Prologue

21 2 0
                                    

I'm still wearing my contrast collar plaid tweed romper. Kakauwi lang namin ni Carden galing Tagaytay at ni hindi ko magawang mag bihis o buksan man lang ang kahit ano sa mga social media accounts ko dahil malamang ay nakapag-post na ang mga universities ng mga resulta at maaari kong makita ang mga resulta sa mga post ng mga kaibigan o kasabayan kong nag-exam.

What would be my Plan B kung hindi ako makakapasok dito? I got accepted to three prestigious universities pero ang interes ko ay nasa eskwelahan na ito. They got the best teachers in the country. I mean, hello?

This university got THE Callia Torres to perform for their annual school festival! No one got Callia Torres to say yes to perform sa kahit anong unibersidad. And rumors has it that she may be teaching this school year sa mga music students sa paaralan na iyon for the half of the upcoming school year.

Nanatili akong nakahiga sa kama ko when someone knocked on my door, "Apo.. nakabalik na si Atticus, nakapag-bihis ka na ba?" Napatayo ako at agad na dumiretso sa aking pintuan para pagbuksan si Mommyla.

"Hi, Mommyla.." hinalikan ko ito sa pisngi at kinurot naman niya ang mga pisngi ko. "Naku, Seraphina naman! Kanina ka pa nakauwi, bakit hindi ka pa nagbibihis? Paghihintayin mo na naman ba si Atticus? Naku! Pasalamat ka at mahaba ang pasensya ng batang iyon sa'yo!" I smiled sweetly at my Mommyla after she said that. Kumapit naman ako sa braso niya at nag-lambing.

"Sorry, Mommyla.. Eto na po, maliligo na po ako!" And after that I kissed her cheeks and rushed inside my room. Hindi na ako nag-abala na maghanap pa ng damit sa closet ko sapagkat naalala kong kumuha na nga pala ako kanina bago pa man ako magmuni-muni sa kama ko. Naligo lang ako at nagbihis ng usual na pantulog ko. Dala-dala ang favorite kong unan, cellphone at laptop ay pumanhik na ako pababa ng hagdan patungo sa sala namin, doon kasi palaging nag-hihintay si Carden saakin.

Naabutan ko siyang nag-rerevise ng kung ano sa MS Word, it's probably for his school requirements. Inilapag ko ang laptop at cellphone na dala ko sa table. Naupo ako sa tabi niya at niyakap ang unan na dala ko. Napabaling naman sa akin ang tingin niya.

He ruffled my hair and planted a kiss on the top of my head. Pagkatapos noon ay tumayo siya at dumiretso sa kitchen. Hindi na ako nag-abala na tumayo dahil talagang kinakabahan ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Huling beses na kinabahan ako ng ganito ay noong nagkaroon ng matinding away ang parents ko, yung away nila na hindi ko makakalimutan.

From my reverie, I heard Carden's footsteps approaching me. I looked at him, only to be surprised at what he's holding. Carden's holding a huge box and at the top of it are foods. I sighed, pinipigilan ang sarili na maiyak because of his gestures. I'll forever thank Him for this man.

Isa-isa niyang inilapag ang mga pagkain sa lamesa na nasa harap namin, nakita kong halos lahat ng inilapag niyang mga pagkain ay ang mga pagkain na usual naming kinakain kapag nabuburn-out kami sa mga school works, requirements o di kaya sa mga problems namin.

Nakita kong binuksan niya ang tub ng coffee crumble ice cream na binili niya bago inabot sakin kasama na ang isang kutsara, he also didn't forget to buy fries for my ice cream. He also got himself his rocky road ice cream at kung fries ang ka-partner ng ice cream ko, siya naman ay burger. He loves eating burger before eating ice cream. Sumandal ako sa sofa at sinimulan ng kainin ang dala niya. I opened the television in front of us and decided to search for movies na pwede naming panoorin.

Nang mamataan ang favorite movie, biglang nagsalita si Carden sa tabi ko. "Don't even bother watching that again, you just recently watched it the other day.." I pouted. Ni hindi man lang inangat ang tingin sa akin, nanatili ang mga mata niya sa file na nirerevise niya.

I was busy searching for a movie nang biglang tumunog ang telepono niya, lumingon siya saakin and excused himself, I nodded at him at patuloy na nag-hanap ng pelikula.

"Yeah... I already emailed you the file, dude." He said. "No, I can't right now.. maybe some other time, thanks.. bye" and then he ended the call.

"Can you look at the results? I don't think I can look at that.." I sighed. Kinakabahan talaga ako. He nodded at me and opened his laptop. He didn't bother to open it on my laptop. Nakatingin ako sa kanya, the whole time that he's exiting at the open tabs, for a while. Nakita kong nag-exit muna siya sa MS Word and that revealed his laptop's homescreen wallpaper, it's me.

Kung may mga taong hindi kabisado ang laptop niya at nakita itong picture ko sa laptop niya, aakalain nilang laptop ko ang hawak niya. Paano ba naman kasi, ang nasa picture ay ang selfie ko noong nagpunta kami noon nila Mommyla sa Batangas para magbakasyon, it was a picture of me na naka-wacky, I sent that to him dahil nabobored ako non sa bahay-bakasyunan namin kaya naisip kong mag-send ng pictures ko sa kanya before calling him for a video call.

Humarap siya saakin. I took a glance at his laptop, "Na-log in mo na yung account ko?" Tumango siya saakin. "Do you want to see the results or should I look at it first?" Napatakip ako sa mga mata ko because I don't want to see the results. "You should look at it first.." I said.

After almost a minute of searching for my name, napasandal siya at ramdam kong nakatingin siya sakin. I slowly removed the hands off my eyes, I looked at him. Only to see him, looking at me with his face full of seriousness. "I didn't make it through, no?"

He slowly showed me the laptop with the results on it. He smiled.

10. ANDROMEDA, AUTUMN SERAPHINA.

"I told you, you'll ace the exam." I cried ugly but still hugged him. "I'm so proud of you.." I felt him kiss me on my forehead.    

Reminiscence of AutumnWhere stories live. Discover now