Laking tuwa ko naman ng biglang paglabas nang aking alagang aso si snow.

"Baby snow bakit andito ka?"

Bigla ko syang kinarga dahil sa tuwa.

Si snow ay alaga kong aso, binigay siya sa akin ni cath dati. Mukang miss na miss na din ako ng aso kong ito. Isa syang puting pomeranian na lalaki.
Sobrang saya ko sa pagkakita ko sa kanya.

"I wish i was a dog" dinig kong sabi ng dyosa sa gilid ko habang nakangiting pinapanuod kameng maglaro ng aso ko.

Its 10 in the morning na. Naupo lang ako sa isang upuan habang nagmamasid sa kabuuan ng bahay na ito. Kung ididescribe ko ito, isa syang modern minimalist house. Hindi sya ganong kalaki. Pero hindi naman din maliit. Sakto lang para sa isang pamilya.

Maganda siya at malinis, maaliwalas din tignan. Ang kulay nya ay white na may touch of brown and black. Color black ang malaking couch na parang nagiging higaan sa laki.

Sa harap nito ay ang entertainment set na may malaking tv. Kung titignan ko ito ay para siyang bahay bakasyunan. Wala maxadong gamit eh. May second floor siya. 3 ang rooms dito 2 sa baba at 1 sa taas.

Aking napag alaman na louisse ang pangalan ng babaeng sumalubong sa amin kanina siya pala ang caretaker dito at taga asikaso ng bahay.
23 years old pa lamang daw siya at tinawag nya akong mam.

At sabi nya ay ako daw ang kumuha sa kanya.

Oo tama kayo, bahay ko pala ito.

At labis labis ang gulat ko sa aking nalaman. Sa paraan ng pagkkwento nya sa akin at pagasikaso ay parang close na close kame. Madami pa sana siyang sasabihin sa akin ngunit natigil ito ng tawagin siya ni kelsey.

"excuse me mam rie kailangan ko na pala maghanda ng lunch, na excite ako maxado hehe ang saya kong nakalabas na kayo ng ospital. '' sabi niya at umalis na.

Lumapit naman ang dyosa sakin at ngumiti

" lets go to your room, you need to rest".

At inabot ang aking mga kamay. Kahit ayaw ko ay natagpuan ko na naman ang aking sariling akay akay nya paakyat ng hagdan.

"Nsan sila nanay?" Tanong ko sa kanya.

"they're in the guest room, sleeping." she said not looking at me.

Pagka akyat namin sa taas ay may makikita kang malaking portrait. Painting ito. At nakikita ko ang aking sarili dito kasama ang babaeng dyosa na abot tenga ang ngiti.

"Here's your room babe" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

Bakit ba kaakit akit sa aking pandinig ang kanyang boses.

Pinihit nya ang doorknob at pumasok na sa kwarto. Malaki ang kabuuan nito. Eto daw ang masters bedroom. At halata naman sa akin ito dahil madami nga akong pictures na nakita dito.

Meron malaking kama dito pagpasok mo. Sa gilid ay may maliit na drawer kung saan nakapatong ang isang magandang lampshade. Sa kanan ay may pinto papuntang cr. Sa gilid nman ay ang malaking walkin closet.
Meron din itong maliit na terrace sa labas.

Nakakagulat ang aking mga nakikita. Dahil kung iisipin ko ay paano ba ko nagkaroon ng bahay na ganito? At isa pa wala naman akong trabaho.

Kumikirot na umupo na lang ako sa couch malapit sa kama dahil sa pagiisip.

"what's wrong" may masakit ba sayo" tanong nya.

Madami akong gusto malaman. Bakit ako nandito at sino ka ba? Paano nangyari ito? Nananaginip ba ako? Sobrang dami ng tanong sa isip ko na gusto kong sabhin sa kanya.

Magsisimula pa lamang bumukas ang kanyang bibig ng may kumatok sa pintuan at sinabing nakahanda na ang tanghalian. Gigil akong napamura sa isip ko.

"Let's eat first." she smiled at me and once again held my hands.

Nasa hapag na kame at naguumpisa ng kumaen. Madaming niluto sa louisse na nakakatakam.

Siguro dahil sa matagal na pagtulog ay namiss kong kumaen kaya na excite ako sa nakahain.

Kukuha pa lamang ako ng pagkain ng naunahan na ako ni kelsey at naipaghanda na nya ako. Inasikaso nya ang aking pagkain na parang alam na alam nya ang mga paborito kong kainin.

"I will call my driver para ihatid kayo nay, kuya." Bangit ni kesley.

Napatingin ako. San ihahatid? Hindi ba sila dito nakatira?

" Sige maya maya para hindi kame gabihin sa daan" ang sagot ni nanay sa kanya.

" Uuwe kayo ng bulacan nanay?" Tanong ko naman.

"Oo kelangan na namen umuwe rie ang tagal na din namen nagstay sa ospital ."

"Wala na kameng pera" Sabi pa ni kuya Alejandro .

"Hindi nyo ako isasama?" Tanong ko dito.

"Dito ka nakatira ah" . nakangiti pa sya.

"San ka uuwe? Saka sasamahan ka naman dito ni kelsey at louisse sila magaasikaso sayo. Mas okay dito para malapit ka sa doktor mo".

At wala na nga akong naisagot kahit labag sa loob ko na maiwan dito sa unfamiliar na bahay na ito.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon