Can't you See that I'm Busy?" Tanong ko

"Basta makinig ka muna mabilis lang please" Pag mamakaawa nito kaya pumayag na ako hay nako

"Ano ba yun?" Tanong ko

"Eto kasi" Simula Niya saka nag pout "Kuyaaaa tulungan mo akong pansinin ako ng Crush kooo pleaseee" pagpapaawa niya saka nag puppy eyes

"Ewan koba sa crush ko baka bulag siya, hindi niya ba nakikita ghaddd!! Isang Shannon Navarro ang nag kagusto sa kanya" reklamo nito

Siya si Shannon pinsan ko, anak siya ng nakababatang kapatid ni papa at palagi siyang pumupunta dito sa opisina ko para mangulit na tulungan ko siyang mapansin siya ng Crush Niya

"Hindi bulag ang crush mo klarong klaro ang mga paningin niya, sino ba kasing mag kakagusto sa tulad mong palaka?" Saad ko

Pero sa totoo lang maganda si Shannon maganda ang pinsan ko maputi siya, matangkad, matalino rin siya pero palaka ang tawag ko sa kanya dahil kokak siya ng kokak maya't maya ang ibig Kong sabihin ay tulad siya ng palaka na daldal ng daldal, hindi ko sinasabing dumadaldal ang palaka ah, imposible yun basta ang point ko ay kasing ingay siya ng palaka Yun! Yun ang ibig Kong sabihin hay hirap i explain.

Can You Hear Me Ezikiel?Where stories live. Discover now