Kapag nahuhuli nya akong tumingin sakanya ay bigla syang iiwas. Tsk. At kapag nahuhuli ko naman si Antipatikong nakatingin sa akin ay agad ko syang sinasamaan ng tingin. Napapailing lang syang umiiwas.

ALAS NUEBE NA hindi parin kami nauwi nila Ina. Mag isa akong naka upo dito sa gilid. May kausap sila Ama na mukhang negosyante din at matataas na tao. Si Ina naman ay kausap ang mga Amiga nya.

Si Esteban at Calisto naman ay nag uusap sa gilid kasama ang iba nilang kaibigan. Si Andrea at Aexniqn naman ay kasama ni Eva Maria. Tutulungan daw nilang mag bukas ng regalo si Eva Maria.

Sinasama nga nila ako pero ayoko. Hindi ko naman close yun bat ako sasama?

Napabuntong hininga akong tumayo sa kinauupuan ko. Marami pang mga bisita, maraming paparating palang at marami naring papaalis. Nag lakad ako papuntang kusina nung maka ramdam ako ng uhaw.

Napahinto ako nung makita ang napaka daming alak sa lamesa. Tumingin ako sa kaliwat kanan,  nung makita kung lahat ay abala sa pakikipag tawanan ay pumuslit ako ng dalawang bote ng wine yata to.

Parang wine ang hulma ng bote kaya nakakasiguro akong wine ito.

Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan sa likod. Buti nalang ay abala ang mga serbidora kung hindi baka nahuli na nila ako. Nang makalabas ako sa mansyon ng Buenaventura ay tumingin tingin ako sa paligid.

Napangiti ako nung makita ko ang dalampasigan. Mabilis akong nag lakad papunta doon. Umopo ako sa buhangin at binaba ang dala kung bote ng alak.

Nag unat unat ako sabay higab. Napaka lamig ng hangin kaya nakaka antok. "May nag iinom palang Binibini?" Napatingin ako sa tabi ko nung may mag salita sa gilid ko.  Napataas ang kilay ko nung makita ang antipatiko.

"Sinusundan mo ba ako?" Mataray na saad ko sakanya. Nakangisi naman syang umiling. Umopo sya sa tabi ko at tiningnan ang dala kung wine. Itinaas nya ang bote at pinakatitigan ng maigi. Nanlaki ang mata ko nung ihagis nya yung bote sa dagat. "Hoy! Bakit mo tinapon?! Akin yan ha?!" Gulat na gulat na saad ko.

"Ito ba ang iyung tinutukoy Binibini?" Nakangiting saad nya sabay kuha ng isa pang bote ng Wine. Lalong nanlaki ang mata ko nung ihagis nya din yun ng malakas. Inis na inis ko syang pinag hahampas. "Bakit mo tinapun! Gusto kung uminom! Nakakainis kanaman! Ibalik mo yung alak ko!" Mangiyak ngiyak na saad ko habang pinapalo sya sa dibdib nya.

"Hindi ko nais na mag karoon ng may bahay na lasinggera." Nakangiting saad nito. Napahinto ako sa pag hahampas sakanya pinag kunutan ko sya ng nuo. "May bahay? Ano yun? Anong connect nun sa pag tapon mo ng alak ko?" Taas kilay na saad ko. Ngumiti sya sa akin sabay iling.

"Nakakatuwa kang Binibini, marami kang hindi alam na salita." Natatawang saad nito. Napataas ang kilay ko sa inis. "Alam mo? Hindi ka nakakatawa? Sinasabi mo bang bobo ako?" Iritang irita na saad ko.

Lalong tumawa si antipatiko. "Ikaw ang nag sabi nyan, Eeya." Napapikit ako sa inis. Inirapan ko sya at muling umopo sa buhangin, ganon din ang ginawa ni antipatiko. "Eeya? Maaari ba akong mag tanong?" Seryosong saad ni Antipatiko.

Kunot nuo ko syang tiningnan. "Sige, ano yun?" Saad ko habang nakatingin sa mga bitwin. Narinig ko ang pag buntong hininga nya. Umiling ito sa akin. "Akin nang naka ligtaan kung kaya't sa susunod na lamang." Kibit balikat na saad ni antipatiko ko.

Nakangiwi nalang akong tumango. "Alam mo? Hindi pa tayo nag kakakilala." Saad ko. Sabay naman kaming natawa. Akalain nyo yun? Ang dami nang nangyari sa pagitan naming dalawa pero hindi parin kami nag kakakilala?

"Ako ang unang mag papakilala!" Nakangiting saad ko kay antipatiko ko. Nakangiti din syang tumango sa akin. Humarap ako sakanya, ganon din ang ginawa nya. "Ako nga pala si Estela Asuncion Andres, Eeya ang aking palayaw at malaya kang tawagin ako sa kahit ano, ano naman ang iyung pangalan ginoo?" Nakangiting saad ko natawa naman si antipatiko.

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now