Napag pasyahan namen kumaen na din sa labas. At kung san san na napunta ang kwentuhan at sabi nya ay may pakikilala daw siya sakin. Wala naman don ang aking atensyon kaya nagtanong siya kung meron na daw ba akong iba natitipuhan.

Kinuwento ko sa kanya yun babaeng nakita ko sa bar at ang muli naming paghaharap.

"haha epic fail ka sis! Wala na naturn off na sayo yun jusko day ka naman" tawang tawang sabi nya.

Hindi naman nya ako masisisi dahil talaga naman nawawala ako sa katinuan kapag nakikita ko sya.

"Ang mahalaga alam ko na ang pangalan nya." sabi ko na proud na proud pa.

Natapos ang weekend. Monday na naman at maaga akong pumasok ngayon. May kliyente kase kameng aasikasuhin ngayon at sabi ni sir jeff ay isa daw itong vip.

Ang negosyo nila ay  subcontractor ng isang shipping company sa ibang bansa. Sabi sakin ni sir jeff ay isa daw itong spanyol. Kaya naman pinaghandaan ko na ang pakikipagkita ko dito.

Hinanda ko na ang gamit kong checklist para sa audit na gagawin ko mamaya sa cargo nila. Pagdating ko ng port ay di inaasahan isang magandang babae ang andon. Hinahanap ko yung sinasabi ni sir jeff at sabi nya ay siya nga daw iyon.

Napatikhim ako at nagpakilala.

"goodmorning ms. Karla hermosa im alexandra montes and ill be the one conducting the checking of your cargo. Can i have your paper please?"
Walang kurap kong sabi sa kanya.

"Goodmorning Ms. Montes" and she just smirk on me.

What is that?

Bigla naman siyang lumakad at napasunod na lang ako sa kanya sa aking opisina.

"i already sent the papers and mr. jeffrey told me that everythings is okay. He also sent me a confirmation receipt."

I cleared my throat again.

" Okay Ms. I will check for it. "

"Okay no problemo. And por favor Ms. Montes stop looking at me like that."

Teka ano bang sinasabi nito. Pagtataka ko.

Nang bigla naman bumukas ang pinto at pumasok si sir jeff.

"oh karla you're here? Sabay lapit sa babae at binigyan ito ng yakap.

Mukhang close sila sa palagay ko.

" Rie she's karla my second cousin." pakilala ni sir jeff sa kanya.

Nagulat na lamang ako sa nalaman. Ang akala ko ay isa lang siyang client. Hindi naman nya nabangit na pinsan niya pala ito.

"Cous siya yun kinkwento ko sayo friend ko yan si rierie". At nakita kong kinindatan pa nya ito.

"Oh is that her?"

Bakit feeling ko may kakaibang meaning yun paguusap nilang dalawa? Gago tong si jeff ah. Sabi ko sa isip ko.

" Hoy tol mabait yan pinsan ko wag ka magisip ng kung ano ano hahaha.
Single yan ano? "

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"at rie wag mo na hanapin yun files okay na yan approve na. Aalis na ko ha ikaw muna bahala sa pinsan ko. Naghahanap kase yan ng bagong condo eh alam ko ikaw ang makakatulong sa kanya kaya yun ang ggawin mo ngayon . You're excuse. "

"Ano?!!!" Yun lang ang nasabi ko dahil nilayasan na ako ng gago.

" Hoy jeffrey!" Balak ko pa sana siyang habulin ngunit natigilan ako ng tumayo na si karla.

To Love AgainWhere stories live. Discover now