XII: Tine Wants, Daddy Gives

Start from the beginning
                                    


Sa ganitong oras ay madami talagang pumapasok sa utak ko at lahat ng mga gabing iyon ay hindi pwedeng hindi kasama ang anak ko. I've been thinking of her right now, how much she is of a daddy's girl. Lumulundag ang puso ko sa tuwing naiisip ko ngunit sumasakit din dahil alam kong mahirap pala kay Justine na kilalanin ako bilang ina niya.


Maya-maya pa ay nararamdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko kaya sinarado ko na ang laptop at humiga. Nakakatulog na yata ako sa isang masayang Justine sa aking isipan ngunit may sumasamang isang lalaki at isang babaeng magkahawak ang kamay. Me. Him. Even dreams are ridiculous. 


As the days passed, hindi na ulit kami nagkikita ni Justine. Doon ako nalungkot ng todo dahil doon na nga lamang kami nagkikita ni Justine ay naputol pa. Hindi ko magawang sisihin si Ishmael, dahil delikado rin ang kanyang ginagawa. I'd forbid her to anything that'll cause danger. Kahit mapalapit sa akin. 


"Miss, matagal pa tayo rito?" anang driver sa'kin habang nakatingin sa rearview mirror.

"Saglit na lang, kuya." sagot ko naman habang nakatingin sa bintana.


Nakahinto ang taxi sa labas ng private school ni Justine. Naglalaro siya sa playground doon kasama ng iba pa niyang mga kaklase. Ang cute niyang tingnan sa unipormeng red and white, tapos ay may malaking ribbon sa harapan. Nakarintas ang mahaba niyang buhok ngunit dahil sa kalikutan ay may tumatakas nang buhok. Hindi tulad ng dati, bantay sarado si Justine. May dalawang yaya na sumusunod sa kanya at apat na gwardyang nakamasid habang siya'y naglalaro. Mukha namang sanay na siya dahil kinakausap niya ang mga ito minsan tapos ay tatawa.


"Tara na ho, manong." buntong hininga ko sa driver. Kahit ano siguro ay ibibigay ko para lamang sa tawang iyon ni Justine.


"Hindi ko alam, Lacey. Parang gusto ko nang bumalik ulit sa trabaho ko. Kahit subsob at company based ay ayos lang sa'kin basta ay may distraksyon ako." sabi ko nang minsang kumakain kami ng dinner.


Napahinto siya saglit. "O, tapos? Aalis ka, tapos? Iiwan mo 'ko? Tapos, 'yang eyebags mo lalaki nanaman ng bonggang-bongga?" 


"Lumaki na ang eyebags, mas okay nga iyon." dipensa ko. 


"IIwan mo 'ko? Papayag kang mag-isa 'ko rito? All by myself?" Napanganga si Lacey.


Kung iisipin, isa nga rin naman siya sa dahilan kung bakit narito ako. Ayokong mag-isa siya sa kanyang base lalo na't medyo malayo-layo ito. Ang mga magulang kasi ni Lacey ay nasa states. May malaking away sa pamilya tapos ay naglayas na lang siya. Walang-wala talaga siyang dala dahil sinuko niya ang lahat - credit cards, sasakyan, lahat ng gamit. Payo ko sa kanya ay bumalik sa mama o papa, o kaya naman ay tanggapin ang sustentong pinadadala sa kanya. Swerte siya kasi may mga magulang siya. Tingin ko ay sobrang laking isyu talaga kaya nalimot na rin sila ni Lacey. 


"Ang mga lalaki, tao rin naman. Pero 'yung iba, nuknukan lang talaga sa kaperwisyuhan. Mapapamura ka na talaga." aniya.


Inilingan ko siya. Sige. Hindi muna ako aalis dito. Para kay Lacey. At para na rin sa sariling katinuan dahil alam kong hindi rin ako makakatulog sa gabi sa katotohanang nasa harapan ko na, pinakawalan ko pa.


Matapos ng dinner ay naglaptop ulit ako at matutulog nang mga alas dos o alas tres gaya ng natural na tulog. Nang naghikab ay humiga na ako. Makakatulog na sana ako kung hindi dahil sa malakas na kalabog ng katok sa pinto. 

Napabangon kaagad ako.


Napatingin ako kay Lacey sa kabilang kama na tulog na tulog pa din, marahil na din sa pagod.


Patuloy ang pagkabog sa pintuan na tela mo ibig itong wasakin. Lumunok ako ng isang beses at saka kumuha ng isang kalapit na babasaging vase. Sa ganitong madaling araw ay may kakatok sa aming pinto? 


Dahan-dahan akong pumunta sa sala at sa harapan nang walang tigil na kumakabog na pintuan. Dalawang buntong hininga ang ginawa ko bago pumikit ako ng madiin at binuksan ang pinto. Nalaglag ang vase sa paanan ko dahil sa gulat ngunit salamat hindi ito nabasag. 


Nakita ko ang muka ni Ishmael na pawis na pawis at parang hindi na alam ang gagawin.


Bumukas sara ang bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.


Naalala ko ang umaatikabong apoy sa kanyang mga mata nang huli kaming magkita. Now, all I can see is fear. And then only a few people gets to watch the mayor's deep red eyes turn into an intense blue.


"Justice." matipid niyang tawag sa aking pangalan.


Nanatili ang tingin ko sa kanya atsa namumuong pawis sa gilid ng kanyang noo. Naroon pa rin ang tindig at tikas sa kanyang katawan, all that rippling muscles. But he's tense.


 "Its Justine. She's sick..." Napasinghap siyang saglit, hindi makatingin sa akin.


"Si Justine?" Gulat kong tanong. 

Tumango ito atsaka lumunok ulit.


Walang-wala na talaga ang apoy sa kanyang mga mata. That mighty aura he always carry. Its all gone. Parang tanga lang dahil sa kabila ng masasakit na sila niyang sinabi sa akin, kayang-kaya ko siyang tingnan patungkol sa anak namin. She's the reason why her father is here, begging.


Pumikit ito ng madiin at tumango. Namumuo na ang kunot sa kanyang noo, senyales na mahirap para sa kanya ang kumatok sa pintuan ko - istorbohin ako - sa ganitong oras. "She wants you there..."

The MayorWhere stories live. Discover now