Chapter 31: She's one of a kind...

239 9 3
                                    

Chapter 31: She's one of a kind...

3rd person POV

Almost isang week ng hindi nag uusap si Jarvis at si Shaira dahil sa nangyareng sagutan sa kanila sa bahay ni Jarvis. 

Ang side naman kasi ni Shaira ay sobra siyang nasaktan sa mga salitang binitiwan nito ng hindi alam ang tunay na nangyare. Kung sana'y inalam muna ni Jarvis ang totoo, hindi sana sila ganito ngayon.

Ang kay Jarvis naman ay kung bakit hindi siya nito hinabol at pinabayaan nalang na umalis at ang pinaka-kinagulat niya pa ay magkasama si Mac at si Shaira sa iisang kwarto kung saan sila lang ang tao.

Nahihirapan din sila dahil bukod sa magkaklase sila ay magkatabi pa sila, kaya't lalo silang naiilang. Halos lahat na din ng kaklase nila ay nagtataka kung bakit sila ganon. 

Shaira's POV

Uwian na naman. Ang boring boring talaga ng school. Siguro dahil wala na kong makausap. Naiilang na din naman akong kausapin si Mac pagkatapos ng nangyare. Hindi ko na nga alam kung sinong kakausapin ko sa school... 

Pero loka loka parin naman ako sa mga classmates ko nuh ^____^V Pati sa teachers na din. Didirecho ako ngayon kila Ynnah. Yep! Close na kami ^_____^V

***

 "KAMBAAAAL!" pagsalubong saakin ni Ynnah.

"HI KAMBAAAL! ^____^V" pinapasok na niya ko. Lagi namang walang tao sa bahay ni Ynnah kasi OFW din yung parents niya at only child lang siya.

"Oh ano ng nangyare sainyo?" tanong ko.

"Ako muna ang dapat magtanong! *U* ano ng balitaa?"

"Wala ganun parin katulad ng past few days."

"Bakit kasi hindi ka mag explain?"

"Tinry ko na yan ilang beses na. Diba nga? Sinusunod ko yung tips mo =____="

 Una sabi niya suyuin ko lang daw ng suyuin bibigay din yan. Alam niyo ba nangyare nung kinukulit ko siya?! Sinigawan niya ko! Sa harap ng maraming tao. Sa buong classroom! And guess what? I saw Gaile smirked.

Pangalawa sabi niya palamigin muna yung ulo kaya eto naghihintay muna ako ng tamang panahon.

"Grabe ha! Ang tigas nun ni Jarvis! Ano bang pwedeng gawin? >.< Tsaka! Isa pa! Hindi naman ikaw yung may kasalanan ah?"

"Ayun na nga eh. Pero kahit na. Ayoko siyang mawala noh."

"Hay nako! =____= Naloka ka na sa lalaking yun! PAG IBIG NGA NAMAN!"

"Aba aba! Kita mo nga naman oh! Nagsalita ang hindi naloloka sa pag ibig. Ano na nga bang nangyare sainyo?"

"Saamin? wala ganun parin.. Pasikreto. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ko kayang maghintay :| Parang wala ng patutunguan eh."

*PAAAAK!* batukan ko nga!

"GAGA KA! Pagtapos ng lahat ng pagtatago niyo itatapon mo lang ng ganun ganun?! Ayos ka lang teh?!"

"Eh kasi parang... Parang wala na kaming time sa isa't isa"

"LOKA! MALAMANG! SECRET LABEERRS NGA KAYO DIBA?! HARUUU! SUMASAKIT ULO KO SAYO. Ikain nalang natin toh! ^____^V"

"Hay nako! Jan naman tayo magaling eh"

Mac's POV

Isang linggo... isang linggo na ang nakalipas pero ganito parin ako. Kahit pala anong pag mamakaawa ko hindi ko parin siya makukuha. Kahit samahan nalang sana niya ko kahit awa ang nararamdaman niya. Ganito na nga siguro ako kadesperado. Kahit ipagtabuyan maghihintay parin talaga ako, kahit sabihin niyang hindi na ko umasa.. Aasa parin ako. HAAAY Pag ibig nga naman.

My Clumsy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon