Chapter 5: The bangungot style

Magsimula sa umpisa
                                    

“tss, halika na”

 

Pagkarating namin sa harap ng shop bigla nalang huminto si Mariez

 

“oh, bakit?”

 

“Tiffany and co., ayoko dyan”

 

“Ha, bakit?” bat kaya ayaw nya dito

 

“Mahal eh”

Napatawa naman ako “hahaha, ano ka ba, bakit ano bang gusto mo yung pipitsugi lang?, syempre ayoko namang bigyan ng mumurahin lang ang future wife ko noh, halika ka na para namang di afford eh” hinila ko sya papasok

 

“Blake, kasi wag na”

 

“Wag na mapilit, dito tayo bibili’’ hinawakan ko ang kamay nya tska, pagkapasok na pagkapasok namin sa shop agad kaming sinalubong ng sales lady.

“good morning sir, we have our new arrival po for couples ring, dito po tayo sir” hmmnnn, tong babaeng to mukhang nagpapapansin ah, hay gwapo ko talaga (ang presko)

Sinundan namin yung sales lady, nakita ko namang tahimik lang si Mariez na tumitingin sa mga nakadisplay.

 


“ahm, Miss, can I have a look with your new arrival for the engagement ring?”

 

“yes sir, this way please” habang naglalakad kami napansin kong pasulyap sulyap yung sales lady

 

“thank you”

 

Nakatingin pa rin si Mariez sa mga nakadisplay na couples ring sa right side ng shop

“Sir we have this Rose of Sharon, new model po, mukhang babagay po sa fiancée niyo, we also have split shank sir hand fabricated po sya ”

 

“wait lang miss ha, mukhang may iba kasing tinitingnan ang fiancée ko dun eh ahahaha”


Nilapitan ko si Mariez na nakatingin pa rin sa mga singsing

 

“anong tinitingnan mo?”

 

“Blake ito na lang kaya?” ituro nya ang isang singsing na may nakasulat na endless love (see picture on the side)

 

“endless love?”

 

“yeah ang cute nga eh, since engagement ring yung bibilhin mo ito na lang maganda naman diba atska simple lang masyado, atska yung message nung nakasulat sa ring pakiramdam ko sobrang sincere’’

Marrying Mr. Cold-heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon