143: Lie.

280 4 7
                                    


Gamit and binoculars ko, inaninag ko ang gandang taglay ng Taal Volcano, dahil ito lang yata ang nagiisang totoo sa relasyon naming dalawa. Ang mga alaala lang ata dito ang nararamdaman kong totoo.


Hindi ako naniniwalang honesty ang pundasyon ng isang relasyon. Dahil ang relasyon ay puno ng kasinungalingan, simula ng sabihin niyang susungkitin niya ang mga bituin para sayo, hanggang sa sabihin niyang it's not you, it's me, kasinungalingan ang lahat.


Kaya itinatak ko na sa utak ko na hindi ko kailanman matatamo ang isang daang porsyentong katotohanan sa isang relasyon. Walang totoo. Sa ganitong paraan, wala kang aasahan, dahil alam mong hindi totoo ang lahat ng sasabihin niya. Hindi ako maniniwala, dahil walang kapanipaniwala.



"Hon, hindi kita maihahatid sa inyo ngayon. May reporting kami bukas, kailangan lang ayusin."


"Aa, ganun ba? Sige, ingat ka."


"Ikaw din, love you." dinampi niya ang labi niya sa noo ko at umalis na.


Kung katulad ako ng ibang babae, siguro nagpaka stalker na ako at sinundan na siya hanggang sa malaman ko kung saan nga ba talaga siya pupunta at sino-sino ang kasama niya. At kapag nalaman ko na, isesearch ko sa lahat ng social networking sites na naimbento ang mga impormasyon tungkol sa mga taong iyon. Lalo na kung babae pa ito.



"Hon, bakit ba ayaw mo ng normal?" tingala niya sakin, dahil nakahiga siya sa mga hita ko.


Sumuko na ata siya sa pagkairita sakin dahil hindi ko na naman sinabi kung saan ba talaga ako pumunta kagabi. Pinuntahan niya daw ako doon, pero wala ako at kalaunan nalaman niya kung saan ba talaga ako nagpunta.


Napatingin ako sakanya, "Normal naman tayo a?"


"Oo nga, pero kasi hindi ko narin alam kung kelan ako dapat maparanoid, mahirap bumakod kapag ganito."


"Hon, kapag masyado tayong honest sa isa't isa, walang thrill. Kapag sinabi ko na kagad sayo, hindi kana mapapaisip. Mabobore ka sa kung anong meron tayo, and eventually, mawawala yung spark. At kapag iyon na ang nawala, tapos na. Game over."


"Ayun na nga e, hindi ko na alam kung kelan ako dapat maniwala at kung kelan hindi."


"Hindi mo kailangang maniwala, yun ang catch dun Hon."


Napabuntong hininga siya dahil paulit-ulit nalang naming 'tong pinaguusapan pero hindi niya makuha ang gusto niya. Ang hundred percent honesty rule na walang humpay na sumisira sa libo-libong relasyon.


"Ganyan ba talaga ang gusto mo?"


"Oo."


"Sige, subukan natin."


Siguro, hindi kami aabot ng ganitong katagal kung hindi ko 'to inilatag sa aming dalawa. Na okay lang ang magtago at magsinungaling, dahil kasama iyon sa relasyon. Nandoon ang thrill at doon, nabubuo ang pagtitiwala.

143: Lie.Where stories live. Discover now