Lalo lang ako napangiti dahil kinakausap niya ako ngayon. Parang pwede na ako mamatay hahaha. Ano kaya nakain nito at parang bumait ata siya. Sana naman wag muna siyang umalis kausap ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon andito lang siya sa harapan ko kasama kong magkape.

"lagi ka bang nagpupunta dito?" Tanong ko upang magstart ng conversation.

" Yes" tipid na sagot niya.

Sobrang tipid niya magsalita at napaka hinhin nyang kumaen. Pati paginum nya ng kape ay sopistikada. Lahat ng galaw niya napapansin ko.

Grabe malala na talaga ako sabi ko sa sarili ko.

"Yes you're so malala." bulong nito pero narinig ko din naman.

Nanlaki lang ang mga mata ko dahil paano nya nabasa ang nasa utak ko.

"Im not a mind reader idiot your face shows it all"  sagot nito agad na parang pinipigilan ang pag ngiti.

Grabe ganon ba ako ka transparent sa kanya?

Naisipan kong magpakilala ulit ng maayos sa kanya para humaba pa ang usapan namin.

"Ako nga pala ulit si alexandra Montes. Rie ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko." at inabot ko ulit ang kamay ko sa kanya. Tinignan nya ako ng seryoso at saka inabot ang aking kamay.

"I'm Kelsey Henderson." pakilala naman nito.

Wala pa sana akong balak bitawan ang kanyang malalambot na palad ng hilahin niya ito sa akin.

Sobrang lambot ng mga kamay nya at mainit. Para hinaplos nito ang buo kong pagkatao. Dama ko ang libo libong boltahe na gumapang sa aking mga ugat.

Nahismasmasan lang ako ng nagsabi siyang kailangan na niyang umalis. Nakaramdam ako ng konting lungkot dahil doon pero hindi ko naman siya pwedeng pigilan. Kailangan kong unti untiin ang paglapit at pakikipagkilala  sa kanya.

Tumayo na rin ako kasabay niya. Kaya nagtataka siyang napatingin sa akin.

"What ? Dont tell me you're coming with me?"

"Yes!" Sagot ko. Kahit ako man ay nabigla sa sinabi ko.

" So you're really my stalker huh" pinaningkitan ako nito.

" what i mean is tara hatid na kita" pinauna ko na siyang maglakad.

Hindi naman na siya kumibo pa at patuloy lang sa paglakad. Hangang umabot kami sa parking kung saan naroon ang kanyang Audi Q7 na suv na hindi mo aakalain na siya ang may dala. Binuksan na nya ang pinto nito, sasakay na sana siya ng bigla siyang magsalita ng hindi man lang ngumingiti.

"Thanks" sabi nito. At kaagad din sinara ang pintuan ng kanyang sasakyan at umalis na.

Tinanaw ko lamang ito hangang sa mawala sa aking mga mata.

Umuwe akong may ngiti sa mga labi. Sana ay ito na ang simula. Sabi ko sa aking sarili.

Pagdating ko sa bahay matapos magpahinga ay naligo na ako at nagbihis. Balak kong mamili ng mga gamit sa apartment at mag grocery na rin. Wala na kasi akong stocks dito. Bukas ay holiday kaya wala din akong pasok sa opisina. Plano kong kunin na ang sasakyan na tinignan namin ni Jeff last time. Nakapag down na rin naman ako sa bahay na aking nagustuhan.

After ko mamili ay naisipan kong dito na rin maglunch dahil masyado na din late kung magluluto pa ako paguwe ng apartment.

Habang nakapila ako sa isang fastfood restaurant ay may mga napapatingin sa akin. Kung hindi ko pa nasasabi ay masyado kasi akong matangkad para sa isang average na pilipina. Ang taas ko ay 5"9, maputi ang aking balat at makinis.
Madaming nagsasabing maganda daw ako pero sa tingin ko ay hindi naman yun totoo. Mayron akong singkit at kulay amber na mga mata. Madami din ang nagsasabing masyado daw mysterious ang aking mga mata siguro ay dahil parang brown ito na nagiging parang dilaw tapos makapal pa un kilay ko. May matangos na ilong at katamtamang lapad ng labi, sakto lang kumbaga. Kung may maipagyayabang ako ito ay ang aking katawan. Dahil nga alaga ko ito sa gym at exercise mayron akong sexy na katawan at perfectly toned abs. Ang aking buhok ay kulay ash brown na lagpas sa balikat at lagi kong pinupusod ng mataas.

Simple lang din akong manamit lalo na kung wala ako sa trabaho. Hindi din ako pala makeup or palaayos kung nasa bahay lang or walang importanteng pupuntahan.

Umorder na ako ng manok at kumaen na. Hindi naman kasi ako maselan sa pagkain. Tulad nga ng sabi ko ay laking probinsya ako kaya hindi ko naranasan magselan o maging maarte sa kahit anong bagay. Kahit naman natuto ako sa ibang bagay ay hindi pa din nman nagbabago ang ugali ko. Ako pa din naman si Rie.

Pagkatapos kong kumaen ay umuwe na ako at nagayos ng mga pinamili.

Madami na akong oras sa sarili ko ngayon dahil hindi na ako muling umaalis simula nag lie low si karla sa pakikipagkita sa akin. Nakahanap na din kasi siya ng bagong condo nya na kanyang pinapaayos sa kasalukuyan bago siya lumipat doon.

Naguusap pa din naman kami ni karla ngunit hindi na ganon kadalas. Minsan nga ay nagugulat na lang ako kapag tumatawag siya at nangangamusta. Hindi na siya naging rude sa akin. Bigla na lang siyang bumait after ko syang  samahan sa kanyang bday party. Kaya naman nagfocus na lang ako sa trabaho ko. 

Mabilis lumipas ang oras at nakahiga na lang ako ngayon sa aking kama. Nag fb muna ako bago matulog. Naisip kong hanapin kung mayron bang social media account si kelsey. Alam ko naman na ang buo niyang pangalan dahil binigay nito kanina. Itinype ko ito sa search bar, lumabas naman kaagad yun pangalan nito. Halos wala siyang kapangalan. Hinanap ko na lang yung picture nya at tinignan ito.

Binuksan ko yung babaeng naka dress ng black at parang nasa red carpet event.

Kelsey A. Henderson
Works at Ateneo Law School
Corporate Lawyer, Instructor

Bio
"I know one of these days you will gonna look for me" 😉

Walang add friend button. So instructor pala yun masungit na yun. Siguro eto na nga yun account nya. Sabi ko sa sarili ko.

Tinignan ko pa if may mga post siya pero puro tags lang at shared posts. Pati album at pictures ay naka private at wala naman laman yung iba. Inantok na ako dahil sa pagtingin ko sa profile niya, magoout na sana ako ng bigla kong mapindot yung like button ng profile pic nya. Sa gulat ko ay pinindot ko ulit ito para maalis. Nagexit na ako at iooff na sana ang internet ko ng biglang tumunog yung notification ko. Inopen ko na lang ito ulit dahil baka may importanteng nagchat or text sa akin. Yung antok kong mga mata  kanina ay biglang nanlaki ng mabasa ko yun pangalan ni Kelsey.

Kelsey Henderson sent you a message.

Kinakabahan ako na naeexcite ngayon. Hindi ko alam kung ioopen ko ba ito. Napa bangon ako bigla at parang maiihi. Nagtatalo ang isip ko na wag itong buksan at matulog na lang pero nanaig yun kilig ko kaya inopen ko na ito.

STALKER
sent 9:15 pm

Hala hahaha para akong bata na kinikilig. Puta. Hindi ko alam kung hihiga na ba ako, kung mag rereply ba ako or iseen ko lang ito. Pero dahil malandi ako nagcompose ako ng msg.

                          Hindi ah nkta ko lng                            profile mo kakalat kalat sa suggests friends. 🙄
sent 9:17pm

Naghhintay ako kung magrereply pa siya pero mukhang hindi na nya na seen yung reply ko.

Hay talaga naman paasa eh. Nawala lang yun antok ko tuloy. Kainis!!!



































To Love Againحيث تعيش القصص. اكتشف الآن