Yun lang at binaba nya na ang tawag. Hay sumasakit ang ulo ko sa mga nalaman ko. Bakit naman gagawin ni kesley yun. Pinagttripan ba nya ako? Sakit nya sa bangs, kahapon pa.

Nagdecide na akong matulog ulit dahil sumasama na ang pakiramdam ko. I need to rest  muna. Hindi na siguro ako mglulunch busog pa naman ako.

Hindi nga ako nagkamali dahil nilalagnat na ako, mahina kasi talaga ako sa lamig siguro ay dahil na din sa pagtulog ko sa sofa ito kagabi tapos ang lakas pa ng tama ng aircon sa aking likod.

Hinang hina akong tumayo ng makarinig ako ng katok. Tinignan ko ang oras sa orasan sa wall, 4pm na pala. Wala naman akong inaasahan bisita ngayon. At wala naman talagang bumibisita sa akin dito. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa aking harapan si Karla. Sa ilang linggo namin hindi pagkikita at parang may kakaiba sa kanya. Mas lalo ata siyang gumanda ngayon. Pero ano kaya ang ginagawa nya dito?

" karla what are you doing here? Paos kong tanong sa kanya. Masakit na rin ang aking lalamunan.

" Visiting you. Jeff told me you didn't come to office and you are sick"

Pinapasok ko siya sa loob. Napakadaldal talaga ni jeff. Malamang pati gf thing ay kinuwento nya rin dito. Tsk.

"upo ka muna" sabi ko dito. Halos nauubo na ako ngayon.

" Did you take your med? Looks like you have a flu" concern na tanong nito sa akin. Umiling lang ako dahil hindi pa naman talaga ako nkakainom ng gamot.

" What happens to you last night? Why did you get sick?" lumapit siya sa akin at kinapa ang noo ko. Saka napailing.

" Jesus Rie you're burning! " halos pasigaw na sabi niya. Ako naman ay parang walang naririnig dahil umiikot na ang paningin ko. Nahihilo ako at nasusuka kaya naman tumakbo na ako papuntang cr.

Sumunod naman siya sa akin at tinulungan ako. Nagtanong din siya kung san nakalagay ang med kit. Pagkatapos ay inalalayan niya ako papasok sa aking kwarto para makahiga na. Malatang malata ako ngayon dahil hindi pa rin ako nakakapag lunch.

Pagkatapos niya akong ihiga ay lumabas muli siya ng kwarto,pagpasok nya ay bitbit na niya ang basong may lamang tubig at gamot. Pinainum nya sa akin ito. Halos hindi ko ito mainum inum dahil nasusuka na naman ako. Grabe yun nararamdaman ko ngayon para akong nagwalwal sa alak.

" come on rie drink this so you can feel better. Para kang bata" kaya wala na akong nagawa kundi piliting lunukin ito.

After non ay natulog na ako ulit. Siya naman ay magpprepare raw muna ng pagkaen dahil nalaman nyang wala pa akong lunch.

Nagising ako ng maramdaman kong may humipo sa aking noo. Ang init ng palad nya. Parang gusto ko ito yakapin dahil nilalamig ako ngayon.

Kahit gising ay hindi ko na idinilat ang aking mata, gusto ko lang pumikit dahil sa matinding kirot ng aking ulo.

Lalo akong napapikit ng may magbukas ng ilaw. It's Karla.

"sorry for waking you but you need to eat" bulong nito sa akin.

Pinilit kong bumangon at sumunod dito. Wala naman akong choice kung gusto kong gumaling. Hindi naman talaga ako sakitin. Mahina lang talaga ako sa sobrang lamig.
Sumubo lang ako ng kaunti at humiga na ulit. Sinabi ko sa kanyang mamaya nlng ulit ako kakaen. Pumayag naman siya at kinumutan nya ako. Sinabi nyang babantayan nya ako ngayong gabi dahil wala akong kasama. Pumayag na lang ako dahil wala na akong lakas makipagtalo.

Nakatulog ako ng maayos at feeling ko ay galing na ako. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita kong natutulog si karla sa tabi ko. Kaya naman pala masarap ang tulog eh, sabat ng inner self ko. Sabagay wala naman siyang ibang pwedeng tulugan dito kaya naiintindihan ko siya. Dahan dahan akong tumayo upang hindi ko siya magising. Tyak na napagod din siya at napuyat sa pagaasikaso sa akin kagabi.

Nagpunta ako sa kusina at naginit ng tubig na mainit pang kape. Halos alas kwarto pa lang ng madaling araw. Balak kong pumasok ngayon dahil okay naman na ang pakiramdam ko.
After non ay inayos ko na ang gamit ko sa trabaho. Pumasok ako ng banyo at naligo. Paglabas ko ay gising na si karla.

" What are you doing?" nagaalalang tanong nito sa akin.

Nginitian ko siya.  " salamat sa pagaasikaso mo sa akin karla, ang galing mong nurse" biro ko pa sa kanya.

"Magaling na ako oh look " sabi ko at pinakita pa ang muscle ko kuware sa kanya.

Ngumit lang din siya sa akin at dumiretso na sa kusina. Bigla kong naalala na nakatapis lang pala ako ng towel. Namula ako sa hiya kaya mabilis akong naglock ng pinto at nagbihis na.

Paglabas ko ng kwarto ay nakapagluto na pala siya ng breakfast.

" Are you sure you're okay? Alam naman ni jeff you're really sick eh" sabi nito

" Okay na ako. At thank you ulit sa pag aalaga mo." sabay kindat dito.

Ewan ko pero pagdating kay karla ay parang okay lang sa akin na biruin ko siya, siguro ay dahil hindi na ako naiilang sa kanya. Naging close na din naman kasi kami. At bumait na talaga siya sa akin ngayon unlike nuong unang encounter namin.

Masaya lang kaming kumaen ng breakfast at nagusap ng kung ano ano maaga pa naman kaya may oras pa ako.

Matapos kumaen ay nagayos na ako ulit. Sabay na kaming lumabas ng apartment ko at nagpaalam sa isat isa. Nagpasalamat lang ako ulit sa kanya sa pagaasikaso sa akin.































To Love AgainWhere stories live. Discover now