" Hey rie lunch time let's go the food is ready" sigaw ni karla sa akin na tiyak na narinig ni kelsey

"Sunod ako" sagot ko dito

" who's that?" tanong ni kelsey sa akin

" Ah sila jeff yun tinulungan ako magayos"

" Jeff? Buti it sounded like a flirty girl" hindi naniniwalang tanong niya.

"ah kasi ano kasama niya yun cousin niya"

" okay, I'm going, fetch me now" after that she drop the call

Grabe ang bilis magbago ng isip. Dali dali akong naligo at nagayos ng sarili. Ayaw na ayaw niya nag pinaghihintay siya kaya naman kailangan ko ng magmadali. Bumaba ako ng hagdan at nagpaalam kala jeff.

" Tol alis muna ako saglit sunduin ko si kelsey ikaw muna bahala dito ha" paalam ko dito

" O sige magingat ka, sa wakas makikilala ko na yun girlfriend mo" tuwang tuwang sabi niya hindi pa kasi niya ito nakikita kahit kailan at akala nga nila ay girlfriend ko na ito.

"salamat tol alis na ako"

Lumabas na ako at nagmamadaling nagdrive patungo sa condo ni kelsey. 12:00 pa lang naman kaya wala pa ang pari. Ala una ang schedule ng pagsundo ko dito sa parish malapit lamang sa subdivision kaya aabot pa naman ako.

12:30 nang dumating ako sa condo niya, hinihingal pa ako dahil sa pagmamadali na trapik din kasi ako. Nakailang doorbell pa ako bago niya buksan ang pinto.

Napangiti ako ng masilayan ang magandang mukha ng babaeng aking minamahal. Eto yun kahit magpagod ka ay sulit dahil mapapawi agad ng aking nararamdaman. Alam kong ang korni ko na pero ito ang totoo lahat naman siguro tayo ay mararamdaman ito kapag natagpuan mo na ang "the one"

Hindi na niya ako pinapasok ng pinto ay lumabas na siya agad.

" Let's go" sambit niya. Kaya naman sumunod na din ako kaagad. Hindi pa ako nakakabawi sa pagakyat ay pababa na ulit kami sa lobby.

Nasa loob na kami ng sasakyan ng tumawag si jeff

" Hello tol? Oh okay sige don na ako didiretso baka kasi matrapik ako ikaw na magayos ha. Haha" sagot ko kay jeff. Sinabi kasi niyang sunduin ko na pari.

" Sunduin ko lang saglit yun pari kels" sambit ko sa katabi ko.

Tinignan niya lang ako at hindi na nagabalang sumagot pa

Pagkasundo ko sa pari ay dumiretso na kami sa bahay. 1:15pm na kaya naman andon na rin ang iba pang bisita. Pumasok kami sa bahay siguro ay mamaya ko na sila ipapakilala sa isat isat dahil maguumpisa ng mag misa ang pari.

Matapos ang blessing ay nagpasalamat ako kay father hinatid ko na uli ito. Nagpaalam muna ako sa ibang bisita pati na rin kag kelsey

" ahmm kelsey iwan muna kita saglit ihahatid ko lang si father sa labas ng gate" sabi ko dito at sumangayon naman siya dahil dumating na rin naman sila raine kasama ang girlfriend nito na si Lisa.

Pagbalik ko sa bahay ay kumpleto na ang mga bisita, medyo madami dami din pala akong kaibigan. Hindi ko na napapunta dito sila nanay dahil malayo rin ang ibibyahe nila.

Nang makapasok ako ng bahay ay sinalubong ako ng mga kasama ko sa trabaho, binati naman ako ng iba. Dumiretso na ako sa upuan nila raine kung nasaan si kesley para kamustahin ito.

"hey rie ayos ng bahay mo ah so homey" bati ni raine sa akin

" sabi din ng iba raine hehe salamat sa pagpunta" sagot ko dito

" you okay here?" baling kong tanong kay kelsey, look like she's observing the house and the guests.

" yeah I'm fine dont mind me, kumaen ka na ba?" balik na tanong nito sa akin. Hindi pa nga pala ako kumakaen. Umiling lang ako kaya naman sinabi niyang kumaen muna ako.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon