Chapter 22

865 28 0
                                    


Wala na akong naramdaman kay Jethro. That's what always comes to my mind when I think of him. Sinubukan kong mag-move on, at nakapagmove-on naman siguro ako, 'no? It's been a years. I've moved on with him and maybe he's like that too. Thanks and Ruki came into my life and that’s where I poured my full attention into him.

And it's also not unlikely that he doesn't have a girlfriend now. He's handsome, as always, he's almost perfect. He was also careering based on what I had experienced with him before. So it's impossible not to.

Kaya hindi na dapat ako magtataka, kung sakali mang totoo itong hinala ng isip ko. Na girlfriend niya iyong susukatan at di-di-design-an ko ng damit. Tulad din nang sabi ni Ma'am Kisslie, sikat ang susukatan ko.

Well, bagay sila. Perfect match... Perfect couple.

"What are you doing here, Miss Ferrer?" he asked again, his left brow arching.

Takte, Tess. Answer him! 'Wag kang magpapaapekto. May girlfriend na siya at naka-move on ka na!

Napalunok ako saka inangat ang dalang folder. "Ano kasi... Ako ang magiging designer ng g-girlfriend mo," I stuttered a bit.

Bahagyang kumunot ang noo niya na agad ding napalitan ng paglalarong ngisi sa labi habang dinungaw ang dala kong folder. Ako naman ngayon ang naguguluhan sa inaakto niya. Bakit siya nakangisi? Don't tell me... Secret lang ang relasyon nila?!

"Sorry! Hindi ko naman kasi alam na pupuntahan mo ang girlfriend mo dito," I bite my bottom lips saka nagyuko. "Promise... Wala akong pagsasabihan."

Nag tsked siya saka bumalik uli sa pagiging seryoso ang boses niya. "Come in."

Napaangat ako ng tingin nang luwagan niya ang pagkakabukas sa pinto.

"Puwede naman akong bumalik mamaya... Baka kasi—"

"That's your job so I can't do anything," he interrupted me. "Just wait in the living room. I'll just get dressed."

Hindi pa nga ako nakapasok ay iniwan na niya ako. Huminga ako ng malalim saka tuluyang pumasok, tinungo ang living room na sinasabi niya. Na agad din akong natauhan ng napagtanto iyong sinabi niya.

Magbibihis lang siya? Ano namang pakialam ko kung magbibihis siya? 'Di ba dapat, tatawagin niya ang girlfriend niya para masukatan at ma-measure ko? Baka iyon naman talaga ang ibig niyang iparating at namali lang ang pagkakasabi niya.

Habang hinihintay ko ang girlfriend ni Jethro na lumabas ay hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang buong paligid. Perfect match talaga sila. Pareho sila ng hilig sa kulay. Black and white. Kaya hindi ako magtataka kung bakit naging sila, dahil nagkakaintindihan...

"What now?"

Muntik na akong mapatayo sa gulat ng biglang pagsulpot ni Jethro. I slammed the ballpen next to me causing it to fall and roll towards him. Tatayo na sana ako para kunin iyon nang pulutin niya 'yon at dahan-dahang naglakad patungo sa kinauupuan ko saka inilahad ang ballpen sa harapan ko.

"Nasa'n siya?" I reached for it, ignored his presence and pretended to look at the door he had left. "Is she still long?"

Tumaas ang sulok ng labi niya, umiling. "I'm here. Ako ang susukatan mo," wika niya sa normal na boses, umupo sa sofa saka isinandal ang likod. "Will you just stand there?"

"Seryoso ako sa sinabi ko, Mr. Yanez," inis kong giit nang lingunin siya. "Mabuti pa tawagin mo iyong—"

"Still want me to remind you that I don't know how to joke, Miss Ferrer?" he said coldly. He took a deep breath. "Call your head then... for you to believe."

Nexus Band #2: ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon