OBDW 1

1.5K 45 0
                                    

SHION's POV:

"Hoy mga tao! Kumain na muna kayo at magpakarami! Tama na muna 'yan!" Pagpapatigil ko sa mga lalaking ito na kanina pa ginagawa ang pinag-uutos ko.

Sinabihan ko sila na ayusin ang garden. Puro kalat ng mga dahon. Ang mga halaman naman ay hindi pa nagugupitan. Hindi na sakto ang hugis.

Natapos na nila ang pagwawalis. Ngayon naman ay nakatoka na sila sa pag-gu-gupit.

Hindi ko alam kung bakit ko sila napasunod. Pinapabantayan niya ako mula sa mga kaibigan niya. Akala mo naman tatakas ako, ngayong isa na akong Mrs. Franco.

Hindi ako aalis hanggat hindi niya nakukuha ang nararapat sa kaniya. Ipaparanas ko sa kaniya ang impyerno. Ang bangis ng isang Shion.

"Woah! Finally I'll gonna eat na!" Malakas na sigaw ni Hansel saka inilapag na lang sa lupa ang gunting para sa halaman.

Kaya tiningnan ko na ang tatlo. Tatlong halaman ito na mataas. Parang sa forbidden maze kung saan ang halaman ang silbing bakod para hindi makita ng lahat ang daraanan. P'wede ka ring lumusot sa gitna para makapunta sa kabila. Pero masakit sa mukha.

Tatlong halaman ito pero nakahugis sa bawat letra ng pangalan ni Kio. At si Hansel ay nakatoka sa letter I. Nasa dulo na siya.

"So tiring! Uh!" Inis na singhal naman nitong si Jrake. Kung saan niya lang itinapon ang gunting.

Patalikod 'yon kaya natamaan si Hansel na papalapit na sa direksyon ng kaibigan. Letter K naman si Jrake. Kaya magkatapat lang sila.

"Aw! Hey man! May problema ka ba sa akin?" Tanong nito sa iritableng boses at mabilis na kinuwelyuhan si Jrake. Gamit niya ang kanang kamay, samantalang ang kaliwang kamay ay nakahawak naman sa kaniyang ulo na natamaan ng gunting.

Masakit pa naman 'yun.

"Oo 'yung matakaw na t'yan mo. Hindi ko sinasadya tanga!"

"Mas tanga ka! 'E di ikaw na ang palaging nag-gy-gym!"

" Ano namang konektado ng nag-gy-gym sa pagiging matakaw mo? Nakakain ba ang barbell?"

" Bakit pagkain ba ang barbell? Are you stupid?"

" Hindi. Mukha mo lang."

Bago pa man magkasakitan ang dalawa. Pumagitna na si Naver.

'Ay sayang. Akala ko may mangyayaring riot.' Nadidismayang aniko sa aking isipan.

Napaupo na lang ako sa gitna ng lamesa na babasagin. Kinuha na naman ang tablet at pinagmamasdan ang impormasyon na nakuha ko tungkol sa lalaking 'yon.

Humigit sa isang linggo na ang kasal. Wala namang nangyaring kakaiba. Pasalamat ako dahil magkaiba kami ng kwarto.

Palaging nasa opisina si Kio. Takot ata na makita ang totoong pagkatao ko.

Hindi niya alam kung sino ba ang pinakasalan niya. Hindi niya rin alam kung ano ba ang kayang gawin ni Shion Montavidad.

And that's me.

"What are you doing?" Tanong nitong si Naver pagkalapit pa lang sa akin. Umupo siya sa kaliwang upuan.

Siya si Naver Alfonso. Parang brand ng isang alak at sapatos ata 'yung sa Naver. I don't think so. Judge me if you want. Wala talaga akong alam.

Siya 'yung lalaki na kulay green ang mata.

Sa loob ng isang linggo na 'yun nakilala ko nang maigi ang tatlo.

Si Naver. Tahimik lang pero minsan nakikisali sa asaran ng dalawa na si Jrake at Hansel. Ito lang ang may kayang sawayin ang dalawa kapag malapit na sa riot.

Billion Dollar Wife (Available On Finovel, Novelah And StoryOn)Where stories live. Discover now