Kumuha ako ng pagkaen sa buffet table nang harangin ako ng iba kong kaibigan.

" tol pakilala mo kami sa girlfriend mo" kulit ni jeff sa akin

" haha ayaw mo tigilan no jeff? Kakain muna ako saglit, kayo kamusta kumaen muna bago uminum ha" sabi ko sa iba pang tropa

"oo tapos na kami kumaen. after mo diyan wag mo kalimutan ipakilala kami sa kanila" at tinuro pa nga ang table nila raine at kelsey palibhasa ay nakakita ng magagandang babae kaya hindi mapakali.

" Oo na pero wag kang makulit ayaw nila ng ganon" bilin ko pa dito

Bumalik na ako sa table at kumaen. Naki pag kwentuhan sandali kay raine at nagkamustahan. Sinabi ko din dito na ipapakilala ko ang mga kaibigan ko pumayag naman siya kaagad.

Matapos kumaen ay tumayo na ulit ako at lumipat ng table, maliit lang naman ang space dito sa loob ng bahay ko. Nagumpisa akong ipakilala ang mga kaibigan ko kala kelsey.

Inuna kong ipakilala ang mga kawork ko sa kanila sunod sila erika, karla, jayson at pang huli si jeff.

" tol this is raine siya yun may ari ng rave bar na palagi natin pinupuntahan" una kong sabi dito

" oh talaga kaya pala ang ganda ng bar eh maganda din ang owner pleasure to meet you ma'am raine, I am jeffrey de jesus best friend ko yan si alexandra" banat kaagad niya at inabot pa ang kamay. Tinangap naman ito ni raine

"Nice meeting you too jeff, rie told me alot about you" sagot ni raine dito, knowing raine she's really a friendly person.

Sunod naman na pinakilala ko si Lisa.

" Eto naman si lisa girlfriend yan ni raine she's cousin of kelsey too."

" Ohhhhh??? Hello Lisa" pormal na pakilala ni jeff hindi siguro makapaniwala na girlfriend ito ni raine. Hahaha bigla siyang natameme

" hi" tipid na salita ni lisa at bumalik na sa pag gamit ng cellphone, she's really aloof. Kabaligtaran ni raine na easy to go with.

" and  she's Kelsey Henderson" seryoso kong sambit kay jeff

" At long last hello Kelsey ang tagal na kitang gusto makilala eto kasing si rie tinatago ka sa amin eh" siniko ko ito para tumahimik.

" Hi Mr. De Jesus" pormal na sagot ni kelsey dito.

Natahimik din si jeff siguro ay nahiya sa kadaldalan niya. Bumulong pa ito bago bumalik sa table nila

" Nakakatakot naman yun girlfriend mo rie kaya pala lagi kang tulala eh" bulong nito sa akin. Nginitian ko lang ito

" Natakot sayo yun boss ni rie kels" baling ni lisa kay kelsey

" Why" I didn't do anything" inosenteng sagot naman nito

" the both of you are so serious loosen up naman girls. We have to be friendly" sabi niya sa magpinsan pero tinignan lang siya nito ng masama.

"hahaha di ka pa nasanay?" Bulong ko kay raine. Nagtawanan lang kaming dalawa.

Nang matapos ang kainan ay nagsimula na akong magligpit para makainum na sila. Inayos ko ang garahe at don naglipat ng mga upuan at lamesa, hindi naman pwedeng sa loob ng bahay sila maginuman. Naglatag ng mahabang lamesa si jeff at don na umupo lahat. Nang maka settle ay nagumpisa na ang inuman. Itong mga kaibigan ko kala mo hayok sa alak eh palibahasa sanay na nagpaparty tuwing day off. Inaya ko naman ang tatlong babae na makisali sa labas. Cool na cool na sumali si raine sa iba at hinatak pa ang dalawang kasama.

Nagstay pa ako sa loob para makapagligpit, naghugas ako ng mga pinagkainan matapos ay naupo muna ako saglit para magpahinga. Nagulat pa ako ng makita si kelsey na pumasok.

To Love AgainWhere stories live. Discover now