Teka ano daw? Anong crime ang sinasabi nito? Tinawanan lang siya ni raine sa sinabi niya.

" a-anong crime? Ako may ginagawang krimen? Paguulit ko dito

"hay dont mind her rie halika na sa loob bakit ba ganyan ang itsura mo?"
Si raine pa ang naunang maglakad papasok sa loob ng bahay ko.

" wala nakatulog lang ako sa sofa" bagot na sabi ko dito

" Ni hindi ka man lang nakapagbihis hahah kawawa naman ang kaibigan ko oh" sabay turo nito sa akin kay kelsey

" teka ano bang ginagawa nyo dito?" tanong ko ulit sa kanilang dalawa, si kelsey naman ay hindi makatingin sa akin.

" We're checking on you yung baby mo kasi hindi mapakali miss ka na daw agad" tawang tawang ito habang si kesley naman ay tinignan ito ng masama.

" Ano?" tanong ko ulit sa kanya dahil hindi pa nagpoproseso yun utak ko.

" Nagaalala kami sayo dahil hindi mo nga sinasagot yun tawag namin. Nasan ba yun phone mo?" tanong ulit ni raine

" ah nakatulog kasi ako agad paguwe from work antok na antok ako eh hindi ko na nacheck yun phone ko. Pasensya na kung nag alala pa kayo." sabi ko dito habang nakahawak ang isang kamay sa batok. Mannerism ko na kasi iyon kapag nahihiya ako.

" Oh hayan ha okay naman pala siya eh paano aalis na kao iwan ko na kayo? "sabi nito kay kelsey, hindi ko maintindihan yun pinupunto niya.

" Rie ikaw na bahala sa kanya ha hinatid ko na yan dito ingatan mo yan" bulong nito sa akin at umalis na. Kaya lalo akong nalito, hahabulin ko pa sana ito sa labas ng magsalita na si kelsey na nagpatigil sa akin

" Where do you think you're going? " masungit na tanong niya sa akin. Magka cross arms pa siya habang papalapit sa akin.

" Ah isasara ko lang yun pinto, tama isasara ko." kinakabahang rason ko sa kanya. Parang nagiba yun awra nya ngayon eh nakakatakot tuloy. Para akong lilitisin sa korte suprema.

Hindi ko siya matignan sa mukha. Naupo ako sa sofa at tinignan ang oras 6:30 na pala, ang ibig sabihin dalawang oras ako nakatulog.
Mas lalo ako natakot ng tumabi siya sa akin sa upuan. Hindi ko alam kung anong nasa isipan niya sa mga oras na ito.

"What did you do the whole day, you didn't bother to message me or anything?" hayan na naguumpisa na ang paglilitis ko.

Ang totoo niyan ay hindi ko naman gusto iwasan siya lubhang antok na antok lang talaga ako kaya natulog lang ako maghapon. Pero hindi ko pwedeng isagot sa kanya yan.

" ah honestly kasi ano eh, ahhhh---"

" What?!" nagulat ako sa pagputol niya sa akin

" Ano bakit ka nanggugulat kasi?"

" Can you compose yourself mygod alex!? From day 1 up to now nawawala ka pa rin sa ulirat! "

Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko tuwing kaharap ko siya eh. Kasalanan niya kasi yun.

" Natulog ako maghapon eh hindi kasi ako nakatulog kagabi at nun mga nakaraang araw kaya siguro nagkapatong patong yun puyat ko" paliwanag ko sa kanya

" At bakit hindi ka makatulog?"

Bakit kasi tanong ka ng tanong, gusto ko sana itong sabihin sa kanya pero hindi pwede.

" So i shouldn't ask you questions ba?" nagulat ako sa sinabi niya teka hindi pa naman ako nagsasalita ah

"Im not a mind reader, you're face says it all. I know you too well alexandra."

" Bakit ka nga nandito?" biglang tanong ko sa kanya para malipat sa kanya ang usapan

To Love AgainWhere stories live. Discover now