"Allistair. Enough." Kalmadong sambit ni Armani.


Kinagat ni Allistair ang kanyang labi at ginulo ang magulo niya nang buhok dahil sa frustration. Ayaw mang ipakita ni Armani sa kapatid pero kahit siya ay naapektuhan sa sinabi nito. Dahil totoo ito.


Nasira nga ang buhay nilang mag-ina dahil sa mga taong nagsisilbing pundasyon ng kompanya.


Hindi na lingid sa kaalaman niya ang matagal nang pinaplano ng board of directors. Lalo na ang chairman of board. Kaya matagal na din siyang nagpaplano kung paano patalsikin ang mga ito nang hindi naapektuhan ng malaki ang kompanya.


"You know what I'm planning right now. Just give me enough time and I'll think of a way to execute it."


Malakas at determinado siyang mapasakanya ang kontrol ng kompanya dahil na din dito.


"Kuya, ayaw ko talagang patakbuhin 'tong kompanya. Wala akong interes dito. Mas lalong babagsak ang kompanya sa'kin."


"Alam ko. Kaya nga ako ang aangkin nito, 'diba? Sinasadya nilang ikaw ang gawing President lalo na't may sakit na si Dad." Ani Armani habang pinapaikot sa daliri niya ang ballpen na hawak.


Kumukulo ang dugo niya habang iniisip ang katotohanan na meron talagang mga taong gahaman sa pera at kapangyarihan. Kaya naman ay nagpaplano siya. Nalaman niyang may planong umatras ang isa sa board of directors at papasok ang kakilala ng chairman of board.


Ang plano nila ay palakasin ang poryento ng shares ng chairman. Dahil sa paraang 'to, mas malaki ang tyansang mapatalsik ang CEO ngayon ng Avi Food, na ama ng dalawa.


Hindi sang-ayon ang board na siya ang gawing CEO. Pinagbigyan lang na siya ang inassign na maging Presidente dahil sa ama nila, at dahil na din sa kondisyon ni Allistair. Pero pag dumating ang araw na manghina at mawala ang ama nila, naisip ni Armani na paniguradong dun na magsisimula ang board na patalsikin sila isa-isa mula sa kompanyang itinaguyod ng pamilya nila ng halos tatlong dekada.


Kaya bago pa may dumagdag sa board na mas malakas ang impluwensya, uunahan niya na ito.


"So, what are you planning to do? Do you think it'll work?" 'Di mapakaling tanong ni Allistair kay Armani.


Napangiti naman ang huli habang pumasok sa isip niya ang kanyang plano. Ang magsisilbing baraha niya sa sugal na nilalaro nila.


"Just wait. May pinagkakaabalahan lang siya. After that project, he'll come here and help us win this fight."



--  

[DANA'S POV]


"Plano kong lutuan si AJ araw-araw." Pagsasabi ko sa dalawa at nagulat ako ng bitawan nila ng sabay ang mga kubyertos nila.


"Luto girl? Naks naman. Ni kami na ilang taon mo nang friendship eh hindi pa nakakatikim ng luto mo." Ani Frey.


Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin Ang Lahat, Hoholdapan Mo Pa Ako?!)Where stories live. Discover now