CHAPTER 35: SACRIFICE

Start from the beginning
                                    

Mahal ko si Calyx pero mas mahal ko ang mga anak ko pero hirap na hirap na ako. Kung kailangan kong mamili ay isasakripisyo ko ang pagmamahal ko para sa kanya at ang mga anak ko ang pipiliin.


"Walang masama kung love ni Mama si Tito Calyx niyo. Mabait naman siya tsaka binigyan niya kayo ng puppies. Bata pa kasi kayo kaya hindi niyo pa naiintindihan pero darating ang araw ay maiintindihan niyo rin ang lahat." paliwanag ni Jeremy sa dalawa.



"Wala po akong naintndihan sa sinabi mo Papa. Sobrang lalim." sabi ni Tues na unti-unti ng tumatahan.


"Love ko kayo. Love kayo ni Mama. Love kayo ni Tito Calyx. Love namin kayong lahat kaya dapat di kayo nagagalit kahit kanino."



"Eh ikaw lang ang gusto naming Papa. Wag mo kaming iiwan." sabi pa ni Wed.


"Bata pa nga kayo." wika ni Jeremy sa kanila.


"Kailan po kami malaki?" tanong ni Wed.


"Kapag kumain kayo ng gulay." at agad nanlaki ang mata ng kamabal at kita sa ekspresyon nila na para bang nasusuka 🤢



Ayaw kasi nila ng gulay bagay na nahihirapan ako sa kanila dahil mas gusto nila ang karne. Pero ganun pa man ay hanggang ngayon ay pinipilit namin na magustuhan nila ang gulay.



"Ngiii" sabay na sabi ng dalawa.




Huminga ako ng malalim at tsaka napagpasyahan na lumabas sa tinataguan ko. Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang agaran nilang pagpunas sa luha.



Tiningnan ko sila at nakayuko silang parehas sa akin. "Pansinin niyo ang ganda ni Mama." sabi ni Jeremy. Ngumiti ang kambal at tumingin sa akin.



"Sorry, kung hindi naging honest si mama sa inyo." nakatingin sila diretso sa mata ko na tila ba pinoproseso ang sinasabi ko. "Mahal ko ang papa niyo at mahal ko rin ang Tito Calyx." dugtong ko at tumango lamang sila na para bang naiintindihan ang mga sinabi ko.


"Sowi po Mama." unang sabi ni Tuesday at bumitaw sa pagkakayakap kay Jeremy para lapitan ako. Nang makapalait sa akin ay pinugpog niya ako ng halik sa mukha.


"Sowi din po mama." sabi naman ni Wed na abala pa ring naglalaro ng doll niya.


Lumipas ang oras ay naging matiwasay naman kaming lahat sa mansyon ng Mendoza. Tuwang tuwa sina Tito Huey at Tita Felicity na muling nagkraoon ng ingay dahil nababagot na silang dalawa dahil sa tahimik ng buong mansyon.


Nanatili lang kami roon hanggang sa sumapit ang gabi ay napagpasyahan namin na umuwi na dahil iyon ang gusto ng kambal. Naayos na ang lahat ng mga iuuwi naming gamit na dala kanina at nasa labas na sina Jeremy at kambal bukod sa akin.


Nagpaalam ako na kay Jeremy na si Calyx daw ang maghahatid sa akin sa bahay habang sila naman ay nakasakay sa isang sasakyan at may driver na naka-assign dahil may cast ang kamay niya. Ilang sandali pa ay narinig ang makina ng sasakyan sa labas na hudyat na paalis na ang sinasakyan nila.



Narito ako ngayon sa baba kung saan hinihintay si Calyx na nagpalit ng damit. Agad akong ngumiti ng makita ko siyang pababa pero tila nanibago ako sa ekspresyon niyang ipinakita sa akin, tila ba problemado siya at hindi mapakali. Ganun pa man ay ngumiti pa rin ako dahil alam kong sasabihin niya rin sa akin ang problema niya.



Nang makasakay sa sasakyan ay laking pagtataka ko ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Sa tuwing may sinasabi kasi ako ay patungo tungo lang siya kung hindi naman ay tamang ngiti lang.


Huminto ang sasakyan sa bahay binalit kami ng katahimikan sa loob ng sasakyan. Ang bawat tibok ng puso at oaghinga ko ay rinig na rinig. Sa di malamang dahilan ay tila ba pamilyar ang nararamdaman ko dito sa  eksenang ito.




"I want to break up with you Savannah." agad akong humarap sa kanya at galit na galit na nakatingin pero nanatili lang ang tingin niya sa harap.



"Anong sinasabi mo Calyx? Akala ko ba okay na tayo?" galit kong sabi sa kanya at namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko.



"Hindi ako para sa'yo at hindi tayo pwede." sabi niya pa at napahagulgol lalo ako.



"Tangina mo naamn eh, mahal kita tapos ganito." sabi ko pilit kong kinakalma ang sarili.


"Wala kang karapatan na sabihin na hindi tayo pwede dahil saa pagkakaalala ko, mahal mo ako at mahal kita." sabi ko pa.


Pilit kong ikinakalma ang sarili pero patuloy ang pagtulo ng luha ko hanggang sa napagpasyahan ko na umalis na lang. "Malaya ka na kung yan ang gusto mo." galit na sabi ko sa kanya. Binuksan ko ang pintuan ng kotse ang galit na isinarado ang pinto.


Pagbukas ko ng gate ay ini-lock ko ito pero hindi ako pumasok sa loob ng bahay. Napaupo ako at nakasandal sa gate habang umiiyak.


"Malaya ka na kahit mahal pa kita.
Malaya ka na kahit lagi mo akong pinagtutulakan.
Malaya ka na kahit wala kang tiwala sa bawat pagbigkas ko ng salitang 'mahal kita' " bulong ko sa sarili habang umiiyak pa rin.




Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan ng bahay at lumabas roon si Jeremy. Lumapit siya sa akin at agad kong niyakap.



Totoo nga ang sabi nila, Masakit ang magmahal.





M I S T E R C A P T A I N

OUR SWEETEST PAIN [MENDOZA SERIES #1]Where stories live. Discover now