꧁C h a p t e r 10꧂

218 2 0
                                    

*Flashback

Summer pov.

Nagdaan ang ilang linggo hindi parin nagigising ang mister mukha wala ng pag-asang magkamalay pa siya naghilom narin ang kanyang mga sugat at tinanggal narin namin ang nakatakip sakanyang mata

"Dyosa dito ka muna at bantayan siya kung sakali mang mag kamalay siya tawagin mo ako"saad ng aking lola

"Opo!!"sigaw ko yamot na yamot akong nakatingin sa mesa wala akong mapaglibangan bawal din akong lumabas dahil baka bigla nalang magising ang mister.

Lumapit ako sakanya at tinitigan ang kanyang mukha sayang kung mamatay siya dahil may istura ito saan kaya siya nagmula?. Kumuha ako ng palanggana at bimpo at pinunasan ang kanyang mukha lagi kong ginagawa sakanya ito hindi ko alam ang gaan ng loob ko sakanya

"Ang tagal mo naman magising"saad ko habang pinupunasan siya naalala ko tuloy yung kwinento saakin ni jenna na mala sleeping beauty daw ang peg si kuya matagal daw natulog si aurora tapos hinalikan lang daw siya ng prinsipe at biglang nagising gawin ko kaya baka sakaling magising

Napatingin ako sa mapupulang labi kung hahalikan ko siya, siya magiging first kiss ko yun ang sabi ni jenna saakin habang nakatingin ako sakanya hindi ko namalayan na hinalikan ko siya nanlaki ang mata ko at biglang tumayo at napahawak sa labi ko patay.

Nagulat ako ng bigla siya nagmulat hala totoo nga agad akong lumapit sakanya

"Ayos na po ba pakiramdam ninyo mister?"biglang tanong ko napa kunot naman noo niya

"Sandali lang mister at ikukuha kita ng tubig"saad ko at agad lumapit sa mesa at bumalik agad nakita kong may kinakapa kapa siya hala tuluyan na ba siyang nabulag?

"Where I am?"tanong niya hindi ko naman siya maintindihan anong pinagsasabi nito? Hindi kaya alien siya na nagbalat tao tapos kukunin niya ako tapos papatayin

(((;ꏿ_ꏿ;)))

WAHHHHHHHH

"HUWAG KANG LALAPIT ALIEN KA!!!"sigaw ko at agad lumayo sakanya tumingin siya sa ibang dereksyon at tumingin ako kung saan siya naka tingin sa labas

"Where I am? Bakit wala akong makita?"tanong niya nakakapagtagalog naman pala siya pinapahirapan pa ako

"Ah eh mister naaksidente ho kayo at nakita kita sa gubat na duguan kaya dinala kita rito saaming bahay kaya ka walang makita dahil bulag po kayo"inosenteng saad ko agad naman siya napasabunot sa buhok niya hala baliw ba to?

"Mister wag ninyo saktan sarili ninyo"pag pigil ko sakanya at hinawakan ko ang braso niya  napatingin naman siya saakin hala galing talaga siya sa ibang planeta yung mata kasi niya kulay berde pero nababagay naman iyon sa mukha niya ang gwapo naman niyang alien

"Who are you?"biglang saad niya ayan na naman siya

"Mister Hindi Kita maintindihan pwede wag ka muna magsalita ng pang alien sumasakit ulo ko sainyo eh"saad ko

"Tss stupid"aba't Ang kulit talaga neto pasalamat siya niligtas ko siya eh

"Pwede ba magtagalog ka dahil hindi kita maintindihan!!"naiinis na saad ko lalo sumasakit ulo ko sakanya eh

"Nasan ako at sino ka?"halatang nahihirapan siyang magtagalog napahagikgik ako sa isinaad niya

"Ang kulit talaga sabi ko nandito ka sa bahay namin at ako si Cassiopeia Summer Agustin summer nalang tawag mo saakin o kaya dyosa"naka ngiting saad ko

The Father of My Son(ON-GOING)Where stories live. Discover now