🍓8🍓

491 22 0
                                    

Stell's pov

"Hatid na kase kita" Pilit kong sabi kay Ana. Kaming dalawa nalang ang mag kasama ngayon sa hallway.

"Pwede ba stell? Tumahimik ka" Inis na sabi nito saka tumigil sa pag lalakad.

"Sge na hatid lang naman eh" Sabi ko at humawak sa braso niya na parang bata.

"Adik kaba Gabi na oh umuwi kana" Inis na sabi nito.  Pero di ako bumitaw sa braso niya.

"Eh uuwi ako basta hatid kita" Nag papa-cute pako ah. Sana naman gumana

" Hays oo na" Sabi nito at nag lakad uli.

" Hehe papayag ka din nama pala eh" Sabi ko saka siya sinabayan.

May kotse akong dala pero tinawagan kona yung driver ko na kunin nalang niya dito sa school kase mag lalakad ako pauwi.

At si Ana naman? May kotse din naman 'to pero gusto laging mag lalakad.

Paano ko na sabing lagi? Well tamang sunod lang sa kaniya pag nauwi siya WHAHAH.

" Bakit ba nggugulo ka" Tanong ni Ana saken.

"Wala lang masama bang maging kaibigan ka?" Pag tatanong ko din.

Pero sa totoo lang higit pa sa kaibigan ang gusto kong mangyare.

Kaso mukhang malabo na yun dahil di na niya ako crush.

Pero lahat gagawin ko maging crush lang niya uli ako.

Minahal na niya ako dati kaya for sure pwedeng mahalin niya ulit ako.

Wala namang masama kung subukan kong paibigin siya.

Saka lahat naman ng tao nag kakamali at Isa sa mga pag kakamali na nagawa ko ay yung sungitan siya nung panahong ginugulo pa niya ako.

" di kaba pa pagalitan ng mommy mo?" Baling niya saken pero nag lalakad pa din.

"Hindi lagi namang nasa trabaho sila mom eh" Sagot ko.

" May dadaanan pako" sambit ni Ana.

"Ayos lang naman na Gabihin ako"

"Sa bagay lalaki ka nga pala"

"Uy di lahat ng lalaki Gabi na umuuwi ah"

" Bakit may sinabi bako?"

"Sabi ko nga wala"

√ Ex crush Where stories live. Discover now