"Sinusundan mo ba ako?"

"Excuse me? Si Carter ang sinusundan ko hindi ikaw." Sagot naman nito na ikinalaglag ng panga ko. Ibang klase talaga 'to. Parang ganon na din yun eh!

"Hoy! Nagbabalak ka bang sabihin sa kanya ang tungkol satin!?" Inis kong wika.

"Pwede den.. Pero ibang dahilan kung bakit ko siya sinusndan." Nakangiti nitong wika. Bigla naman ako na-curious sa sinabi niya.

At anong dahilan naman yun? "You're curious, aren't you?" Wika nito habang lumalapit sakin.

"H-Hindi 'no! Hoy James! Pwede ba huwag mong pakialaman ang boyfriend ko." Sabi ko habang humahakbang paatras.

"Ho~ bakit?" Nakangiti pa din nitong wika habang palapit pa din sa akin.

"Dahil nanahimik yung tao." Sagot ko habang umaatras pa din, naramdaman ko naman ang gate sa likod ko. Idinantay naman ni James ang kanang kamay nito sa gilid ng ulo ko.

"Do you have any idea, kung ano ang mga kalokohan ang ginawa niya nung highschool?" Wika nito habang hindi pa din nawawala ang nakakaasar na ngiti sa kanyang mga labi.

"Past is past, nagbago na siya.."

Lumapit naman ang mukha ni James. "Oh, really? Maipapamagmalaki mo pa kaya siya? Magkakaroon ka pa ba ng lakas na ipakilala siya sa magulang mo?"

Napalunok naman ako sa sobrang lapit ng mukha niya. "O-Oo! Kayang kaya ko siyang ipakilala at ipaglaban sa mga magulang ko."

"Eh, bakit sa una pa lang hindi mo na nagawang ipakilala siya?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. "D-Dahil.. H-Hindi pa siya h-handa."

Nakita ko naman ang pag ngisi nito. "Bakit naman?"

"Dahil nahihiya siya! Normal lang iyon.."

"Gaaano na ba kayo katagal?" Tanong nito na ikinatigil ko. Kuha ko na punto niya. Isang taon na kami pero hanggang ngayon iniiwasan pa din ni Carter na ipakilala ko siya sa mga magulang ko.

"Ash?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tumawag at nilingon ito. Nakita ko itong niligon si James kaya naman ay tinulak ko ito.

"Carter.. I-It's not what you think." Kinakabahan kong wika sa kanya. Naglakad naman ito palayo kaya naman ay hinabol ko siya.

"Carter! Please wait!" Sigaw ko at pinigilan siya sa paglalakad ng mahawakan ko ang kamay niya.

"Carter, mali ka ng iniisip! Naguusap lang kami!" Paliwanag ko kahit alam kong mahirap paniwalaan na naguusap kami ng ganun kalapit.

"Sinong ginawa mong tanga?!" Sigaw nito na ikinagulat ko.

"Who is he!?"

Hindi naman ako nakasagot. "Kaano-ano mo iyon!?" Napapitlag naman ako sa pagsigaw nito.

"Fvck, Ash! Hindi ko aakalain na ito ang maabutan ko! Alam mo bang andito ako para bumawi sayo!? Alam mo bang handa na akong ipakilala mo ako sa mga magulang mo!? Tapos heto!? Maabutan kong may 'KAUSAP?' na lalaki!?"

Napayuko naman ako. "Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa akin 'to." Dagdag pa nito.

Ang sakit sa dibdib.. Ngayon lang ako nasigawan ng ganito, ultimo magulang ko hindi ako nasigawan ng ganito.

Kung magalit siya parang ako na ang pinaka masamang girlfriend sa buong mundo. "Ano!? Kailan pa!?"

Tumulo naman ang luha ko bago ko iangat ang paningin ko sa kanya.

Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Where stories live. Discover now