" i'm just happy, bakit masama ba?"

"oh maybe you're still drunk that's why, happy kang laging lasing?" sagot ulit nito. Nakakainis siya pinaalala pa talaga nya eh.

Tinignan ko lang siya ng masama, nginitian naman niya ako ng mukhang nangaakit. Hala bakit ganon pag sya kaakit akit pag ako creepy unfair!. Wintik na ako mapaapak sa preno dahil don. Narinig ko na lang siya tumatawa ng mahina.

Nagpark ako sa lilim ng dumating kami dito sa park. Eto yung favorite spot ko kung saan ako madalas tumakbo. At dito ko din siya madalas na makitang magkape.

Mabilis akong lumabas sa kotse at pinagbuksan siya ng pinto, mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko.

"after you ma'am" biro ko dito saka sinara ang pinto ng kotse, siya naman ay nauna na ulit maglakad kaya habol ko siyang sinundan para makasabay ako.

Malapit na kami sa coffee shop kaya binilisan ko ang paghakbang upang  maunahan ko siya sa pagpasok kaya naman pinagbuksan ko ulit siya ng pintuan papasok ng entrace. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti, siya naman irap sa akin.

Didiretso na sana siya sa counter ng sinabi ko ditong ako na pero hindi siya pumayag at tinanong pa ako kung anong order ko. Sa totoo lang ayoko ng kape ngayon dahil masakit pa ang ulo ko, parang ang gusto ko ay coke na super lamig o kaya ay tubig lang. Wala akong maisagot sa kanya kaya naman umalis na siya sabay iling at nagpunta sa counter.

Humanap na lang ako ng vacant seat at naupo doon. Halos mahulog ako sa upuan ng makita kong naupo din doon si raine. Teka anong ginagawa nya dito? Binigyan nya ako ng malaking ngiti.

" Goodmorning rie!" bati nito. Ang poganda nya.

" ah good--morning" putol putol kong sabi dito dahil nagulat ako sa kanya.

Tuwang tuwa siya sa reaction ko. Bwisit.

" I'll just give her phone." sabay turo kay kelsey. "she told me to meet her here kanina" explain nya pa.

" ano naka score ka na ba? Hahaha hindi ka ba mag thankyou sakin?" malokong sabi nito.

So it's all her plan pala tlaga. Grabe naman tong mga kaibigan ni kelsey lalakas ng mga trip eh. Namumula tuloy ako sa hiya.

Buti na lang at dumating na si kelsey at nilapag ang mga inorder nya.

Tinaasan  nya ng isang kilay si raine nang makita niya itong nakaupo at tawang tawa.

"what?" tanong ni raine dito

" akina un phone ko siraulo ka talaga!" sabi nito kay raine. Samantalang tawa pa rin ng tawa yun isa.

" Don't ever do that again raine you're so crazy! "

" okay okay, parehas naman kayo nag enjoy ah" sagot pa neto.

"What the hell are you talking about?" galit na tanong ni kelsey dito

" Oo na hindi na, taguan pa kasi ng feelings eh. Tanda tanda na ehhh." sabi nito at humalukipkip.

Tinignan syang muli ni kels ng masama kaya naman nagsurrender na siya.

Hindi ko naman ginagalaw yun pagkaen inorder nya for me dahil wala pa akong gana at nahihilo pa ako talaga. Gusto ko matulog ulit na kayakap si kelsey. Teka ano ba tong naiisip ko. Tinignan ko na lang ang dalawang magkaibigan na nagkakape ngayon.

" aren't you going to eat?" tanong ni kelsey sa akin.

" Bigyan mo kasi ng gamot" singit naman ni raine dito

"Gamot for hangover?" tanong ni kelsey sa kanya.

" Oo my dear friend. Isang yakapsul at kisspirin ang gamot dyan." sabi nyang tuwang tuwa, kaya binato siya ni kesley ng tissue sa mukha. Habang ako ay pulang pula sa upuan at hindi mapakali. Maya maya ay nagpaalam na si raine na mauuna na raw at hinahanap na sya ni Lisa.

" pano ba yan mauna na ako sa inyong dalawa ha lovers, rie yun bilin ko sayo wag kana magpa bagal bagal pa baka maunahan ka ng iba sige ka."

Pagkasabi nun ay umalis na ito ng nagmamadali, si kesley naman ay tinignan lang ako at napailing.

" what? Tanong ko sa kanya.

" Whatever she's telling you to do, don't do it. She loves playing around. Don't believe her".

" Pano mo nasabi? Tanong ko sa kanya.

" it's up to you, anyways i don't care whatever it is. " mataray na sagot nya. Nagsusungit na naman siya kaya naisipan kong sakyan na lang ito.

" sabi nya kasi sakin..... " pambibitin ko sa kanya. At mukha naman naghihintay sya ng sasabihin ko.

" sabi nya sakin wag ko na daw ituloy eh" gusto kong matawa habang pilit na pina seseryoso ang mukha.

" ituloy ang?" tila naiinip na tanong nya.

" yung plano ko"

"plan about what?!" ayan na nagagalit na sya.

" Of, of courting you"

" what?!!!" gulat na tanong nya. Hindi ko alam kung san siya nagulat sa wag ko ng ituloy or sa sinabi kong pangliligaw.

"sabi nya pa si karla na lang daw ang ipursue ko kung sakali" nakatingin ako sa kanya at binabasa ang emotion sa mga mata nya ngayon.

" and you believe her?!" di makapaniwalang tanong nya. Ako naman ay hindi makapaniwala sa naging tanong nya. Gusto kong tumalon sa tuwa.

" what do you want me to do then?" balik kong tanong sa kanya.

" do whatever you want, i still don't care" biglang bawi nya. Pero masaya pa din ako.

" Okay sabi mo yan ha. Wala ng bawian!"

" whatever rie" natutuwa akong madalas na niya akong tawagin sa pangalan ko di tulad dati na stupid o kaya ay hey ang tawag nya sakin.

Pagkatapos nuon ay nag-aya na siyang bumalik sa condo nya siyempre ihahatid ko siya doon. Matapos na maihatid ko siya ay nagpaalam na ako bago pa siya bumaba ng sasakyan.

" salamat sa breafast kels" sabi ko dito habang nagpapark.

" you didn't even eat" sagot nito.

 
"and next time don't go here wasted, you almost puke at me i don't want to baby seat a drunk giant" sabi pa nya habang nagaalis ng seatbelt.

" plano ko pa naman dumalaw dito regularly" biro ko sa kanya. Hindi naman na ako nito pinansin at bubuksan na sana ang pinto ng pigilan ko ito.

" what?"

" wala bang goodbye kiss?" 

At binalibag na nya ang pinto ng sasakyan. Hahaha tawang tawa ako sa loob habang nag drive  pauwi.




































To Love AgainWhere stories live. Discover now