Chapter SIXTEEN

368 7 0
                                    

Harmony's PO'V

" Eto yung magiging kwarto mo dito, and my room is up there, kung may kaylangan ka sabihan moko kase tayo lang dalawa andito sa condo ko. Do you understand?"

Tumango nalang ako, iniwan na niya ko sa kwarto ko, tsaka siya umakyat sa kwarto sa taas, hindi naman kalakihan tong unit niya pero maganda naman yung view, pang twenty eight floor -__-

Naupo ako sa kama ko, Hmm wala pala akong dalang damit pati cellphone wala din akong dala. kaumay naman na araw to. Hayst, pakiramdam ko hindi secretary trabaho ko sakanila, kundi kargador.

Nahiga ako tsaka tumingin sa itaas ng kwartong to, Gaano kaya kame katagal na kaming dalawa lang andito, malamang tadtad nako ng tawag galing kay Zoe, at kay Logan- Teka bakit koba siya iniisip. Umupo ulit ako tsaka tumayo para lumabas ng kwarto ko, kaylangan ko ng masusuot, gusto ko maligo ng maligamgam na tubig.

Kumatok ako sa kwarto ni Leon, agad naman niya kong pinagbuksan ng pinto, naka sando nalang siya na damit, na bumagay sa kaniya.

" Hmm kaylangan ko kase ng damit, wala akong dala na masusuot dito.

" Come in, go to my walk in closet. Mamili ka dun kung anong damit tingin mo na kakasya sayo, bukas nalang kita bibilihan ng masusuot mo dito. "

Himala na magsalita siya ng mahaba, Siguro ngayon lang yan, bukas wala na. Sinunod ko yung gusto sinabi niya pero paglabas ko naman ay wala na siya.

Baka lumabas din siya?

Hmm tutal wala naman siya, Dito nalang din ako magbibihis. Nilagay ko sa ibabaw ng kama niya yung damit na isusuot ko, hinubad ko yung pang-itaas ko, pero napatitig ako sa tattoo ko na pinabura ko noon, hindi naman totally na nabura siya, kita pa din siya kung tititigan ng nalapitan, Eto yung nilagay saken nung lalake na nag kidnap saken noon pero pinakawalan niya din ako makalipas ang pitong araw.

Hinawakan ko yung tattoo ko, at ramdam ko yung pagkakaukit niya, sinigurado talaga niyang babaon sa balat ko yung ginawa niya at magiging peklat.

" San mo nakuha yan?"

Agad akong napatingin sa pintuan, naka titig lang siya saken o sa mismong tattoo ko siya nakatitig.

" Leon!

" Sagutin moko. "

Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan sa tanong niya ba o sa kaniya mismo. Lumapit siya saken at hinawakan yung braso ko.

" Ikaw yun? Ikaw yung babaeng sinasabi niya saken. "

Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya pero isa lang paulit ulit na nagpapaulit-ulit sa utak ko. Kilala niya yung gumawa saken nito.

" Kilala mo yung may gawa nito saken. Sino? SINO SIYA? Leon!

" Layuan mo yung kapatid ko, Hindi kayo pwede magkatuluyan. "

" Hindi kita maintindihan? Bakit nadadawit si Logan?

" Dahil ipapahamak mo lang siya."

" Ano? Leon ipaliawanag mo please, parang awa mona ipaliawanag mo saken dahil sa buong buhay ko parang bangungot saken yung ginawa nung taong nagtanim saken ng peklat nato.

Binitawan na niya ko tsaka inabot saken yung polo na isusuot ko.

" Pag-aari kana ni Jasper."

" Jasper? Si Jasper, yung bun-

" Pag-aari ka ng mismong kapatid namin, kaya pala kampante siya sa mga sinasabi niya dahil naunahan na niya si Logan, "

My Little HARMONY (Series Book 1 - SIDRA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon