OMEY - 8

307 151 11
                                    

Nasa library si Kashmir para mag-aral. She was scanning her book when she over heard some girls talking about some guy. Napasimangot na lang si Kashmir.

Tsh. Mga istorbo. Magkikwentuhan lang naman sila dito pa dumayo. Panira sa mga gustong mag-aral kagaya ko. Dito na nga lang ako makakapag-aral ng maayos dahil gusto ko pagdating sa bahay mamaya magrerelax na lang ako.

Parang kilig na kilig pa ang girls sa likuran niya. Hindi na siguro napigilan ng maghagikhikan ito ng mahihina at pigil na pigil. Nag mukhang halinghing tuloy ng mga kabayo ang hagikgik ng mga ito. Kung alam lang niya, di sana umuwi na lang agad siya after class nila. Kung bakit ba naman kasi naisipan niya pang dumaan sa library para dun magreview.

Mga higad na may halinghing ng kabayo. Peste!

Ibinalik niya ang tingin sa pagbabasa ng kanyang aklat. Pinilit niya lang tapusin at huwag magpadistract sa mga kabayong higad. Isisilid niya na sana ang kanyang mga gamit ng matigilan siya ng marinig ang pangalang Keith. And this time, mas tinalasan niya na ang kanyang pandinig.

"Oo girl. Ang gwapo niya sobra."

"Sila na ba ni Tiffany? Nakita ko kasi sila kahapon na magkasamang kumakain sa canteen eh."

"No way! Masyado lang assuming ang babaeng higad na yun. Akala niya naman siguro lahat ng guys dito sa campus maaakit sa kanya."

Gustong mapataas ng kilay ni Kashmir sa narinig. Tumayo na lang siya at lumabas ng library.

Bwisit na Keith na yun. Kaya pala hindi ako sinipot kahapon dahil may kasamang babae. Mas inuna niya oa talaga ang mambabae kesa sa makipagkita sakin para gawin namin yung activity. Humanda ka sakin, oras na makita kita who you ka sakin

Gigil na sinipa niya ang in can na nadaanan niya.

"What the-!"

Pumiksi si Kashmir sa kung sinong humawak sa balikat niya. Masasapak niya ang nang istorbo sa paglalakad niya. Inambahan niya ito ng suntok.

"Ops! Teka lang Kash!"

Nakataas ang dalawang kamay ni Ailee habang umaatras palayo kay Kashmir. Hindi rin kasi nito inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ng kanyang kaibigan. Ibinaba naman agad ni Kashmir kanyang kamao ng makitang si Ailee lang pala yun.

"Huwag ka ngang nanggugulat, pwede Ailee?''

Nakasimangot na sabi ni Kashmir sa bestfriend niya. Kapag ganitong mainita ng ulo niya nawawalan na din siya ng kontrol sa sarili ni hindi na niya rin napapansin ang paligid niya. Which very rare to happen kung nangyayari man.

''Grabe ka naman Kash. May balak ka bang lagyan ng black eye ang mata ko?!"

Exaggerated na pinandilatan ng mga mata ni Ailee si Kasmir dahil sa muntikan na nitong pagsuntok kanina.

"Next time, huwag kang basta-basta nanggugulat kaya sa susunod hindi ko na mapigilan ang sarili ko."

"Hey! Kanina pa kaya kita tinatawag. Dinaanan mo lang akong parang hangin kaya nga hinawakan na kita sa balikat mo para makuha ko ang atensyon mo."

"Sorry. Hindi kita narinig. May iniisip lang kasi ako kanina."

"Okay lang Kash. Pansin ko ngang malalim ang iniisip mo. Ano ba kasi yung iniisip mo?"

"Wala lang yun. Ang mabuti pa huwag mo na lang pansinin."

Bigla na lang tinalikuran ni Kashmir ang kaibigan. At parang walang nangyaring nagpatuloy sa paglalakad. Alam niya naman kasi na kahit hindi niya sabihing sumunod ito sa kanya ay susunod pa rin naman ito sa kanya. Alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi nalalaman kung anong gumugulo sa isipan niya. Hindi na nagtagal at nasa tabi niya na ito. Sinundot pa nito ang tagiliran niya.

"Ano ba kasi yung iniisip mo?"

Hinayaan niya na lang ang kaibigan baka sakaling mapagod din ito at kusa rin siyang titigilan sa katatanong nito. Kahit kailan talaga maypaka-tsismosa rin itong kaibigan niya.

"Ang sabi wala lang yun Ailee. Kaya pwede ba, huwag ka ng makulit?''

"Okay, I'll rephrase my question. Sino ba kasi yang iniisip mo ha Miss Kashmir Andrade?''

Napailing na lang siya sa kakulitan ng kaibigan. Kahit kailan talaga may pagka-isip bata ito. Huminto siya at hinarap ito. Ngiting ngiti naman ang kaibigan niya sa kanya na parang mas ikinatuwa pa nito ang nakikitang reaksyon sa kanya. Mas lalo yuloy napukaw ang pagnanais nitong malaman kung ano ang iniisip niya. Sabagay tama naman ito, hindi ano kundi sino.

"At sino naman ang nagsabi sayong tao ang iniisip ko aber?'

Tinaasan niya ito ng kilay. Isang nakakalokong ngiti lang ang isinagot nito sa kanya. Kung hindi niya lang talaga ito bestfriend, naku! Baka nahambalos niya na ito ng bag niya.

"What, Ailee?''

"What, what Kashmir"

Panggagaya nito sa tanong niya pati ang tono ng kanyang pagtatanong ay ginaya rin nito. Napabunghalit ito ng tawa sa itsura niya. Kagaya ng ginawa nito kanina, pinandilatan niya na rin ito ng mga mata.

"Relax ka lang Kash. Ikaw naman masyadong defensive. I'm just kidding okay?''

"Well to tell you what, you're joke isn't funny at all."

Natawa na lang ang kaibigan niya sa nakikitang pagkapikon niya.

"Oo na po. Hindi ka naman mabiro."

Bumuka ang bibig nito pero hindi na muli pang nagsalita. Nakatingin ito sa likuran niya. Baka nakita yung crush niyang basketball varsity player kaya natigilan na ito.

"Di ba si Kaleb yun?"

Kunot noong tanong nito sa kanya. Natigilan din siya sa sinabi nito. Oo nga pala hindi pa nito alam ang tungkol sa muling pagbabalik ng lalaki. Hindi naman kasi nila kaklase sa subject na magkaparehas sila. Nilingon niya ang itinuturo ng bibig nito. Mas lalo siyang nairita sa tanawing bumungad sa kanya. Dahil andun ang lalaking kani-kanina lang kulang na lang patayin niya sa isipan niya at masayang nakikipagtawanan kay Tiffany Echavez.

"He's Keith not Kaleb."

Mariin niyang sabi kay Ailee. Ang talim ng tinging ipinupukol niya kay Keith. Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa bumulagta sa semento si Keith.

"Ha? Anong Keith at hindi sya si Kaleb?''

Naguluhan din ang kaibigan niya kagaya ng naramdaman niya noong sabihin sa kanya ng lalaki na Keith ang pangalan nito at hindi Kaleb. Wala siya sa mood para sagutin ang mga katanungan ni Ailee kaya naglakad na siya paalis. Sumunod naman sa kanya si Ailee.

Napahinto sa pagtawa si Keith ng makita siya nitong paparating. Diretcho lang ang tingin niya at hindi pinansin ang pag ngiti nito sa kanya lalo na ng batiin siya nito. Nagkunwari siyang hindi iyon narinig hanggang sa lagpasan nila ito ni Ailee.

Bwisit siya! May gana pang ngitian ako at batiin. Mas inuna niya pa ang pakikipag harutan sa malanding higad na Tiffany na yun kesa ang kausapin ako at magpaliwanag kung bakit hindi siya nakapunta kahapon. Di magsama sila ng higad na yun. Silang dalawa ang guma ng activity.

"Teka Kash! Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad ng lakad ah. Hello! ng sakit na ng paa ko. Sus maryosep naman!"

Bigla siyang natigilan sa sinabi ng kaibigan. Kanina pa ba sila naglalakad lang? Hindi niya napansin. Muli naman niyang naalala kung eksena kanina. Gusto niyang sabunutan ang sarili. Kanina pa nawawala ang common sense niya ng dahil sa lalaking yun.

Kasalanan ng hinayupak na Keith na yun ang lahat ng ito!

Gusto sanang bulyawan ni Kashmir abg kaibigan pero hindi naman makatwiran iyon dahil wala naman itong kasalanan. At lalomg wala naman itong kinalaman sa pagkainis na nararamdaman niya kay Keith. Inaya niya na lang kaibigan na umuwi na sila.

Pero bago umuwi naisipan niya munang kumain upang magpalamig ng ulo. Inilibre niya na lang si Ailee para makabayad man lang siya sa perwisyong dinulot niya dito sa kasusunod sa kanya. Isa pa, siya na rin ang napahiya para sa sarili ng tarayan niya ito kanina.

Habang kumakain sila ni Ailee ay pilit winawaglit ni Kashmir sa kanyang isipan ang imahe ni Keith. Nagtagumpay naman siya dahil hanggang sa makauwi hindi sumagi sa isipan niya si Keith.

Officially Mine, Exclusively Yours [Slow Update]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang