Mukhang may binulong din sakanya si Don Renaldo.

Inirapan ko nalang sya. Nag kwentuhan pa sila Ina at Donya Georgia. Nalaman kung mag kakaibigan pala silang tatlo. Naging mag kakaklase daw sila sa paaralan kung saan matutunan ang pagiging mabuting asawa.

Tsk. Kailangan paba yung matutunan?

Kung magaling ka sa kama edi mabuti kanang asawa. Just kidding.

Napangiwi ako nung ma-OP ako. Naging Español kasi ang salita nila kaya yun. Naging Alien ako.

Ang unfair ng part na nag tatawanan sila pero hindi ka makasabay. Hindi ko nga alam kung nakaka intindi si Aexniqn ng spanish. Nakikitawa sya kaya mukhang nakakaintindi sya.

Pwede ding nakikitawa lang sya? Ah basta! Hindi na ako mag tataka kung marunong syang mag spanish. Paano ba naman tatay nya Español? Tsk. Samantalang ako si Mommy lang ang may dugong spanish dahil si daddy ay Americano.

Hindi ko nga alam kung paano sila nag kakilala, eh.

Ang alam kulang ay si Tita Bianca at si Tito. Nag aral si Tita sa madrid kaya doon sila nag kakilala. Tzk. Mas alam ko pa ang love story ni Tita at Tito kisa sa mga magulang ko. Tsk.

Napahawak ako sa tyan ko nung kumulo ito. "Ina nagugutom na ako." Parang batang saad ko kay Ina. Napatingin naman silang lahat sa akin. "Estela Asuncion nahiya kapa kaninang kumain ng agahan, sabi na hindi mo rin naman matitiis na kumain." Mapang asar na saad ni Esteban. Inirapan ko sya.

"Iho, samanahan mo naman ang aking anak na kumain, maaari ba?" Nakangiti na saad ni Ina kay antipatiko na ngayon ay nakatingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay bago umirap. "Ezequiel maganda ngang iyung samahang mag umagahan si Estela Asuncion, mas makikilala nyo ang isa't isa kapag palagi kayong mag kasama." Nakangiti ding gatong ni Donya Adelle.

Tsk? Mas mag kakakilala pala kapag sinamahan kumain? Hindi ko yun alam kaya now I know.

Nakangiwi akong tumayo. "Mukhang ayaw nya kaya ako nalang Ina ang kakain mag isa." Mataray na saad ko bago tumayo. Wala talaga akong mood kapag wala sa hulog ang gising ko. Lumabas ako sa shop ni Don Renaldo at Donya Georgia.

Nang makalabas ako ay napangiwi ako. Napaka init na ng labas. Mag e-eleven na kasi kaya wala nang vitamins ang araw na ito kaya sobrang init din. Tsk. Saan naman pala ako kakain? At paano ako kakain kung wala akong pera?

Tatalikod na sana ako para muling bumalik kay Ina pero biglang nanigas ang katawan ko nung may isang belo na nag takip sa akin mula sa likod. "Umaalingasaw ang alimuon Eeya, umulan panaman kanina baka mag kasakit ka." Nag aalalang saad nito. Binigyan nya pa ako ng panyo na galing sa bulsa nya at pinantakip sa bibig ko.

Nakangiwi kung inayos ang Belo na tinaklob nya sa akin. Umulan pala kanina ngayon ko lang na laman. Tsk. "Ano naman yung alimuon na yan?" Nakangiwing saad ko sakanya. Tiningnan nya ako ng puno ng nag tataka.

Para bang sinasabi nya sa tingin nya ay 'Seryoso? Hindi mo alam yun?'.

Gusto kung umirap pero hindi ko talaga alam ang alimuon eh. Baka ikaw alam mo?

"Eeya, ito yung init na naiipon sa lupa at kapag umulan aalingasaw ang amoy sa lupa at ang tawag doon ay alimuon." Natatawang saad nya na akala mo ay henyo. Inirapan ko sya. "Tsk. Matalino ka nyan?" Mataray na saad ko sakanya.

Napataas naman ang kilay nya bago humagakhak ng tawa. "Ikaw ay nag tatanong Eeya tapos ngayon pft." Para syang tangang natawa habang nag lalalad. Kagaya ng dati ay maraming napapatingin sa amin. Ikaw ba naman kasama ang isang Buenaventura kung hindi ka pag tinginan.

Napahinto ako sa pag lalakad nang maalala na kanina papala kami nag lalakad. "Aish? Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo nag lalakad eh?" Mataray na saad ko. Ngumiti naman ito. Napasinghap ako sa hangin nung bigla nyang hawakan ang kamay ko.

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now