Lumabas kami sa isang restaurant malapit sa port at don na nagpasyang kumaen kasama din ang iba pang tropa. Ang saya lang ng trabaho namin kahit naka kastress ay hindi namin ito dinadamdam dahil kasama namin ang isat isa.

After kumaen at kaunting kwentuhan ay bumalik na kami sa opisina. And us usual ay inayos ko na lahat ng paper works at report ko. Sinigurado kong maayos ito lahat.

Malapit na ang uwian ng maalala kong may girlfriend na nga pala ako. Mabilis kong kinuha ang phone ko at labis ang gulat ng makitang may 10 missed calls doon at lahat yun ay si kelsey. Madami din mga text messages don. Kaya naman pagdating ng alas tres ng hapon ay agad ko itong tinawagan pero nakaka ilang ring na ako ay hindi niya ito sinasagot. Siguro ay busy na siya. Nagtext na lang ako sa kanya na pauwe na ako ng bahay. At nagdrive na nga ako pauwe.

Malapit na ako sa bahay ng tumunog ang phone ko kaya agad ko itong tinignan pero si raine lang pala ang nagmessage.

Rierie see u na lang mamaya kala doc ha. 😘
Sent 3:49 pm

Hindi ko na ito nireplyan at nagmadali na ako papasok ng subdivision. Usapan kasi namin ni kelsey na ako na ang susundo sa kanya sa condo ng 5pm. Maaga pa naman kaya may oras pa akong magbihis at iayos yun mga dadalhin kong gamit.

Pagdating sa bahay ay nagpahinga muna ako saglit. Mag aala kwarto na at kailangan  ko ng maligo. Tinawagan ko ulit si kelsey pero hindi pa din niya ito sinasagot. Kaya naman pumasok na ako sa banyo at mabilis na naligo, after ay nagbihis na ako ng damit pang alis. At nilagay ko na ang duffel bag ko sa kotse. Kailangan ko ng magmadali dahil ayokong ma late sa oras ng usapan namin dalawa.

Nagtagal pa ako ng 30 minutes kaya naman nagmamadali akong nagdrive paalis ng bahay tiyak na malalate na ako. Nagtext lang ako sa kanya na papunta na ako dahil kanina ko pa siya hindi ma contact.

Nang dumating ako sa unit niya ay past 5pm na. Kumatok muna ako sa pinto. Pero walang lumalabas kaya naman nagtext ako sa kanya. Sinubukan ko ulit kumatok mabuti na lang at lumabas na siya.

" You're late" tanging sabi nito sa akin. At pumasok na siya sa loob kahit hindi pa ako nakakapag salita. Hindi pa siya nakabihis at sa tingin ko ay kagagaling lang niyang shower. Dumiretso na siyang kwarto niya. Ako naman ay naupo na lang sa sofa habang hinihintay siya.

Medyo matagal ako naghintay dito sa labas at naiinip na ako. More than 30 minutes na siya sa loob at hindi pa din lumalabas. Ganyan ba talaga siya katagal magbihis?

Tumayo na ako at tumingin sa glass window. May sunset na. At madaming naglalakad sa labas. Nagpaikot ikot pa ako dito sa kabuuan ng condo niya ng sa wakas ay lumabas na din siya.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. She just wear a high waisted jean at blue halter blouse pero bakit kaya inabot siya ng isang oras sa loob? Tapos ako ay nalate lang ng ilang minuto dahil sa trapik ay sinita na niya agad ako. Life is unfair!

Napakamot na lang ako ng ulo ng irapan niya ako. Oh what did i do now?

" Can you help me with my bags? " narinig kong sabi niya. Kaya naman sumunod na ako papasok sa kanyang kwarto. This is the very 1st time na nakapasok ako dito. Ang sabi niya kasi ay bawal ako dito at hindi siya nagpapasok ng kahit na sino sa kwarto niya. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng paligid. Malinis at organize lahat. Ang kulay nito ay combination of lavender and old rose. Amoy rose at vanilla din ang kwarto niya. Ang bango parang gusto ko na lang matulog dito. Na putol ang paglalakbay ng mata ko ibaba niya ang dalawa malaking bags sa harapan ko.

" Let's go, next time mo na lang ituloy yan daydream mo" sabi nito at lumabas na ng kwarto. Lagi na lang ako naiiwan at naghahabol sa kanya. Teka isang buwan ba siyang mag sstay don? Bakit ang dami niyang dala? Bukod sa 2 bags na bitbit ko ay isang pouch lang ang dala niya. Hindi naman ako nagrereklamo dahil malakas naman ang katawan ko.

To Love AgainWhere stories live. Discover now