The structure in front of her looked more of a chapel than a church. At dahil weekday sa araw na ito ay sarado ang nasabing istraktura.

"Pupwede na ba tayong pumunta sa ibang lugar nang bayan? Tulad nang pagdiretso malapit sa pakurbang daan?" Tanong ni Solea upang pigilan ang magkapatid at si Nana Lucinda sa tangkang paglapit sa maliit na kubo kalapit nang chapel.

"Naririto na rin lamang tayo, Soledad, mabuti nang magsindi na tayo nang kandila at manalangin." Ang saad ni Nana Lucinda nang huminto ito at lingunin siya. "Ang pagsisindi nang kandila sa Poon ay naging panata mo tuwing Biyernes, hija. At tamang-tama na Biyernes ngayong araw. Halina at ipagdasal na rin natin ang pagkawala nang iyong ammisya." Yakag nito na hinihintay ang kanyang paglapit.

Wala nang maidahilan pa si Solea kaya sumunod na lamang siya sa mga kasama.

Ang caretaker nang simbahan ang humarap sa kanila na nang oras na iyon ay kakatapos lamang sa gawain nito sa bakuran nang simbahan. Iniwan na lamang niya ang mga kasama at nagpatiuna na sa paglapit sa chapel. Sa tabi nang pinto niyon ay naroon ang candle stand para sa mga nais magtirik nang kandila. Gawa sa kahoy na materyales ang buong chapel na mas matino nang kaunti sa kubo ang itsura. Ang mga tila grills na pinto na gawa rin sa kahoy ay nagbigay nang espasyo upang masilip ang krus na nakasabit sa dingding.

Sa kasalukuyang panahon ay malaki na ang ipinagbago nang nasabing simbahan. Mula sa maliit na  chapel na gawa sa kahoy ay isa na itong malaking istraktura na gawa sa semento.

Ang paglitaw nang puting kandila sa kanyang harapan ang nakakuha nang atensiyon ni Solea.

"Ang iyong kandila, Soledad." Wika ni Elena sa kanyang tabi. "Hindi ko sigurado kung maging ang panalangin bago magsindi nang kandila ay nakalimutan mo rin ngunit akin na rin na ipapaalam sa iyo." Ang sumunod na wika nito at sinabi sa kanya ang dapat niyang tahimik na dasalin bago magsindi nang kandila.

"Uhm, salamat." Aniya na kinuha mula kay Elena ang kandila. Saglit na pinakatitigan ni Solea ang hawak na kandila at pumikit. She internally cried her heart and soul.

She did not know how to pray the Hail Mary, Holy Mary and Glory be.

I am so sorry God, I really am. So please, I sincerely ask for forgiveness with my being your not so religious daughter who does not know how to pray the prayers that was taught from generations to generations. I pray that may I find a way back to my own time. I could not promise but I will try find my way back to You. Amen.

May bigat sa kanyang dibdib nang sindihan na niya ang kandila katabi nang kay Elena. Perhaps, the people of this era would gladly teach her how to pray those three familiar yet so unfamiliar prayers.

Nang matapos na ang pakay nila sa simbahan nang Aglipay ay nagpaalam na rin sila sa caretaker. Nagpatiuna na siyang muli dahil may kung anumang usapan pa sa pagitan ni Nana Lucinda at nang caretaker. Ang dalawa naman na kapatid ni Soledad ay nanatili sa tabi ni Nana Lucinda. Naglakad na siya palabas nang bakuran nang simbahan. Her sight was focused on the structure at the other side of the main road.

The lone Gabaldon building.

Back when she was an elementary pupil, the said building was rarely used. Una ay dahil luma na ang building at pangalawa ay dahil naging tahanan na ito nang mga paniki. Tanging ang stage na lamang nito ang nagagamit para sa daily flag ceremony at kung anu-ano pang programa nang kanilang eskwelahan. Sa kasalukuyang panahon ay pinagiba na ang Gabaldon building at napalitan nang covered structure at stage.

May mangilan-ngilan na siyang nakikitang mga bata na naglalakad patungo marahil sa Gabaldon building. The kids were not wearing the white and navy blue uniform worn by elementary students or perhaps because it was a Friday and everyone's welcome to wear civilian clothes.

SoledadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon