" Siyempre naman!" balik naman nito sa akin.

" ibig sabihn ba boss na kita ulit?" Masayang tanong ko dito

" hahaha oo ayaw mo ba?" tanong niya sa akin

" hala sakto magpapaalam ako ng leave" sabi ko dito binigyan niya lang  ako ng thumbs up kaya naman pagbalik ko sa table ko ay todo ngiti ako. Nagiwan din ako ng message kay kelsey na nasa trabaho na ako.

Nag file na nga ako ng vacation leave para sa Friday, hindi ko na sinama ang Thursday dahil gabi pa naman ang magiging lakad namin nuon. Binigay ko ito kay sir jeff kaya naman ng mag lunch break ay agad niya akong kinumusta.

" hoy rie ano kamusta ka ganda mo ngayon ahh inlab na inlab tol?" sabi nito sa akin

" Haha mana lang ako sayo boss" sagot ko dito

" San ka pupunta aber? Tanong ulit nito sakin

" Mag out of town daw kami eh inaya lang ako ni Kelsey " sagot ko dito

" wow I'm happy for you tol, mabuti naman at natagpuan mo na ang the one mo. Hangad ko ang inyong kaligayahan" sabay tapik nito sa balikat ko.

Natapos ang araw  at umuwi na ako sa bahay. Masaya kong binalita kay kelsey na okay na yun leave ko kaya naman tinawagan ko siya. Naka dalawa ring pa lang ay sinagot na niya ito

" hmmm hello?" sagot niya sa kabilang linya

" Hello ma'am" biro ko dito sabay tawa

" alex napatawag ka?" tanong nito sa akin kahit kelan ay napaka seryoso niya.

" kasi sasabhin ko sana na iunblock mo na ako sa messenger" sabi ko dito

" Why?" tipid na tanong niya sa akin

" Wala bakit kasi naka block ako sayo?"

" why did you called alex?" ulit na tanong nito

" hay napakaseryoso mo naman galit ka agad? Sasabihin ko sana na okay na yun leave ko on friday eh."

" bakit friday lang?" concerned na tanong niya

" sabi mo Thursday night aalis di ba? Maaga nman ang out ko non 4pm nasa bahay na ako" paliwanag ko dito

" you should file na din pati Thursday para makapag ayos ka ng gamit mo, we're going to some place pa naman but anyways ayusin mo yun gamit mo ahead of time hindi yan kung ano ano inaatupag mo"

" wala naman akong ibang ginagawa tinawagan lang kita para sabihin na si Jeff na ulit yun boss ko"

" I know " maikling sagot niya

" Paano mo nalaman?" tanong ko ulit dito

" i just know. Better prepare your  things na alex bye" at binaba na niya ang tawag

Wala na akong nagawa kundi itago ang phone at bumalik sa kwarto. Bumaba ulit ako para magtimpla ng kape. Bukas ko na lang ayusin yun gamit ko total ay martes pa lang naman ngayon.

Maaga pa kaya naman nanuod muna ako ng tv  bago magayos ng hapunan. Nasa gitna ng aksyon yun pinapanuod kong movie ng magring ang cellphone ko. Wala sana akong balak sagutin ito ng mag ring ulit  kaya tumayo ako at kinuha ito, gulat na sinagot ko agad ito ng makitang si kelsey pala yun tumatawag, i should change her ringtone sa susunod para alam ko na.

" he-hello ulit?"

" Busy ka?" Tanong nito sa akin

" ah hindi, hindi ako busy bakit?"

" Let's go to rave " aya nito sa akin

" Ah sige anong oras?"

" Now"

To Love AgainWhere stories live. Discover now