OBDW 6

491 16 3
                                    

SHION's POV:

"So dark." Hindi na ako lumingon pa sa aking likuran.

Kahit na matagal siya sa China alam ko pa rin ang boses niya. Napakalalim. Baritono. At malamig.

Pero nababawasan na rin naman niya when it comes to me. Ang ganda ko kasi. Char!

At ang amoy rin ng pabango niya ang gusto ko. Pero ngayon parang mas sasabak pa ata ako sa pagkaadik sa amoy niya.

"How did you say so?" Tanong ko sa kaniya habang nilalagyan ng pinta ang ginawa kong obra. Konti lang matatapos na ako. Sakto sa pagdating niya.

Isang babae na walang mukha. Pero ang kaniyang ulo ay nasa bandang puso niya. Sumisigaw. Nakanganga.

Pero may pumipigil. Ang kaniyang kaliwang kamay na  hawak nang mahigpit ang dibdib niya. At ang kanan naman niyang kamay ay nakatutok ang isang kutsilyo sa may mukha ng babae sa mismong dibdib niya.

Dark ang ginawa kong theme. Sobrang dilim kung anu-ano na lang din na kulay ang nilapat ko sa walang mukha. May pula, dilaw, puti, gray, black at bloody red na rin.

At sa ibaba ng t'yan ng babae may iba't ibang kulay rin. Resembling that there's something in her tummy na nabubuo.

"She's pregnant right?" Tanong niya ulit na ikinatango ko naman. "Pero bakit gan'yan naman? She need to be happy and embrace her soon to be child. May nangyari ba sa kaniya? She r-ped or h-rrased by someone that's why it's k-lling her. Hindi niya tanggap na magkakaanak siya. Pero she's faking her face and her emotion. That's why she doesn't have a proper face to fill in. 'Yung totoong sarili niya at ang gusto niyang ipakita ay nagtatago sa pinakailalim ng pagkatao niya. Sumisigaw at humihingi ng tulong. Pero pinipigilan niya." Mahabang paliwanag niya sa dinrawing ko.

Patapos na ito kaya alam na agad niya ang mangyayari. Ilang araw ko na rin itong pinag-aksayahan ng oras. At ngayong nakabalik na siya galing China panigurado na limang araw ko itong nililibangan.

Pero hindi ko aakalain na sobrang lawak ng kaniyang pagkakaintindi sa gawa ko na hindi ko lang sinasadyang maisip gawin.

'Wala lang trip ko lang.'

" Galing! Ipatumba na 'yan! Wait, ang aga naman ata ng balik mo?"

" Bakit ayaw mo akong makita? "

" Oo hindi pa ba halata? " Tinaasan ko pa siya ng aking kilay samantalang nakakunot ang kaniyang noo." Huwag kang kumunot d'yan. Hindi bagay sa 'yo. Saka kung gutom ka kumain ka na lang d'yan. Sakto na nakaluto na ako. Hindi pa ako kumakain dahil gusto kong matapos itong gawa ko. "

" Are you into dark theme? " Tanong niya sa akin sabay turo pa sa canvas ko.

" Nope. I'm available in every theme. Kapag may nakikita ako o nababasa, bigla na lang sasagi sa isipan ko ang mga imahe. Tapos ilalapat ko na lang siya sa canvas. " Nakangiti kong sambit sa kaniya at muling ibinaling ang tingin sa obra ko.

Tumayo na rin ako sa aking pagkakaupo sa mataas na upuan. Medyo sakto lang sa taas din ng stand.

Nasa loob na ako ng sala namin sa may garden. Mainit na kasi sa pwesto ko kanina kaya naisipan ko namang dito na lang ipagpatuloy ang aking ginagawa.

"Para sa iyo. Ano ang kahulugan mo r'yan? Sound so dark and emotional. Saan mo rin nakuha ang ideya na gumawa ng ganiyang obra?" Sunod-sunod na tanong niya na ikinasimangot ko.

Sinipa ko pa siya sa kaniyang tuhod na ikinangiwi niya.

"Nanakit ka na lang baga!" Inis na singhal niya at matalim pa akong tiningnan pero ngumisi lang ako.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن