OBDW 2

925 24 0
                                    

SHION's POV:

(KINABUKASAN)

Malakas akong napabuntong-hininga pagkasapit ng umaga. Wala pa rin ako sa mood na magpakita sa kaniya. Pero ano pa bang magagawa ko?

I'm here because he buy me.

I'm here because he can do whatever he want with me. Play with me. Laugh at me. Tease me and judge me from the bones.

Pera lang 'yon. Dahil sa malaking halaga nasisilaw ang mga tao. Akala niya ganon lang ako. Akala niya isa akong gold digger na babae. Kaya magagawa niya ang gusto niya, dahil ang mga babae 'raw' kapag pera, nasisilaw.

But I'm not like them. Mayroong ganon, pero hindi naman lahat! The h*ll him!

Dahil sa kaniya iba na ang tingin sa akin ng mga tao. Ang daming bumabatikos. Ang daming nanghuhusga ng malamang dahil sa pera kaya ikinasal kami ni Kio.

Laman na ng balita ang tungkol sa babaeng pinakasalan ni Kio. Blurred man ang mukha ko ro'n, alam kong ako pa rin ang tinutukoy nila.

Ang gusto ko lang naman payapang buhay. 'Yung walang gulo...'yung kahit isang beses lang maging tahimik man ang mundo ko.

Pagod na ako ng mga panahon na 'yon. Pagod na akong umintindi kung bakit ganito kalala ang nangyayari sa akin.

Pero, he came. I thought he's my lucky day. But it became disaster as h*ll. Ang galing nilang magpakulo.

Ang galing niya sa mga salita. Nagawa niya akong pikutin sa tukneneng business na peke.

He didn't give a reason after the event. I needed an explanation. I need his.

Magagawan naman ng paraan. My anger would lessen if he tried to reach me out, give some manners and treat me as a human too. Not a robot.

Iyon lang naman ang ikinagagalit ko. At ang pagsira niya sa pagkatao ko sa ibang tao. Ano na lang ang ipapamukha ko? Ano na lang sasabihin ko kapag may nakakita sa akin and tell me; 'Hey she's the gold digger!', or, ' Binili lang pala siya sa malaking halaga. What a pathetic and b*tch she is!'

A-at... at paano kung malaman nila? Paano kung may suspetsa na sila?

Paano na ang lahat ng ito?

"Fackka him." Kinuyom ko ang aking kanang kamao. "Ouch." Mahinang daing ko nang makaramdam ng sakit sa aking kanang kamao.

Itinaas ko pa ito sa aking mukha. Inaalam kung malala ba.

Ganon na lang ang pagngiti ko nang mapait.

May malaking bruises sa mga buto ng daliri ko. Kitang-kita pa ang mga dugo na lumalabas. Pero mas kitang-kita na ang resulta ng ginawa ko.

"Napasobra ata ahaha." Natatawa kong sagot sa aking sarili. Napayuko pa ako at napapikit.

Pinapakiramdaman ang buong paligid. Nag-iisip din ng tama ngayong araw. Kung ano ba ang dapat kong gawin.

Siguro kailangan ko ng tigilan ang paghahanda ng pagkain para sa kanila. Sayang din kaya. Imbis na mapapakain na lang sa mga mahihirap d'yan, hindi. Naitapon ko na kasi.

Ganon talaga ako magalit. Hindi ko mapigilang alisin sa aking pagmumukha ang in-effort ko. Kapag patuloy ko itong nakikita, mas lalong sumisidhi ang poot.

Pagkain 'yun 'di ba? Ang pagkain dapat hindi tinatanggihan. Hindi dapat binabalewala. But, they did. He did.

Mga wala silang puso sa biyaya na natatanggap nila.

Hindi purket mayaman sila... hindi purket kaya nilang bilhin ang mga bagay na gusto nila o kaya'y maging tao na rin, at hindi purket sila na itong mga milyones o bilyones. Dagdagan pa na dolyar pa na mas malaki ang palit sa Philippines peso... kaya na nilang abusuhin ang mga bigay sa kanila at kusang nilalapit sa kanila.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Where stories live. Discover now