CHAPTER 37: ACCEPT

3.8K 90 24
                                    

CHAPTER 37
ACCEPT


Sampung buwan pinaghandaan ang kasal namin ni Jeremy, at sa lahat ng yun ay siya ang nagasikaso. Ni hindi niya ako inabala kahit isang beses dahil alam niyang mahal ko pa rin si Cakyx pero hindi niya lang sinusubukan na kausapin tungkol roon.

May mga araw naman na sumasama ako sa kanya tulad ng pagpili ng motif ng kasal mga pagkain naihahanda sa reception at flavor ng cake. Ang mga ibang asikasuhin ay siya na nagasikaso. Ramdam ko na nasasaktan siya dahil para bang wala akong pakialam sa kasal pero anong gagawin ko?

Mahal niya ako pero mahal ko si Calyx.

At eto na nga...Araw ng kasal namin ni Jeremy.

Sa pagkakataon ito ay dapat tanggapin ko ng kahit anong gawin ko ay imposible ang lahat para sa amin ni Calyx. Susubukan ko na wag munang isipin si Calyx ngayong araw ng kasal namin ni Jeremy dahil iyon naman talaga ang dapat.

Nakatulala lang ako ngayon at para bang wala sa sarili habang mine-make-upan ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon.

May parte sa akin na wag tumuloy pero ayaw kong saktan si Jeremy at mga anak ko. Ito na siguro ang simula para tanggapin ko na hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Calyx.

Sa halip na balikan ko ang mga alaala namin ni Jeremy ay  puro kay Calyx ang tumatakbo sa isipan ko. Nagdadalawang isip ako sa mga bagay na hindi ko pwedeng isipin ay gawin pero wala akong maggagawa.

Biglang tumulo ang luha ko sa di inaasahan. "Sorry" paghihingi ko ng paumanhin sa make up artist at muling pinagpatuloy ang pagmake-up sa akin.

"Hindi ko maintindihan ang nararamdaman mo hija. Kung masaya ka ba dahil ikakasal ka na o malungkot ka dahil hindi siya ang taong mahal mo." sabi niya at ngumiti ako.

"Ang hirap kalabanin ng tadhana." sabi ko.

"Mahirap talaga pero kung kayo talaga sa isa't-isa, siya mismo ang gagawa ng paraan para sa inyong dalawa." pangangaral niya at natapos na ang make up.

Matapos nun ay tumayo na ako para isuot na ang wedding gown. Nasa halos walong babae ang tumulong sa akin sa pagsuot ng gown. Matapos nin ay pinaayos ako ng videographer para sa video shot.

Pagkatapos nun ay agad kong nilapitan ng magulang ni Jeremy at naiiyak na yumakap sa akin. Niyakap ko sila ng mahigpit dahil sa tagal ng panahon ay sila na rin ang tumayong magulang ko.

Ang tanging hiling ko ngayong araw ay gabayan ako ng magulang ko sa langit. Alam ko na maaga man silang kinuha pero ramdam ko na hanggang ngayon ginagabayan pa rin nila ako.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na sina Tito Felicity at Tuto Huey dahil pupunta na silang simbahan.

Naiwan ako mag-isa dito sa suit at humarap ako sa salamin kung saan kita ko ang buong repleksyon ng sarili. Muli na naman akong naiiyak pero agad akong tumingala para pigilan ito.

Sa totoo laang ay hindi ko talaga pinaghandaan itong kasal na ito. Ni wedding vow ay wala akong nakahanda dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano mo nga ba sasabihin ang salitang mahal kita sa taong hindi mo na mahal?

Agad ko naman inayos ang sarili ng may kunatok. "Ready ka na po ba? Nandyan po yung sasakyan." sabi sa akin ng isang staff.

Muli aking napatingin sa salamin at bumuntong hininga ako. "Yeah, susunod ako." Handa na ako, handa ng harapin na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Paglabas ko ng suit ay inalalayan kaagad ako. Marami ang mga nakasunod sa akin at nakatulong sa paglalakd dahil may kabigatan ang gown.

Nang makarating sa baba ay nakayuko lang ako. Hindi ko inalintana ang mga taong nakatingin sa akin. Ni-hindi ko nga nakita ang hitsura ng driver o ng mga staff na tumulong na ipasok ang gown ko sa sasakyan.

Umandaar ang sasakyan ng masigurong maayos na ang lahat. Tama lang pagpapatakbo nito pero parang gusto kong hilingin sa driver na pabagalin pa ito o hindi kaya iliko at dalhin ako sa kung saan.

Napahawak ako sa necklace ko na bigay ni Calyx at doon bumuhos ang luha ko. Pero laking pagtataka ko ng biglang inabutan ako ng driver ng tissue. Kinuha ko ito at padampi na ipinunas sa mukha ko para hindi masira ang make-up.

"Wag ka ng umiyak." sabi ng driver at agad akong napaanggat ng tingin dahil boses iyon ni Jeremy. "Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong pero sa halip na sagutin ay pinagbuksan niya ako ng pinto at hindi ko namalayan na narito na pala kami sa simbahan.

"You look so beautiful just like how I met you before." sabi niya habang ako ay naguguluhan.

Bakit siya ang driver ko? Siya ang groom pero heto't siya ang naghatid sa akin sa simbahan. Ano ba ang nangyayari?

Nadama ko ang braso niya sa beywang at inalalayan ako sa paglalakd sa hagdanan. Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng simbahan ay tiningnan ko siya at mukhang may sasabihin.

"Ako naman ang magpapaubaya. Handa na akong magpaubaya." sabi niya.

Hinawakan niya ako sa balikat na tila ba pinapakalma ako. Ramdam niya siguro ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Naglakad siya papunta sa likod ko at inaayos ang dulo ng gown ko. May isang staff na lumpait sa kanya at kinuha niya ang wedding bouquet. Muli siyang naglakad papalapit sa akin at inabot niya ang bouquet.

Nakatalikod ako sa pintuan ng simbahan at nagtatakang nakatingin sa kanya. Pero imbes na magsalita ay umiyak siya sa harapan ko at ilang saglit pa ay lumuhod sa harapan ko. Agad ko siyang dinaluhan at pinatayo.

"Jeremy, ano ba?" naiinis na wila ko. "Ano bang nangyayari? Hindi ba't dapat nasa loob ka? Bakita ka nandito?" tuloy tuloy kong tanong.

"Mahal mo si Kuya Calyx at siya ang naghihintay sa iyo sa loob." sabi niya at hinaplos niya ang mukha ko habang umiiyak pa rin siya.

Masakit nga talaga ang magmahal.




MISTERCAPTAIN
Professor

OMG! Abangan niyo next chapter. Masakit yung sa heart. Ouchy ouchy hehehe. Basahin niyo habang pinapakinggan ang 'Paubaya' by Moira.

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon