Nginitian ko lang ito at mabilis na lumabas dahil hinabol ko pa si kesley iniwan nya ako doon.

Kamuntikan na akong maipit sa pinto ng elevator ng pigilan ko ito sa pagsara. Samantalang nakatingin lang sa akin ng masama si kelsey. Buti na lang at wala pang ibang nakasakay dito.

Hinihingal akong tumayo sa gilid nya. Walang nagsasalita sa amin dalawa hangang makasakay kami ng kotse nya. Nagdrive lang siya ng tahimik mula qc to makati. Nakarating naman kami doon dahil hindi na gaanong trapik.

Malapit na kami sa mall ng magsalita siya.

"where's your car?"

Itinuro ko nman sa kanya yon at nagdrive na siya. Huminto na din siya sa tabi ng kotse ko.

" thankyou sa bfast at sa paghatid mauna na ako ingat ka" sabi ko dito.

Inalis ko na ang seatbelt ko at bubuksan sana ang pinto ng magsalita ulit siya.

" Thank you for staying last night. Sorry sa abala." matipid na sabi nito. Ni hindi man lang ako tinignan.

Sige lang ang sinabi ko dito at lumabas na. Umalis naman na kaagad ito ng makapasok ako sa sasakyan ko. Hayy whatta day.

Sobrang dami nangyari ngayon at kahapon lahat yun ay hindi ko ineexpect na mangyayari. Parang bigla akong naipit sa sitwasyon na yun. Hindi ko sure kung masaya ba ako or what. Feeling ko tuloy magkakatotoong magkasakit talaga ako ngayon eh. Bago pa man ako tanghaliin sa daan ay ngdrive na ako pauwe sa apartment ko..

Sa haba ng biyahe ko from qc to makati at makati to manila ay parang nawalan na ako ng lakas. Nagpahinga na ako agad, nagbihis at humilata sa sofa ko. Mmaya na lang ako maliligo feeling ko kasi ay antok na antok ako.

Papikit pa lang ang mga mata ko ng biglang tumawag si sir jeff.

" hey tol pasensya na naputol yun call ko kanina ha. Sabi nito

" okay lang yun. " sagot ko naman

" nga pala ano kmusta pakiramdam mo may sakit ka daw sabi ng gf mo ah. Teka ang ganda nun boses nya sa phone eh maganda ba un tol ha?

"sino bang gf sinsabi mo ha" putol ko dito

" grabe rie tagal na nating mag kaibigan ah ngayon kapa naglihim. Si kelsey sino paba!" tampong sabi nito. Ako naman ang npanga nga dito.

" ano sino teka nga linawin mo. Pano mo nakilala si kelsey aber??!"

" tumawag ako sa cp mo dami ko nga miscol sayo eh. Tapos sinagot na nagulat ako ganda ng boses hindi naman ganon boses mo eh. Tapos ayon sabi ko nasan kaba bkit hindi ka pumasok  late kana kako ah. "

"ano pa mga sinabi mo sa kanya?"

" ayon nga sabi ko tapos sabi ko nagtatampo ako at hindi ka nagpunta ng birthday kagabi. Kaya nagsorry siya dahil magksama daw kayo kagabi sinamahan mo daw siya kasi malakas ang ulan. Tapos nagkasakit ka daw at natutulog pa sa condo nya. Nagulat nga ako kala ko hindi totoo eh. "

" sinabi nyang gf ko sya di nga?!! "

" Oo gagi tol. Tinanong ko nga yun name Kelsey daw name nya. "

" wow. "

" anong wow ha. Sa saturday night magkita tayo ng mga tropa dating gawi yari ka sakin pag hindi ka nagpunta! At isa pa ipakilala mo samin gf mo ha magtatampo talaga ako sayo sige ka! "

" hay tol hindi ko naman gf un. "

" Anong hindi e sya nga nagsabi. Bahala ka. Kung may sakit kapa bukas wag kna pumasok ako ng bahala dito sige bye. Pagaling ka tol"

To Love AgainWhere stories live. Discover now