CHAPTER 65

1.2K 109 2
                                    

*CORONATION DAY


Lance P. O. V

Halos dalawang linggo kaming tutuk para sa event at laking pasalamat ko dahil nairaos ko ang ipe-perform ko, kahapon lang namin nakompleto lahat ng steps dahil nahirapan si Kuya Max magturo sa mga back up dancers ko "KUNO"...grabi napaka istrikto nya magturo buti nalang at diko naranasan dahil puro papuri ang natatanggap ko sakanya kahit ganito katigas ang katawan ko...

Pass 6:30 na at nagre-rehersal pari kami dito sa taas dahil gusto ni kuya max na kailangan almost Perfect daw dapat ang gagawin namin.

Nakailang linga pako sa may pinto dahil nagbabakasakaling dumating si Kei dala ang sinasabi niyang costume ko,  pero wala parin. Maka ilang beses nadin akong tinanong ni Kuya Max kung nasan sya pero nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko din alam kung san magsu-susuot yung babaitang yun, kanina pa syang lunch umalis at  kukunin daw nya ang Perfect outfit para sakin na ikinatayu ng balahibo ko, para kasing iba ang dating ng pananalita nya sa Perfect outfit na sinasabi nya. Iniisip ko palang parang iba ang punta ng costume na ipapasuot nya sakin...wala naman na kong magagawa dahil nandito nako, pinagdadasal ko nalang na hindi hubo't hubad ang isusuot ko mamaya....


"Lance, maguumpisa na yung event kailangan nadun kana bago mag start" Nagaalalang sabi ni kuya Max at patingin-tingin ito sa wrist watch nya, nakabihis nadin lahat ng back up ko at yung isusuot ko nalang ang wala pa...si kuya Max ang nag-ayus sakin lalo na sa buhok kong ngayo'y naka-brush up..

"Tawag mo kaya?!" halos mabaliw na din si kuya dahil naririnig na namin ang MC mula sa dome

"Hi-hindi ko po dala yung cellphone ko" paglinga ko ulit sa pinto at nagbabakasakaling nandun na yung bruhilda pero wala parin

 

7:20 pm.


Halos mabaliw na si kuya Max kaiikot-ikot dahil wala parin si Kei. Nag-start narin ang event na mas lalong ikinakaba ko, marami pa namang mauunang magpe-perform pero gusto ni kuya Max na ready ang lahat bago mag start ang program....

Kei san ka ba nagsu-susuot? pati utak ko nate-tense sa babaitang yun...yawa !!malalagasan pako ng grades pag hindi ako nakapag-peform

"Guys!! Mauna na kayo sa baba susunod na kami" nate-tense ding sabi ni kuya Max kaya nagsilabasan narin ang mga backup ko "KUNO"

Habang tahimik kami at paikot-ikot si kuya Max sa harapan ko biglang may kumalabog sa pinto at naagaw ni Kei ang atensyon namin na hingal na hingal sa pagtakbo na may bitbit na naka-hanger na damit, hindi ko pa majudge yung costume na ipapasuot nya sakin kasi natatakpan ito ng black na plastic cover.


"Bakla san ka pa ba pumunta?!" mabilisan na lumapit si kuya max kay Kei na nakahawak sa dibdib nito habang hinihingal dahil siguro sa pagtakbo.

"*Haaa kasi *haaa may *haaa wait lang hihinga lang ako" putol-putol na sabi nya kaya napatawa ako sa kagagahan nya.

"You should dressed lance, any minute baka magpe-perform kana!" agad na hinablot ni kuya max ang dala ni Kei at pinunit ang plastic na nakabalot dito.

Laking dilat ng talukap ng mata ko sa tumbad na damit  na isusuot ko...o baka tamang sabihin na black skinny shorts lang ang ipapasuot nila sakin

I'M ALWAYS FINE✓ (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon