" are u mad at me? Its not my fault but,,,, okay im sorry it's my friend. Maybe she's tripping on you/us."

Lumapit ulit siya sa akin pero lumayo ulit ako. Antok na antok na talaga ako  at hilong hilo feeling ko ay ngayon palang tumatama yun mga ininum ko kanina.

" hey i already said sorry, what more do you want?! " pahina ng pahina ang naririnig kong salita nya at after non ay hindi ko na alam ang nangyari.

Sunday.

Nagising ako dahil sa mga munting liwanag na nang gagaling sa kurtina. Dahan dahan kong minulat  ang aking mga mata ng mapagtantong wala ako sa aking kwarto. Tinignan ko ang suot ko ngayon, naka sando pa din nman ako at pants, wala nman nabago sa suot ko. Meron lang akong pink na pillow at kumot?

Napabalikwas ako ng bangon ng maalala kung nasaang bahay ako. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa pero wala ito doon. Napatapik ako sa noo ko ng tumingin ako sa ulunan ko at nakita ko ang babaeng nakaupo sa couch, nakatitig lang sya sa akin.

" funny you had so much time on getting wasted" sabi nito sa akin na nakatingin pa din.

Kumunot lang ang noo kong tinignan siya. Buti naman at iba na ang suot nya ngayon. Namula ang pisngi ko sa naalala kagabi. Hindi sinasadyang mapatitig ako sa kanyang dibdib. Nagulat na lamang ako ng may tumamang unan sa aking mukha.

" Pervert!" at pumasok na siya sa kanyang kwarto. Gusto kong matawa sa kalokohan ko.

Pumasok ako sa isang kwarto dito dahil andon ang cr, siguro ay guest room toh, nagayos ako ng sarili upang makauwe na ako.

Mukhang wala na din balak na magpakita pa sa akin si kesley kaya naman kumatok na ako sa pinto ng kwarto nya. Nakakailang katok na ako pero walang sumasagot. Tatalikod na sana ako ng lumabas siya ng pintuan.

Nakabihis siya ngayon ng simple tshirt at shorts. Nakatingin lang ako sa kanya ng lagpasan na nya ako. Kinuha ko ang jacket ko at susi ng kotse . Lumingon siya sa akin at nagsalita.

" Let's go somewhere I'm not in the mood to cook for breakfast" yun lang at tumalikod na ulit siya. Sumunod naman ako sa kanya habang kinikilig. Kapag ganito ka ganda ang kasama mo sino ba ang hindi kikiligin.

Sinara na nya ang condo nya at naglakad na kami sa hallway, sumabay ako sa kanya sa paglalakad para magkatapat kami. Kulang na lang ay hawakan ko ang kanyang kamay ✌️, syempre hindi ko yun pwedeng gawin at baka masampal ako.

Nauna na akong pumasok sa elevator at pinindot ito sa groundfloor. Don ko kasi pinarada ang sasakyan ko kagabi. Parang kay tagal namin sa loob ng elevator bawat isang floor kasi ay bumubukas ito. Kada may papasok ay tumitingin sa kanya or sa akin. Anong problema ng mga taong ito ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babae? 😂

Hinila lang ni kesley ang damit ko papalapit sa kanya ng mapuno ang elevator. Its only 7 in the morning pero ang dami ng tao dito. Gusto ko naman magtatalon sa saya at kilig ng madikit siya sa akin. Hindi naman ako  na conscious sa amoy ko dahil mabango naman ako noh.

After 1 hour, charot! ay nakalabas na din kami ng elevator at naglakad na ako kung saan nakaparada ang kotse ko. Siya naman ay na kasunod lang sa akin. Pinagbuksan ko siya ng pinto at sinara ito. Pumasok na ako sa driver seat at nagsimula ng magdrive. Pero hindi ko alam kung saan pupunta kaya tinanong ko na lang siya.

" where to ma'am?" nakangiti kong tanong dito. Mukhang maganda ang mood nya ngayon dahil hindi nya ako inirapan.

" coffee shop near the park, and don't call me ma'am you're not my student" sabi nito. Alam ko naman ang tinutukoy nyang lugar. Eto un madalas namin puntahan para magjogging.

To Love AgainWhere stories live. Discover now