1

34 8 0
                                    

Tingin dito, tingind doon. kurap dito,  kurap doon. Kahit anong gawin ni Finn hindi parin siya makapaniwala kong nasaan na siya at ang tamang salita ay paano siya napunta dito, ayon sa huling alala niya nag mamaneho siya pauwi sakanila at may narinig siyang putok ng baril at biglang dumilim ang kaniyang paligid.

Pero bakit nandito siya sa isang kwarto na hindi niya naman alam kong kanino, pagtingin sa kanan makikita ang aparador na gawa sa kahoy hindi niya alam kong anong kahoy ito basta gawa lang siya sa kahoy na parang sinauna pa yong desinyo. Pagtingin niya naman sa kaliwa ay merong upuan at may mesa na may parang lamparang nakapatong pero mas maganda itong tingnan kesa sa ordinaryong lampara lamang.

Maganda ang desinyo ng kwartong ito nasa isip niya, ang mga desinyong naka ukit sa pader mga sinauna din, sa kaniyang harapan sa unahan merong sofa bed na gawa sa kahoy pero napakalambot nitong tingnan, at merong table na gawa sa mamahaling kahoy na hindi na ngayon makikita sa modernong mundo.

At sa gitna ng silid merong chandelier na gawa sa ginto pero instead na ilaw ang makikita ay mga kandila ang mga nakasabit dito. Tiningnan niya ang paligid at may nahagip siyang napakalaking kurtina na kulay puti, tumayo si Finn at binungkal ang kurtina at bumungad sa kaniya ang nakaka ibang tanawin.

Makikita sa labas ang mga taong nakatayo sa gilid at meron ding mga babaeng naka kimono at mga taong may dalang mga espada na parang rumuronda ang mga ito, kinurot ni Finn ang kanyang kamay dahil akala niya nananaginip lang siya at ng maramdaman ang sakit don lang niya napagtanto na parang totoo yong mga nakikita niya.

Binuksan niya ang bintana at bumungad sa kaniya ang malamig at preskong hangin at dahil dito nakaramdam siya ng lamig at nang tingnan niya ang kaniyang katawan don lang niya napagtanto na nakasuot din pala siya ng manipis na kimono, at nong akmang itataas niya ang kimono na banda sa kaniyang kamay nakita niya ang kanyang kamay na maputi ito ma parang kasing puti na ng snow.

Dahil sa gulat nilibot niya ang kaniyang paningin at meron siyang nakitang salamin sa gilid, agad siyang tumakbo papunta sa salamin at ng makita ang sarili bigla siyang sumigaw ng napakalakas.

Bumungad sa kaniya ang isang lalaking maputi at pati buhok nito ay puti rin, at ang mga labi nito ay manipis na parang kulay pink na medyo red hindi niya alam kong paano eexplain pero bagay ito sa kanyang mukha pati ang mga mata nitong kulay green at ang perpektong ilong nito.

Para kay Finn ito na ang pinaka magandang lalaki na nakita niya sa tanang buhay, at siguro ang taas ng lalaki ay nasa 5 3, mataas pa dito si Finn sa dating katawan niya. Dahil sa sigaw niya kanina at dinig iyon nga buong masnsion, may mga kawal at personal na alalay ang tumatakbong papunta sa kaniyang silid at ng makaabot sila agad nilang binuksan ang pinto at nakita ang isang lalaking nakatayo sa salamin na tila inaalisa nito ang kanyang buong pagkatao.

At ng makita nila ang lalaki na nakatayo sa salamin agad nagsiyuko ang mga kawal para magbigay galang dito dahil isa itong anak ng Lord of the south.

Nakita ni Finn sa salamin na may mga taong nakatayo sa labas ng pinto at merong isang lalaking naka kimono ang pumasok pero ng tinawag siya ng lalaki sa pangalan na Master Fu Zhe agad siyang nawalan ng malay dahil don. Nataranta ang personal na alalay dahil sa nangyari at dali dali niyang binuhat si Fu Zhe para dalhin itong sa kaniyang kama at inutusan din niya ang mga kawal na tumawag ng manggagamot para dito.



***

A/N

Hi guys pls Vote, comment and support thank you! and God Bless!!!

Reincarnated at Ancient TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon