" anytime".

Lumabas na ako sa bar at nagdrive pauwe ng bahay. Kahit wala siyang sinabi kung ano ang dapat kong gawin ay medyo gumaan ang pakiramdam ko at nakalimutan ko kahit papano ang problema namin ni kelsey.

Raine being raine will always find justications for cheating. Siguro kung hindi mo pa naranasan kalokohan para sayo yon.

Sinasara ko na ang gate ng bahay ng makareceive ako ng call. Its from kelsey. Huminga ako ng malalim bago ito sagutin.

" Babe?" sagot ko

" Where are you?"

" Just got home why?"

" just checking on you"

" got home safe don't worry hindi kami uminum" paliwanag ko agad dito.

" Magpahinga kana goodnight" then she drop the call.

Kahit papano ay nakausap ko siya okay na siguro yun. Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos ay natulog.

Months had passed and everything's went well. Isang taon na din kami ni kelsey.

December na naman ulit kaya naman hindi na ako magtataka kung palaging gabi na ako nakakauwe. Sobrang daming trabaho dahil magpapasko na.

Sa mga panahon nakalipas ay maayos naman na kami ni kelsey kahit na busy sa trabaho ay i find ways para magkita kami every weekend. At lahat ng pwede niyang ikagalit at ipagselos ay iniwasan ko na para na rin hindi na kami mag away pa.

Friday ngayon at napagusapan namin magkita after ng trabaho ko.

Supposedly ang 3pm kong out ay naging 6pm na kaya naman sa halip na aalis kami ay hindi na natuloy. Naiintindihan naman niya ito pero hindi pa rin maiwasan mainis kaya naman sinabi ko sa kanyang pupuntahan ko na lang siya sa condo niya. Pumayag naman siya.

Nagdrive na nga ako papunta sa kanya. Nang dumating ako sa unit niya ay hindi na ako kumatok pa dahil kailan lang ay binigay niya sa akin ang passcode niya. Madami na din nagbago sa amin. Minsan kasi kapag may lakad kami at ginagabi ng uwe ay dito na ako nagpapalipas ng gabi. Pinapayagan na niya ako. At minsan naman ay sa bahay ko din siya nag sstay.

Pagkapasok ko sa condo ay may naamoy na akong mabango.

Nakatalikod siya sa akin at nakasuot ng apron. Looks like she's cooking. Kung hindi ko pa nasasabi ay mahilig magluto si kelsey at masarap siyang magluto. How lucky i am right?
Ako kasi ay marunong lang pero hindi masarap.

Matapos kong itabi ang bag ko at bitbit ay pinuntahan ko ito at tinabihan.

" Hello babe" bati ko dito at niyakap siya sa likod.

" Hey" humarap siya sa akin at binigyan ako ng halik sa labi. Agad akong namula sa kanyang ginawa.

" ano yan mukhang masarap ah?" nguso ko sa niluluto niya

" of course masarap yan" proud na sabi nito.

" patikim"

" na ah, you should change your clothes bago tayo kumaen"

Sumunod naman ako dito at pumasok na sa kwarto niya. Kung dati ay hindi niya ako pinapapasok dito ngayon ay nag levelup na ang relationship namin. Hindi katulad dati na lagi niya akong sinusungitan. Masungit pa rin naman siya paminsan minsan.

I have my things here katulad ng extra clothes and my stuffs. Kulang na nga ay we live together pero hindi pa namin ito napaguusapan.

" hon di ka pa tapos?" narinig ko siyang kumatok sa pinto. Kaya naman nagbihis na ako agad at lumabas.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon