" San ba kayo pupunta non saka sino ang kasama? Litong tanong ko sa kanya dahil nararamdaman ko yun pag galaw ng mga daliri niya sa balikat ko.

" Friday night yun alis namin usually and ang plan ay sa siargao so maybe thursday night palang ay aalis na tayo then Tuesday yun balik kung sakali. And wala naman ibang kasama its only  Anne, lisa, raine, maybe doc navarro and her girlfriend will come too. And the both of us. "

" Ang tagal naman kailangan ko pang magfile ng leave non sa Thursday at friday kung sakali" sambit ko dito, nakatingin lang naman siya habang nagsasalita ako.

" Then you better file it now para ma approve na right?" tumango na lang ako sa kanya. Hindi ko pa din magets yun nangyayari eh. Kaya kinulit ko ulit siya.

" Eh pano yun tayo? Mag ano na tayo?" Uli kong pagtatanong sa kanya.

" After what you did to me you're asking me what are we? You're unbelievable! Don't ask me again stupid question alex, get up i need to go home na" utos niya sa akin.

Ako yun hindi makapaniwala dito eh tapos kung utus utusan niya ako sa loob ng bahay ko aba! pero tumayo ako at sumunod na rin sa kanya.
Kinuha ko ang susi ng kotse at sinara na ang bahay.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan at nag drive na papunta sa condo niya.
Nang makarating kami sa building ay nagpark muna ako at saka muli siyang tinignan.

" goodbye thank you sa paghatid, and magingat ka sa paguwe okay?" malambing na bilin niya sa akin.

Nagpasalamat din ako sa kanya sa pagdalaw sa akin. Bumaba na ako ng sasakyan para pagbuksan muli siya ng pintuan pero hindi kaagad siya bumaba.

" Message me when you get home " bilin niya pa at bumaba na. Sinara ko na ang pinto ng sasakyan tatalikod na sana ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay at sinabing

" I love you too alex" saka ako iniwang tulala sa parking lot.

Sa mga oras na yun ay gusto kong sumigaw para akong aatakihin sa sobrang saya. Mukhang hindi na naman ako patutulugin ni kelsey buong magdamag ang unfair!

Naputol ang pagmumuni muni ko ng nag vibrate sa aking bulsa ang aking phone. Nakarecieve ako ng text from her at sabi ay umuwe na daw ako. Kaya naman nag drive na ako pauwe na may ngiti sa mga labi. Can i be more happier? Feeling ko ay dininig ng diyos lahat ng mga dasal ko araw araw. Lahat ng sakit na naranasan ko dati ay nagkakaron na ng magandang kapalit.

Nang makauwe ako sa bahay ay agad akong nagtext ako sa kanya daig ko pa ang teenager na kinikilig kasi pinansin ng crush niya.

"Im home loves 💕"

At sinend ko na ito sa kanya. Di rin nagtagal ay nagreply siya ng

"buti naman, you should not think of anything now and go get some sleep mukha ka ng zombie. Goodnight 😘"

Napangiti ako sa sinabi niya. Naglinis na ako ng katawan nagbihis at nahiga na sa kama. Nagsend ulit ako sa kanya ng text bago matulog at pinatay na ang ilaw.

" Goodnight i love you 💋❤️"

Masarap ang naging tulog ko kagabi kaya naman ang aga ko din nagising nauna pa ata ako sa alarm ko. Gumayak na ako at naghandang pumasok sa trabaho.

Ang ganda ng mood ko ngayon at lalo pa atang nadagdagan iyon ng makita kong nasa opisina ngayon si Jeffrey. Naalala kong ngayon pala ang sked ng paglipat niya dito. Ibig sabihin ay makakasama ko na siya ulit dito.

Bigla ko siyang nilapitan tuwang tuwa akong makita siya. Ganon din naman ang naging reaksyon niya ng makita ako.

" Wow the boss is back" pag welcome ko dito

To Love AgainWhere stories live. Discover now