Humiga ako ng pabaliktad. Yung paa ko ay nasa ulo ng kama samantalang ang ulo ko ay nasa dulo ng kama. Nang makarandam ako ng komportable ay napangiti ako.

Kinuha ko ang unang sinipa ko bago niyakap ito. Ipipikit ko na sana ang mata ko kaso may biglang lumagabog sa bintana ko. Inis kung tiningnan ang bintana ng wala ng bumato don ay muli kung pinikit ang mata ko.

Hindi ko pa napipikit ang mata ko nung bigla nanamang may bumato doon. Halos umusok na ang ilong kung tiningnan ang bintana. Sino naman kaya ang walang hiyang bumabato sa bintana ko?

Nang muling may bumato doon ay inis akong tumayo. Nausok ang ilong ko habang lumalapit sa bintana. Dahan dahan kung binuksan ang bintana. "Sinong hangal ang bumato sa binta----!" Hindi ko na natapos ang ssabihin ko nung biglang may pumasok na maliit na bato sa bunganga ko.

Napahawak ako sa lalamunan ko habang niluluwa ang batong naka pasok sa bibig ko. The hell? Hindi lang pala lamok ang pumapasok sa bibig ko kung hindi bato. Tsk. Nang maluwa ko yun ay napatingin ako sa baba ng bintana ko ng makarinig ako ng mahinang pag hagikhik. Napataas ang kilay ko nung makita si antipatiko.

Biglang umosok ang ilong ko habang nakatingin sakanya sa baba. "Hindi kalang istorbo! Ginawa mo pa akong si darna! Walang hiya ka!" Malakas na saad ko kay antipatiko. Napatigil naman sya sa pag tawa nung biglang may lumapit na mga Guardia na Civil sa baba ng bintana ko.

"Señorita?! Ano ang narinig naming ingay?!" Alistong saad ng isang Guardia na Civil. Mabilis akong umiling iling. Tiningnan ko pa sa gilid ng mata ko si antipatiko na naka tago sa likod ng puno ng mangga. "Wala may engkanto lang akong nakita ang ibig kung sabihin ay nagulat lang ako nung makita ko ang hindi buong buwan." Nakangiting saad ko. Sabay sabay kaming napatingin sa langit.

Napabuga ako sa hangin nung makita ang hindi buong buwan. Huuu! Buti nalang at naka lusot. Sabay sabay na tumango si antipatiko. "Kung ikaw ay may kailangan Señorita, huwag kang mag alinlangang tawagin kami." Tumango ako sa mga Guardia na Civil. Hinintay kung maka alis sila bago tiningnan ng napaka sama si antipatiko.

"Humanda ka sa akin." Umuusok ang ilong na saad ko kay antipatiko. Tinaas ko pa ang kamao ko sakanya kung kaya't ikinatawa nya. Wala ba syang nararamdamang takot, ha? Kahit buto buto ako kaya kung makipag squaran!

Kinuha ko yung belo ko sa gilid bago pinalibot yun sa dibdib ko. Naka suot na kasi ako ng pantulog. Ang astig nga ng pantulog dito sa panahon. Para ka kapong prinsesa. Sa bahay ang mga Señorita at Señorito dito ay parang prinsipe at prinsesa. Ang unfair naman sa mahihirap right?

Napahinto ako sa pag palalakad nung may mag salita sa likod ko. "Señorita? San kapaparoon?" Napakagat ako sa ibaba kung labi nung marinig ang boses ni liwayway. Kagat labi kung nilingon si Liwayway. "A-ah...." kagat labing saad ko na nag pataas ng kilay ni Liwayway.

"Señorita may kikitain ba kayo?" Taas kilay na saad nito. Mabilis akong umiling iling.  "A-ano bang sinasabi mo? Mag papahangin lang ako sa labas kaya huwag kanang mag tanong " Mataray na saad ko kay Liwayway, inirapan ko sya ng mag sasalita pa sya. "Huwag mo akong tanungin, hindi kita amo." Mataray na saad ko kay Liwayway bago nag lakad sa hagdan.

Nang makababa ako sa hagdan ay napa hawak ako sa dibdib ko. Napatingin pa ako sa taas ng hagdan baka sundan ako ni Liwayway. Napabuga ako sa hangin nung hindi sya sumonod. Buti nalang hindi sya sumonod. Kailangan lang pala ng pag tataray para hindi na mag tanong ng mag tango. Tsk.

Nang napatingin ako sa may pinto ay biglang umusok ang ilong ko nung maalala ang pakay ko kaya ako bumaba. Tsk. Humanda ka sa akin antipatiko. Dahil sayo nalasahan ko ang batong may toppings na Ew.

Nakakuyom ang kamay ko habang tumatakbo sa pintuan ng mansyon. Luminga linga ako. Baka kasi may tao, o Guardia na Civil. Mahirap na. Mabilis akong tumakbo sa kanan.

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now