007

538 17 0
                                    


S U N N Y



I'm talking with my friends in chat when someone knock on my door. Ibinaba ko ang phone ko at nakita kong sumilip si Kuya mula sa siwang ng pintuan ng kwatro ko.


"My friends are coming, hindi ka ba bababa?" He ask


My phone is vibrating, sunod-sunod ang pagpasok ng messages sa phone ko, inaasar nila si Miracle na napaamin bigla na hanggang ngayon ay may gusto pa rin sa kuya ko.


"Mamaya na, kuya. Wala pa naman sila diba?"


Binuksan niya ng tuluyan ang pinto ng kwarto ko at pumasok. Naupo siya sa mini couch ko at napatingin sa phone ko na hanggang ngayon ay tumutunog, nababasa ko sa notification bar na nagpaplano na sila para sa labas nila ngayong hapon.

"May plano ba dapat kayo ng mga kaibigan mo ngayon?"

"Would you introduce your girl today? Kaya naghanda si Mama? She even ask me to prepare graham you know."

Maingat na tanong ko kay Kuya. I'm a pro-Mira for him but I guess I can't push my friend towards him if he's already got a girl. Ayoko rin namang masaktan ang kaibigan ko ngayong may nakakuha na ng atensyon ng kapatid ko.

"Pano kung meron nga? You don't want me to have a girlfriend? Kasi hindi na ikaw ang magiging baby ni Kuya? "

May halong pang-aasar ang tono nito.

"Hindi naman sa ganon kuya, we are already in college and you can have a girlfriend but..."

But kuya, my friend will be hurt. Alam kong wala kang pananagutan sa kaibigan ko dahil wala ka rin namang alam tungkol sa nararamdaman niya para sa'yo. Alam ko rin na matagal nang tanggap ni Mira na di mo siya mapapansin pero nasasaktan pa rin ako para sa kaibigan ko. We both know that we can't stop you from getting a girl because it's your own choice.

"But?" He ask curiously.

"Kasi—" before I can say something there's a loud beep from outside that makes me stop.

"Ash anak, nasa labas na ata ang mga bisita mo!"

Narinig naming sigaw ni Mama mula sa baba.

"What is it again, Sunny?"

Ngumiti lang ako kay Kuya at umiling. Tumayo na ako at nilingon ang salamin sa gilid para tignan ang sarili ko.

"Let's go, Kuya. Baka nag aantay na ang mga bisita mo. " Aya ko sa kanya bago lumabas ng kwarto ko.

I'm just wearing a simple white tee-shirt partnered with a maong shorts, nasa bahay lang naman ako kaya di na ako nag abala pang mamili ng damit, I just let my hair down, hindi na rin ako nag make-up, hindi ko naman mga bisita ang dadating kaya ayos na ito. Sumunod din naman sa akin si Kuya, sabay kaming bumaba, dumeretso siya sa pinto para salubungin ang mga kaibigan niya, habang ako ay naupo sa sofa.

Bumalik naman agad si Kuya, may kasama na siya pagpasok niya. Tatlong lalake at isang babae ang kasunod niyang pumasok, maiingay ang mga ito at nagtatawanan. Napatingin sila sa gawi ko kaya tumayo ako para batiin sila.

"Hi, tuloy kayo" Aya ko sa kanila.

They all smiled at me and greeted me back, napatingin ako sa nag iisang babae sa kanila, she have a long hair and she smiles sweetly, mahaba ang puting dress na suot nito, bagay naman sa kanya ang suot niya but Mira is more than pretty than her, siguro dahil bias ako kasi kaibigan ko si Mira.

"Ang bagal nung isa pre, tawagin mo nga." The guy on the left side of the only girl with them said to Kuya.

"Cloud! Bilisan mo naman diyan!"

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ko ang pangalang sinigaw ni Kuya, nawala ang atensyon ko sa babaeng kasama nila. Hindi naman siguro si Cloud Miguel Livamonte ang tinutukoy ni Kuya, hindi ba? Hindi naman siguro 'yung crush ko?

My what ifs broke when I saw the man who entered the door of our house, he looks so clean in his outfit, he's smiling and have a fist bump with my Kuya Ash.

How did this happened? Kelan pa naging kaibigan ni Kuya ang crush ko?


Hi Crush (Hi Series #1)Where stories live. Discover now