"Mamayang gabi na nga pala yun. Hay walwalan na naman tyak yan sir." Sagot ko rito.

"Haha ano pa nga ba. Hindi lang walwal pati chics babaha don. Alam mo naman kung gaano ka playboy si jayson, san ka sasakay pla rie? Bumili ka na kasi ng service mo. Sabi ko naman sayo kayang kaya mo hulugan yan akong bahala sayo"

"Nako sir makikisabay na lang ako malayo nga pala dito yun rave haven bar. Saka magiipon pa ko para sa service." Sagot ko dito habang nagaayos ng files.

"Edi susunduin na lang kita para sabay na tayo don. Wala naman akong ibang kasama eh."

"Sige boss jeff" nakangiting sabi ko bago tignan kung may bagong email ba sa computer.

"so pano sunduin kita ng 8pm sa inyo ha."

"Okay boss." Sigaw ko habang palabas na sya ng opisina.

Friday ngayon kaya 3pm pa ang out ko. Its quarter to 3 kaya naman nagaayos na ko ng reports for the whole week of dispatch.

Habang nagaantay ng grab ay nagchecheck lang ako ng msgs sa gc ng mga staff sa ibang department. Gc to ng mga mahilig gumala mag bar atbp. Haha para daw mabilis magplano at magyayaan kung sakali. Karamihan kc dito ay mga mararangya sa buhay kaya naman puro bar lang ang inaatupag. Sa huli ay magkita kita nalang daw kami doon.

Dumating na din naman yun binook kong grab pauwi sa apartment ko sa manila.

Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako. Madalang naman ako magluto dito kadalasan ay puro takeout at order lang ako ng food panda or grab food. Magisa lang naman ako sa apartment na ito kaya malaya kong nagagawa ang gusto ko.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at ng magising ako ay 7pm na. Grabe ang haba ng tulog ko. Hindi ko na namalayan yun oras. Dali dali akong bumangon at naghanda ng pagkaen inorder ko kanina bago ako makatulog.

Nagmamadali akong lumabas ng banyo at nagbihis. Dahil birthday party at tyak na walwalan to the max ang mangyayari ay pumili na lang ako ng isang pants na color black at white na sleeveless sando na pinatungan ko ng long sleeve. At isang pair of boots. Sa tingin ko ay okay na ako dito. Hindi na ako nag make up dahil simple lang naman talaga ako at mas maganda ako kapag ganito lang.

Sakto naman may kumatok at timing na anjan na si sir jeff.

"wow ganda talaga ng friend ko. Kaya sa halip na maka hanap ako ng chics ay napupunta sa iyo eh." biro nya sa akin

"Haha hindi ko nga pinapansin yun mga sinasabi mo sir eh." kamot batok kong sagot sa kanya.

"Lets go?"

At umalis na kame lulan ng kanyang kulay blue na toyota 86.

Mag 9pm na ng kami ay dumating sa rave bar at sa labas pa lamang bago ang entrace ay rinig mo na na start na ang party sa loob.

Dahil friday night ngayon ay sobrang dami na din tao dahil karamihan ay walang mga pasok kinabukasan.

Sa dami ng tao ay talaga naman mahihirapan kang hanapin ang mga kasama mo idagdag mo pa nag sobrang ingay na tugtog.

Sa left side sa may kahabaan upuan andon sila boss jayson, ang birthday boy. Hindi sya nagpadala ng regalo dito alak lang daw at babae ang tatangapin nya. Palibhasa ay magandang lalaki kaya naman sobrang chic boy nya.

"Happy birthday boss jay mapagmahal" bulong ko dito dahil sa ingay.

inakbayan lang ako nito at nagpasalamat.

"sige order na kayo diyan akong bahala sa inyo mga tol"

Mabilis lumipas ang oras, ang karamihan sa mga kasamahan ko ay nasa dance floor na at nagkanya kanyang sayawan na. Samantalang ako ay nakaupo lamang sa couch at don magisang umiinum. Malayong malayo ito sa dati kong tahimik na buhay.

Habang malalim ang iniisip ay bigla akong napatanaw sa grupo ng mga babaing nagtatawanan ng malakas sa kabilang couch. Mukhang nagkakasiyahan sila sa isang dare.

Babalik na sana ako sa pag-inum ng  matanaw ko ang  isang babae na galing sa kabilang grupo, mukha siyang lasing na at hindi na makalakad ng diretso.

Binaba ko ang baso kong may lamang alak at sinundan ko yung babaeng lasing na lasing, ewan ko kadalasan naman wala akong pakielam sa mga nakikita ko dito or sa ibang bar pero may kung anong magnet ang humila sa akin upang sundan ko sya.

Nakalabas na kami ng bar ay hindi pa din sya tumitigil sa paglalakad kahit madami syang nakabanga kanina sa loob ay parang wala siyang pakielam.

Nakita ko sya sa parking na parang may hinahanap sa kanyang bag hanggang nagkalaglag na ang mga laman nito sa kalsada. Saka lang ako naglakad upang tignan sana ito.

Hindi pa man ako nakakalapit ay tumigil ito at tila galit na nakatingin sa akin.

Bigla akong napahinto sa paglapit hindi dahil sa galit nya kundi dahil parang nalunod ako at natuod sa kinatatayuan ko. Para akong nakakita na dyosa. Sobrang ganda nya pala. Bigla akong nahiya ng magsalita siya.

"why the heck are you following me?" mataray nyang sabi.

Hindi ako nakasagot dahil para akong dinuduyan ng kanyang mga salita. Parang mas lalo pa syang gumanda ng magsalita sya? Shocks lasing na ata ako. Nakatulala lang ako ng marinig kong umandar na ang kanyang sasakyan at naiwan akong magisa dito sa parking.

Mukha akong tanga bumalik sa bar at nakatulalang iniisip ang kanyang mukha. Para syang modelo na nakikita ko lamang sa TV.

Nabalik lamang ako sa ulirat ng suntukin ako ni jeff sa kanang braso ko.

"hoy tol ano nangyari sayo kanina pa kita kinakausap ah nakatulala ka lang dyan lasing ka na ba?"

"Gagi hindi may nakita lang akong multo." Sagot ko sa kanya

"Haha gagi tol lasing ka na nga" tawang tawa na sagot nya.

"Uwi na tayo paalam lang ako kay jayson" sabi nya at tumayo na.




To Love AgainWhere stories live. Discover now